HULING araw na ng klase kaya naman lahat ng estudyante ay kanya kanya na ng pagpaplano para sa bakasyon. Ang iba ay nagpaplanong lumuwas ng Manila at doon ilaan ang masayang bakasyon. Ang iba naman ay ilalaan sa paghahanap ng part time job. Ako gustuhin ko man magtrabaho para maranasan na rin ito ay hindi na maaari. Dahil may negosyo kaming dapat unahin. Tapos na rin ang pasahan ng mga projects at term paper para sa grading na gagawin ng mga propesor. Tuwang tuwa ang propesor dahil ang lahat ay nakapagpasa sa tamang oras. Para sa akin ang araw na 'to ay sobrang gaan. Nakahinga talaga ako nang maluwang nang matapos ang lahat ng kailangang gawin. Next semester kasi ay kalabaryo na para sa amin dahil doon na kami sasabak ng training. Nakaka-excite na nakakakaba. “Ano tuloy ba tayo buk

