Panaginip

532 Words
Si Alex ay pababa ng hagdan. Kasalukuyan syang nagdaraos ng kanyang ika-18 kaarawan. Masaya at nakangiting nakatingin sya sa kanyang mga panauhin na dumalo sa selebrasyon na ito. Isang hakbang na lamang at nakababa na siya sa huling baitang ng biglang namatay ang mga ilaw. Ang tanging liwanag na kanyang nakikita ay ang liwanag na nagmumula sa kwintas na binigay ng kanyang ina. At tanging ingay ng mga tao ang kanyang naririnig. Nagtatakang nakatingin sa suot nyang kwintas ay napansin nyang isa isang dumadami ang mga naglilinawag na bagay na lumilipad. Sa isip isip nya, "Alitaptap" ang mga ito. Akala ng karamihan ay kasama ito sa programa. Lumapit kay Alex ang mga ito at napansin nyang mali sya ng hinuha. Ang akala nyang aliptaptap ay mga diwata pala... "Alex, alex, gising! Hoy gumising ka!" Huh? Isang panaginip. Paulit ulit na panaginip. Ito ang nasaisip ni Alex. Nagtataka man ay agad syang nag ayos ng sarili dahil tapos na pala ang shoot nila. Kasalukuyang 2nd year college si Alexandria Carlos o Alex kung tawagin ng mga nakakakilala sa kanya. Pangarap niya maging isang Flight stewardess dahil gusto nya ang pakiramdam na lumilipad. "Alex, alam mo buti dito ka nakatulog sa Studio. At buti na lang, tapos na ang shoot natin. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong sa kanya ng kapwa model na si Marie. Dahil sa taglay na kagandahan ay nakuha syang model ng ibat ibang clothing brand. Hindi nya ito tinanggihan dahil naiinip sya sa bahay. Siguro ganon talaga kapag nagiisang anak lang. "Ahh.. Hmm. Okay lang ako. Uwi na ko ha? Anong oras na din kase." Inayos nya na ang kanyang gamit para makauwi. Sa umaga, sa eskwelahan sya namamalagi at sa gabi, sa studio. Pagkatapos mag ayos ng gamit ay nagpaalam na sya kay Marie. Madilim na ang kalsada. Tanging ilaw na lamang ng mga poste ang nagbibigay liwanag sa daan. Nang may makita syang taxi ay agad nya itong pinara. Sa pagsakay nya ay napansin nyang may lalaki na naka tayo sa di kalayuan at Mistulang nakatingin ito sa direksyon nya. Hindi na lamang nya ito pinansin dahil sa kagustuhan nyan na makauwi na kaya sumakay na lamang sya ng taxi. "Ang weird" Kakaibang pakiramdam ang naramdaman nya. "Mam, saan po sila?" Natauhan lang sya pagkadinig ng boses mula sa driver. "Sa ********* po" Sumagot sya at tinanguan lang sya ng driver. Kanina nya pa napapansin na parang may kakaiba sa loob ng sasakyan. Parang may nagpapahina at nagpapalakas sa kanya ng sabay. "Anong tinitignan nyo manong? May dumi po ba ako sa mukha?" Nginisian lang sya nito. Nakakapagtaka na naka sunglasses ang driver kahit Madilim sa loob ng sasakyan dahil sa tinted glasses ito. Ilang sandali pa ay napansin nyang parang kakaiba na ang rutang kanilang dinadaanan. Kinabahan siya bigla ngunit hindi nya pinakita at bagkus ay nagtanong pa, "Ahhm. Manong, parang iba napo yata ang dinadaanan natin.." Tumingin ang driver sa kanya Ngunit hindi umimik at nagpatuloy lang sa pagmamaneho. May Isang minuto lang ang lumipas ay dahan dahan bumagal ang andar ng taxi at nagsalita ang driver. "Miss, birhen ka pa ba? Ang kinis kinis mo oh. Tapos amoy na amoy ko ang bango mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD