Chapter Two

1820 Words
Pagkarating niya sa kanyang room, tahimik na at tanging ang professor nila ang nagsasalita. Sa madaling salita late na late na siya, minalas nga naman. Hindi na dapat pang ikabigla, late na din naman siyang bumangon tapos dagdagan pa sa nangyari kanina. Hindi na naman bago sa kanya ang ganito. Ni minsan lang naman siya hindi late. Kung late ang kanilang professor saka palang siya maaga. " Miss Ayala, what time is it? You're late again, if in case you're not informed",lagot na siya. Nakakahiya naman, mabuti nalang pala at wala siyang crush dito. Dapat ba talagang ikahiya ang pagiging late? Hindi naman siya magaling talaga sa klase, ang dapat mahiya ay yung mga matalino. Iyan ang kanyang prinsipyo sa buhay. " Im... S-sorry ma'am, nasiraan ho kasi ako ng kotse while i'm on my way", sana buminta ang kanyang pagsisinungaling. Matagal munang katahimikan bago humudyat ang proffesor nila na paupuin siya, she sit beside Meryl. Nagpatuloy sa pagdidiskusyon ang kanilang guro ngunit siya, nakatuon man sa whiteboard ang mga mata hindi naman nakafocus ang kanyang atensyon sa lesson kundi doon sa binata na nakasagupa niya kani-kanina kanila lang sa parking lot. " Miss Ayala!", napaigtad siya ng bahagya, lagot na, baka napansin nitong absent minded sya.Madedemanda talaga niya ang pangit niyang teacher na ito. Hindi siguro nito napansin ang sarili, nakakatawa ang make up nito. Kulay blackberry na lipstick, kung makalagay naman ng eyebrow todo naman at dagdagan pa sa foundation nito na sobrang kapal. Nagmukha tuloy itong bruha. " Me-meryl, ano daw?", panghihinging saklolo niya rito. " May question lang naman si ma'am, tumayo ka na diyan bago pa magalit yan", anito. " Ahm, can...can you please repeat the question ma'am?", taas noong tanong niya sa guro nila na akalain mo naman marami siyang alam sa katanungan. Bahala na si superman! " Who is the father of modern electricity?", pagtatanong ng guro nila. " The father of modern electricity is...", sinipa niya si Meryl. Kahit ba naman natackle na nila ang topic na ito during her high school day, wala talaga, hindi niya alam ang sagot, pero alam niya ang tanong. " Michael Faraday", bulong nito. " Michael Faraday", buti nalang at matalas ang kanyang pandinig. " Very Good", pakli nito. O di ayos! Nakalusot na naman. Nagigising ang pagiging ninja niya sa ganitong pagkakataon. Pagkaupo niya'y siniko siya ni Meryl. Ginantihan niya rin ito ngunit napalakas niya, kaya napaigik ito sa sakit. Natigilan mula sa padidiscuss ang kanilang teacher at nakasalubong ang mga artipisyal na kilay at iginala ang paningin sa paligid, nagmukha tuloy itong CCTV camera. Hanggang sa tumingin ito sa kanila ng matagal. Ang galing galing nilang umarte dahil napaniwala nila itong wala silang alam, they were so innocent, pigil na pigil nila ang kanilang tawa. Nang magdismiss sila, dumiretso sila sa canteen. Pagkakuha nila sa order naghanap sila ng puwesto. " Anong nangyari sayo kanina? Kailan ka ba titinong babae ka, ang tanda mo na kaya", panenermon ni Meryl ng makaupo na sila. "Ay naku! Hayaan mo na ako, pero may sasabihin ako sayo", aniya rito at kinilig pa. Idinetalye niya ang lahat ng nangyari sa parking lot. " Ah naku! Si Paolo Montachalian, ang anak ni Mr. Guilfred Montachalian na isang business tycoon, naku! Kakumpetensya yun ng daddy mo and another thing is that, he is a varsity player, sikat kaya siya. Gwapo yun, katunayan nga eh marami ang nagkakagusto sa kanyang mga babae dito sa campus", pagbibida nito, medyo nagulat pa nga ito sa pagiging outdated niya sa lalaki. "O eh di ano ngayon kung varsity player siya at anak siya ng isang business tycoon. At maraming babae ang nagkakagusto sa kanya, aba'y normal lang iyon, lalaki siya, pero tao parin