KAPITULO 10

2603 Words

SABADO ng umaga, alas dose na ako ng tanghali nagising dahil napuyat ako kagabi. Pinuyat ako kakaisip ng mga sinasabi ng estranghero na 'yon. Kaya ito, nagmamadali akong mag-ayos ng sarili sa harapan ng salamin. Kandaugaga akong magtali ng buhok at saka nagtungo sa lababo para maghilamos at magsipilyo. “Nakakainis, kung bakit ba naman kasi napasarap ang tulog ko? Sayang ang benta ngayon!” Paninisi ko sa sarili. Gigil kong pinisil ang laman ng toothpaste at saka nagmamadaling magsipilyo ng ngipin. Sa tapat ng kusina ay mayroon maliit na bintana, nagsisilbi itong singawan ng usok kapag nagluluto. Hindi sinasadyang napatingin ako sa labas niyon, nakita ko roon ang estranghero na nagsisibak ng kahoy. Sa likod kasi ng bintana ay bakanteng lote na pagmamay-ari namin. Tambakan ito ng mga kahoy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD