“PATINGIN nga ako ng tinitingnan mo!” Nagulat ako nang biglang haltakin ni Fina ang brochure na hawak hawak ko. Dinekwat ko pa iyon mula sa library. Sinamaan ko siya ng tingin. Bigla na lang ito sumusulpot. Tumaas lang ang kilay niya nang makita ang mga nakalagay sa brochure. “Naghahanap ka ng magandang resort? Bakit? May balak ka'ng mag-vacay?” tanong niya sabay tabi sa akin dito sa bleachers ng soccer field. Dito ko minsan ginugugol ang oras ko kapag libre ang oras. Ayokong kasama si Fina dahil madalas, nasa theater ito at nagpa-praktis. Kapag nandoon ako ay inaantok ako at nakakatulog. Napapagalitan tuloy ako ng direktor nila sa lakas ko'ng maghilik. Nakakabagot kasi talaga ng stage play drama nila. Umingos ako at nangalumbaba. Pinanood ko ang mga nag-eensayo sa field. “Uy, ano