naman siya tulad natin and with that, I dont care," aniya sabay irap at kumagat ng chicken sandwich. "Nagkwento ka pa kung hindi ka naman interesado, ang gulo mo", birit naman ni Meryl at nilantakan ang lasagna na inorder. Naisip niya rin iyon, bakit pa niya sinabi sa kaibigan ang tungkol sa binata kung ganun lang ang reaksyon niya? Naguguluhan na rin siya sa sarili. Pagkatapos nilang makapagmiryenda, niyaya na siyang lumabas ni Meryl at pupunta daw sila ng kung saang lupalop ng University. "Vacant natin ngayon, so manonood tayo ng practice ng basketball sa gym", yaya nito. "Ikaw ang bahala", nagpatianod nalang sya. Nang makarating sila sa gym, pumwesto kaagad sila sa pinakadulo ng bleacher, mabuti narin yun, malayo sila sa mga maiingay na babae na panay ang cheer. She calls them leach in the bleacher.Nakasecond game na pala. Natigilan siya ng makita ang binata, iyong nakaengkwentro niya kanina, may hawak na bola tapos nakajersey. Naalala niya ang sinabi ni Meryl kanina, he's a varsity player. No wonder kung bakit maraming babae sa gym, nandito pala ang nilalang na ito, idinesplay ang kagwapuhan. Bagay na bagay ngang maging isang varsity player, bukod kasi sa gwapo at matangkad macho pa te. 'Hmm...so you're Paolo ha? Humanda ka sa akin.' "Paolo! Shoot the ball for me!", sigaw ng mga babae doon, halatang nagpapacute. At ang magaling namang lalaking to, hayun at kinindatan pa ang mga malalandi, hindi ba sya nakita nito? Para ano, para kindatan ka rin?, supil ng kanyang isip. "Nakakarindi na ang mga babaeng ito,napakaingay! nakasimangot na turan ni Meryl. " Tama! Kulang nalang sabihing Paolo, ishoot mo ang bola sa akin, ang landi lang", segunda naman niya. Ewan nga niya at naiinis siya sa mga babaeng iyon, pati narin sa binata. " Sila lang ba ang marunong?, kung sa kanila si Paolo sa atin naman si Robert, kawawa naman, walang pumansin", aniya sa kaibigan. Sinulyapan niya ang score board, three points lang ang lamang ng team nila ni Paolo, kunti nalang at mauungusan na nina Robert- ang lalaking matagal naring nanligaw sa kanya, ang team nina Paolo. Take note, team mate pala ito ng kuya niya. Bakit kaya hindi niya alam, samantalang palaging pumupunta ang mga kateam mates ng kuya niya sa kanila? "Robert, kaya mo yan! Fighting!!!", sigaw niya. Lumingon sa kanya si Robert at ngumiti ito ng kay lapad, paki naman niya sa ngiting iyun. Napalingun din sa gawi niya si Paolo. O di napansin din sya! Gusto na talaga niyang magtatalon sa kilig. Nakita niyang nakakita ng lusot si Robert at tumakbo papunta sa ring, naghiyawan ang mga kapwa niya estudyante, narinig pa niya ang sigaw na sablay, ngunit nagawa na nitong ishoot ang bola. Kaya naman, ng dahil sa kanya tabla ang game. Ng magkaroon ng break ang mga players, kaagad syang pinuntahan ni Robert. " Hi, thanks for cheering me", ngi-ngiti-ngiting turan nito. Tumingin siya kay Meryl na nakangiwi. "Ah yun ba? Wala yun, forget about it", nginitian niya ito ng mapakla, kahit kailan talaga ni katiting ng pagtingin wala siyang nararamdaman sa lalaking ito. "Well, kahit na, it mean a lot to me", wika nito sabay kindat sa kanya't umalis na pero bago niyan, kinindatan pa siya. "You're my lucky charm", pahabol pa nito. Napangiwi siya, anong akala nito sa kanya feng shui? Buti sana kung si Paolo ang nagsabi nun, tatalon siguro siya mula sa kanyang kinatatayuan papuntang court. Exaggerate lang. Hinahanap ng kanyang mga mata ang binata ngunit sa kamalasan, pinagkakaguluhan na ng mga langgam na may maiitim na budhi. "Tara girl magpapaauthograph tayo", hinila sya ni Meryl. " H-ha? Teka lang-" wala na siyang nagawa dahil nahila na siya nito. Anak ng putik naman tong kaibigan iya, NBA player ba ang lalaki para hingan nila ng autograph? Kahit na hindi naman siya ganun kabilis tumakbo her heart beat faster that usual. "Paolo, paautograph", nakikipagsiksikan pa ang kanyang kaibigan, mapansin lang ng binata. Nadamay pa siya sa kabaliwan ng kaibigan. "How about you?",hinarap siya nito with a wide smile pasted on his face. Lagot na, laglag panga na siya. "Ah, no thanks, i'm not fun of it, baka ikaw, gusto mo ng autograph ko?, ayan ang katarayan niya nanaig na naman, naghamon pa siya dito. "Oh sure!", nakangiti itong inabot sa kanya ang marker nito. Kaagad niyang kinuha ito kahit nanginginig ang kanyang mga kamay. Nagulat pa siya ng bahagyang hinawakan nito ang kanyang kamay, para syang nakuryente at bago paman niya ito mayakap, hinila niya ang kanyang kamay mula dito at tinignan ito ng katakot takot, pero actually hindi naman katakot takot. Sinulatan niya ang likod ng jersey nito. " That was quite long", anito. " Alright! Tapos na, s-sige, Meryl tara na, may pasok pa tayo diba?", hinila niya ang kaibigan, lakad-takbo na ang ginawa nila makaalis lang kaagad sa gym. " Faster!!", reklamo niya sa kaibigan. " Ano ka ba? Baka madapa tayo niyan sa ginawa mo, ano ba kasi ang ikinatakot mo?", naiinis na tanong nito sa kanya. " Ahm..a-ano, sinulatan ko kasi ang kanyang jersey at baka malaman niya yun", natakot siya sa maaaring mangyari. Ano ba naman kasi ang pumasok sa kanyang isipan. " Yeah, i saw it, and what did you write then?", tanong nito. " T-topaking player", she bite her fingernails in nervous. " What?! My God! Are you out of your mind Patricia? Have'nt you know that it is bullying?", nahintakutang wika ng kanyang kaibigan. " Hala! Lagot na baka sampahan ako ng kaso nung kumag na yun", nagpapadyak na wika niya. "Sampahan ka nang kaso at maeexpel ka sa school, Ikaw kasi eh, umiiral na naman yang pagiging maldita mo", dagdag naman ng kaibigan niya. " Eh autograph naman yun ah, siya kaya ang nanghingi nun", palusot niya. "Ewan ko sayo, bakit ba kasi pinanganak ka na ganyan", ang kanyang kaibigan. Problemang bata talaga siya. Hinintay nila kung sakaling ipapatawag siya sa Guidance Office, ngunit lumipas na ang isang linggo ay wala parin siyang natanggap, kaya't nakahinga siya ng maluwang. Hindi naman pala sumbongero ang isang yun. Nasa klase sila noon, ngunit ang buong atensyon niya ay nakatuon sa kanyang sketch pad. Gumawa siya ng mga clothing designs. It was really her dream to become a fashion designer someday. Tulad ng tita Mildred niya na nasa Spain. " Hoy Pat! You try to listen to our teacher, panay drawing ka lang diyan,"suway ni Meryl sa mahinang boses. Saka lamang siya nagpay attention. Ang pinakahate niyang subject, MATH! Inaantok kasi siya sa mga numero, formulas at mga equations. Kahit balikbaliktarin niya pa ang kanyang papel, at kahit lunukin niya pa ang papel na may mga examples, naku waley! Zero parin ang kuha niya. Binigyan sila ng assignments at pagkatapos nun eh dumiretso na kaagad sya sa parking lot. Maglilibot na naman sya sa buong city para sa bagong mga discoveries ng mga clothing lines. " Wait!", may mga kamay na pumigil sa kanyang pagbulas sana sa kanyang kotse. Pahasik niyang nilingon ito, at presto! Si Paolo, at nakita niya sa mukha nito ang galit o inis. " W-why?", nagkabulol bulol na sya sa kaba. Baka naman dudurugin na sya nito sa suntok ng dahil sa ginawa niya. Pero hindi naman siguro. Babae kaya siya, hindi patas yun. Kung lakas lang ang pagbabasehan, nangungulelat siya. Nag isip siya ng paraan kung paano ito takasan. Wala ding masyadong tao sa parking lot, sila lang. Paano niya rin kasi ito matatakasan kung natrap siya rito. With his hands holding her arms tightly, their body were so close. Napakaromantic sana ng posisyon nila kung wala siyang kasalanan dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD