SA LOOB ng bahay ay naroon ang tatlong lalaki na nagtutulong tulong sa pag-aayos ng kwarto. Mga kakilala din namin ang mga ito. Kalapit bahay lamang. Nagkalat ang mga flywood at tools sa paggawa. Iyon ang naabutan ko pag-uwi ko ng bahay galing sa school. Nagtatakang inilapag ko muna ang bag sa upuan bago nagsalok ng tubig sa baso at ininom. Nauhaw ako sa dami ng hinabol ko'ng quizess at lecture kanina. Sumandal ako sa pader at tiningnan ang ginagawa ng mga trabahador. Anong meron at bakit nagpapagawa si tatay ng kwarto? Kaming dalawa lang naman ang nasa bahay. Tig-isa naman kami ng kwarto kaya para saan ang isa pa'ng kwarto? May kamag-anak ba kami na magbabakasyon dito sa amin? Marahil ay iyon nga. Ilang taon na rin ang nakalipas mula ng huling magbakasyon ang mga kamag-anak namin

