KAPITULO 9

1627 Words

PABALING baling ang ulo ko. Kanina pa ako hindi makatulog. Panay ang tayo at tingin ko sa bintana ng aking kwarto. At dahil nakasanayan ko ng iwan iyon ng nakabukas, kitang kita ko ang bilog at madilaw na buwan. Naiisip ko na naman iyong inasal ko kanina. Hindi ako gawain na maging bastos sa harapan ni tatay lalo na sa ibang tao. At iyong ginawa ko kanina ay nagmamanipesto lang na naging bastos nga ako roon sa bisita. Nakokonsensya tuloy ako. Nag-aalala rin ako na baka isipin ni tatay na nagkamali siya ng pagpapalaki sa akin. Nagdesisyon akong lumabas ng silid para uminom ng tubig. Natigilan ako nang makita ko si tatay na nakaupo sa labas ng bahay habang umiinom ng lambanog mag-isa. Bukas ang buong ilaw. Nilapitan ko ito. “Tay, gabi na. Bakit umiinom ka pa?” Pagkuha ko sa atensyon ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD