Sino?

877 Words
Kinilabutan si Alex ng marinig ito sa driver. Naramdaman nya ang nagbabadyang panganib "Ah. Manong, bababa na po ako." Kinakabahan si Alex sa pwedeng mangyari dala na din ng mga naiisip nya at ng napapanood nya sa balita. "Bababa ka na agad?" Itinigil ng driver ang taxi. Sabay lumingon sa direksyon ni Alex na ngayon ay hindi nagpapahalatang natatakot. Inihinto ng driver ang taxi sa isang malawak na bakanteng lote. Lumingon ang driver sa kanya at nagtanggal ito ng salamin. Ngayon lamang niya napansin ang kakaiba sa itsura ng driver. Isang.. Isang kakaibang nilalang. Kakaibang mga mata ang mayroon ito. Ang kulay ng mga mata nito ay kakulay ng sa punongkahoy na nagliliwanag kahit may kadiliman ang loob ng sasakyan at ang nag iisang bumbilya sa kaliwang Bahagi ng upuan ng driver ang nagbibigay liwanag sa kabuuan ng sasakyan. Medyo Mahaba din ang tenga nito na matulis ang itaas na bahagi, napansin din nya sa pag ngiti nito ang kakaibang Hugis ng mga ngipin ng lalaki na mas matalas kumpara sa ngipin ng tao. Nagmamadali nyang pinilit na buksan ang pinto Ngunit nailock na ito ng driver. Unti unting lumalapit ang driver sa kanya. Nang walang ano ano ay may anino na bumakas sa salamin sa tabihan nya at binasag ito gamit ang siko na nababalutan ng sleeve ng violet na jacket. Nagulat siya at ang driver nang nabuksan ang pinto at Isang lalake ang pumasok sa loob ng sasakyan, hindi nya maaninag ang mukha nito dahil natatakluban ng anino ng driver ang itaas na Bahagi ng katawan ng misteryosong lalaki. "Ang mabuti pa, tumakas ka na. Ako na bahala dito." Kalmadong sabi ng misteryosong lalaki sa kanya. Dali daling kinuha ni Alex ang mga gamit nya at tumakbo papalayo sa taxi kahit hirap sya sa paghakbang dahil sa suot nyang heels. Ang lakas naman ng loob nito. Hindi ba nya naiisip na hindi tao ang kakalabanin nya? wika nya sa isip nya. Hindi pa siya nakakalayo at naririnig nya pa ang pag uusap ng dalawa. "Teka muna, sa tingin mo ba, kaya mo ko? HAHAHAHAHAHAHA. Ang lakas naman---" "**************" Naguguluhang lumingon si Alex sa dalawa. Ngunit sa hindi nya malamang dahilan, unti unti syang nilalamon ng antok. Hindi nya alam kung may nakakarinig sa kanyang sigaw. Ang pagsigaw na lamang nya ang paraan kung paano sya makakahingi ng tulong kahit alam nyang hindi sila madaling makikita dahil sa walang bahay na malapit na mababakas sa paligid ng lote. Hindi na nya napigilan ang katawan na bumagsak sa malamig na kalsada. Bago sya makatulog ay may nakita sya ang tatlong pares ng naglilingas na mga pulang mata sa di kalayuan. Sa kabilang banda naman.. "Saan mo natutunan yon? Anong klaseng nilalang ka ba? Sino ka ba!?" Galit na galit na sigaw ng driver. Tila nabuhusan ito ng tubig ng marinig ang katagang tanging hindi mortal lang ang nakaka alam. Mga engkantado. Mahika ng engkantado ang nagpatulog kay Alex. Agad na nagpalit ng anyo ang driver ng taxi, nahahawig ang mukha nito sa mga paniki Ngunit ang katawan nito ay mas lumapad at nagkulay tsokolate na may mga buto na nakalabas sa balikat nito, may tatlong pulgada ang haba at dumudugo ang tinubuang butas ng mga buto. Ngunit sa isang kumpas lang ng Misteryosong lalaki ay bumalik na ang driver sa dati nitong anyo. "Ies Di Vaindum Thialah Ytrivan." at sa kasabay ng pagsambit ng misteryosong lalaki sa ilang kataga ay naglaho ang driver na parang bula. Naiwan ang lalaki kasama ang nahihimbing sa tulog na si Alex. Lumabas ng taxi ang lalaki at unti unting naglakad sa direksyon ng nahihimbing na si Alex. Naupo ito at Tinitigan nya ng mabuti ang dalaga. Sa pagtitig nya ay parang may naalala syang pamilyar na mukha. "Hindi. Hindi siguro.." Pailing iling na sabi nito. May ibinulong ito sa hangin na mga kataga. Kasabay nito ang paglaho ni Alex na parang usok. Alam ng lalaki na may nakamasid sa kanila kanina pa. Tumayo ito sa pagkaka upo at nagmasid sa paligid. Madilim at wala kahit lamok o kuliglig ang nag iingay. Kakaiba. Gumuhit sa langit ang mahabang kidlat at sinundan ng mahinang kulog. Nang maglaho ang ingay na nalikha ng kulog, Nawala na rin ang lalaki. Sa Isang madilim na lugar ay may tatlong maliliit na nilalang na tumatalon. Mababakas sa anino ng mga ito na Sila ay hindi pangkaraniwan dahil sa animo'y na maninipis na salamat nito at manipis na katawan na nababalutan ng balahibo. Paulit ulit na binibigkas ang mga katagang "Engkantado sa siyudad, malakas at may Mahika. Kelangan malaman ng pinuno.." Maririnig ang Boses ng mga ito na parang mga daga Ngunit may kalakasan at basag. Nang makarating ang tatlo sa isang malaki at abandonadong gusali, pumasok ang mga ito sa isang maliit na awang ng lupa sa gitna talahiban at gumapang sa masisikip na bitak papunta sa isang silid na napaliligiran ng mga kandilang pula. Sa sulok nito ay may isang malaking anino na nakatalikod. Lumapit ang tatlo, lumuhod at yumuko ang mga ito sa gitna ng malamig na sahig at nagsalita. "Panginoon, sa palagay ko'y may mga engkantado dito sa siyudad. At mukhang ang prinsipe mismo ng engkantado ang nakita namin." Humarap ang anino at tumingin sa nilalang na nagsalita. "Buhay ang prinsipe? Ang akala ko.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD