Nginitian siya nito ng nakakaloko. And his staring at her so deeply, matutunaw na siya nito. Kung mind reader lang siya, kanina niya lang sana nabasa ang iniisip nito.
" Did you mean it?" he look at her straight to the eye. He was talking in riddle.
" H-ha? W-what do you mean? I don't know what you're talking to", siguro oras na para magsorry dito.
" That I am a 'topaking player', alam mo, hindi lang ako topakin pagdating sa laro?", his gaze went down to her lips. Parang alam na niya ang susunod na mangyayari, nakita niya na sa mga movies at nabasa niya rin sa mga pocketbooks ang ganitong eksena.
" What d-do you mean?", nanlalambot na ang kanyang mga tuhod.
His face went closer and closer to her as if he will going to kiss her. Nagdasal siya na sana mangyari ang nasa kanyang isipan. Hindi siya kumurap the whole time. Sayang naman ang pagkakataong ibinigay ng tadhana. Ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng isang Paolo Montachalian? Kusang pumikit ang kanyang mga mata. Lumipas na ata ang sampung minutong pagpikit niya, walang nangyari, napadilat siya. Para siyang ibinabad sa suka sa kahihiyan, malayo na pala ang binata at nakangising nakatitig sa kanya, nakaangat pa ang isang kilay. Naging katawa tawa tuloy ang nangyari, it turns out na wala siyang ipinagkaiba sa mga babaeng malalandi.
" You look dismayed", anito.
"I'm pleased", she answered him with full of pride. Hindi niya alam kung ano ang gagawin sa sobrang hiya.
"But it doesn't look like", dagdag pa nito.
" How dare you!", gusto na tuloy niyang umiyak, ng dahil sa galit at hiya, nasampal niya ito at pagkatapos nun ay walang lingong sumakay siya sa kanyang kotse.
Simula ng pangyayaringi yun, naging mapagmatyag na siya sa tuwing nasa loob siya ng campus baka kasi magkrus ag landas nila, wala siyang mukhang maihaharap. Labis labis ang inis niya dito, at nahiya siya ng sobra. 'Eh diba mas nakakahiya kung hinalikan ka niya kahit wala naman kayong relasyon', anang kanyang isipan.
" Girl ayaw mo ba talagang manood ng practice",yaya sa kanya ni Meryl.
" Ikaw nalang kung gusto mo, I don't want to go and see that demon!", umuusok ang kanyang ilong sa isipang kung pupunta siya ay makikita na naman niya ito. Iniiwasan niya diba?
" Wait lang, bakit parang inis na inis ka kay Paolo, galit pala to be exact, may nangyari bang hindi ko nalalaman? Baka naman, nagkakamabutihan na kayo", ani Meryl.
" No ofcourse not! Basta nakakabwisit lang talaga siya".
" Ehh!! Baka naman crush mo siya, tapos deadma lang ang beauty mo sa kanya",pangungulit nito.
" No way! Ba't ba ang kulit mo?, kahit siya pa ang kahuli-hulihang lalaki dito sa loob ng campus, never akong maiinlove sa kanya no!", pero infairness chika lang, nagsisinungaling lang sya para safe ang kanyang sekreto.
" Hi girls! Ako ba ang pinag-uusapan niyo?", and speaking of, ayon at biglaang sumulpot ito sa kanilang harapan at nakatitig sa kanya.
"Paolo, napadaan ka ata dito sa harap namin, iba talaga no kapag maganda", sa mga walang alam, may pagkahangin talaga ang kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit basta hinayaan niya na lang, baka magtampo pa.
Tumawa ito ng pagkalakas lakas, ano ang nakakatawa dun sa sinabi ng kaibigan niya? Nakakainis lang kasi dahil nadagdagan ng 10 percent ang pagkagusto niya dito. Mas gwapo pala ito kapsg nakalabas ang ngipin. Kunwariang busy siya sa pagtetext, nakalimang message sending failed na siya, wala naman kasi siyang load. Okay lang din pala dahil narealise niyang number ni Meryl ang itinext niya at ang laman ng message niya? Ito lang naman.
'Nakita ko ang crush ko, ang saya!!!' insert heart heart
'Ang gwapo gwapo niya'
'Pamatay ang smile niya'
'Takte! Gusto ko na siyang iuwi'
'Paolo Montachalian!! Crush kita!! Alam mo ba yun?'
" Hindi ba kayo manonood ng practice? Patricia, right?, maglalaro ang kuya mo", anito na ay ngiti sa labi. Natigilan naman siya sa kanyang ginawa.
"Oo alam ko yan, iisa kaya ang bahay na tinitirhan namin", pagtataray niya rito.
"Yun naman pala, eh di bigyan mo naman ng moral support ang kuya mo", pamimilit nito.
" I have an important thing to do kaysa panonood ng practice game niyo at tsaka makakapaglaro naman kayo ng wala ako diba? Dahil di ko naman dala dala ang bola", pagtataray niya, nakita niya ang pagtagis ng bagang nito bago umalis.
" Ano ka ba naman Pat, below the belt na yang mga pinagsasabi mo dun sa tao, niyaya lang naman tayo ah, you insulted him so much", ani Meryl.
"Nakakainsulto pala yun, bakit kaya hindi ako aware? O eh di bahala siya", aniya't iniwan ang kaibigan. Naguguilty din naman sya, pero sadyang hindi pa nawala ang galit niya dito.
Wala ng magawa pa ang kanyang kaibigan para pigilan sya, hopeless na ata para bumait sya.Ang kanyang magaling at mabait na kaibigan, iniwan siya at ayon pumunta sa gym. Baka siguro hindi alam ng isang ito na may crush ito sa kuya niya. May araw din ang babaeng ito. Nanatili siya sa loob ng kanilang room. Isang oras ang lumipas, bumalik ang kanyang kaibigan na abot anit ang ngiti.
" Uy girl, sayang hindi ka nanood, nanalo ang team ng kuya mo at ni Paolo", pagbabalita nito sa kanya.
" Talaga? Well, congrats kay kuya, except to that haughty man called Paolo", aniya sabay irap.
" Don't take it badly ha? Why are you mad to him kung wala naman siyang ginawa sa iyo? Siguro crush mo siya no?," pang-aasar nito sabay sundot sa kanyang tagiliran.
" That guy? Crush ko? Never! Wala sa standards ko ang magkagusto sa herodes na tulad niya", paggigiit niya. Bakit ba hindi niya masabi sabi sa kaibigan ang totoo? Lalo tuloy syang nahihirapan.
" Okay, relax lang diyan, sinisigurado ko lang dahil akala ko pa naman kaagaw kita kay Paolo, you know what? Crush ko siya", sa narinig, gusto niya itong sabunutan at sigawang, hands off ka sa kanya, akin sya!
Dahil sa ibinunyag ng kaibigan, parang pinagsasaksak siya ng ilang daang patalim. Ang sakit! Parang nawalan siya ng ganang kausapin ito. Kasalanan niya rin naman.
" Little sister!", ayan biglang tumaas ang kanyang dugo sa narinig.
" Kuya!", nais niya sanang suwayin ang kanyang kuya sa pagtawag ng little sister pero nakita niyang kasama nito si Paolo, biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso, matiim parin itong nakatitig sa kanya. Ano kayang problema nito?
" Ba't hindi ka sumama kay Meryl kanina sa panonood ng game
namin, saan ka ba pumunta?", wow lang, so ibig sabihin lakwatshira siya, galing!! Sobrang galing!
"Sorry kuya ha, but I had an important thing to attend to", pagsisinungaling niya. No choise sya eh.
" Naniwala ka naman diyan sa kapatid mo, kailan ba yan may pinag-aabalahan bukod diyan sa pagbisita niya sa mga bagong bukas na botiques",pamumuking ni Meryl.
" What?!", putik naman tong isang ito.
"Bakit? Tama naman ako diba?", pagpapatuloy nito.
"Meryl, alam kong may crush ka sa kuya ko", bulong niya dito.
Nakita niya ang pamumutla sa mukha nito. Magaling siyang observer kaya't walang kawala sa kanya ang isang ito.
"Kaya pwede kitang ibuko at pwede din kitang tulungan diyan sa kuya ko, kumbaga, ilalakad kita sa kanya ng libre. Pero kung hindi mo mapipigilan yang bibig mo sa pambubuko sa akin, lagot ka talaga sa akin friend, kaya't habang may second chance ka pa sa akin, tigil tigilan mo na ang pagsumbong sa kuya ko ha", mapanuyang nginitian niya ito.
"Stop it girls, why don't you go with us for dinner, libre namin,", lumipad ang tingin niya sa binatang nagsalita.
" Parang gusto ko yan, oh ano friend, sama tayo?", bumalik naman kaagad ang sigla ng kaibigan.
"Oo nga, pero kayong tatlo nalang, I'm not interested", pagkatapos niyang magsalita ay iniwanan niya ito.
"Patricia! Bumalik ka dito! Sumusobra ka na", natigilan siya ng marinig niya ang galit na boses ng kanyang kuya. At dahil diyan, no choice siya kundi samahan ang mga ito.
" I'm sorry kuya, okay, I'll go with you", napatingin siya sa gawi ni Paulo na noo'y nakangisi sa kanya, eh di binubwisit nga sya.
Nasa parking lot na sila noon at nag-aaway pa kung sino ang sasakay sa kotse ni Paolo at kung sino ang sasakay sa kotse ng kanyang kuya. Ito naman kasing kaibigan niya, ang tigas ng ulo.
"Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa, kanina pa kayo diyan, may plano ba kayong sumakay?", nilapitan na sila ng kuya niya.
"Ito naman kasing babaeng ito, ayaw sumakay sa kotse ni Paolo, ang arte!",sumbong nito.
"Sabi na kasi ayong ayaw ko diyan, ikaw nalang kasi", pagigiit niya.
" Sige, diyan ka na sumakay sa kotse ng kuya mo," ani Paolo.
Nagpatiuna na siyang sumakay sa kotse ng kanyang kuya. Nagngangalaiti na siya sa kakaantay ng kuya niya, ang tagal ba naman kasi.
"Did I let yo wait for too long? Sorry ha?," biglang sumupot sa driver seat ang lalaking kinaiinisan niya.
"What-hey! Are you okay? Kung saka sakaling hindi mo alam, this is not your car! Sa kuya ko to", aniya at tinaasan ito ng kilay.
"You didn't want to ride in my car, but I want to be with you, so ako na lang ang magdadrive ng kotse ng kuya mo",natigilan siya sa sinabi nito, naestatwa siya ng ilapit nito ang mukha sa mukha niya. Ano raw?
Umiwas siya kaagad ditto, baka hindi niya mapigilan ang tension na namagitan sa kanilang dalawa at tutluyan na siyang bumigay. Nanatiling siyang tahimik, bahala na kung mapanis ang kanyang laway. Bakit ba naman kasi ang lakas makapang-asar ng isang to?
"Bakit ayaw mo akong kibuin?", he asked her seriously with his eyes still set on her.
"Is it a big deal kung hindi kita kibuin?", she answered sarcastically.
"Okey, bahala ka kung mapanis ang laway mo?", wika nito at pasipol sipol pa habang minaneho ang kotse.
Narating nila ang isang restaurant, it's her first time to be here, ang ganda nga ng place, napakarelaxing sa mata ang kulay at interior design. Pumuwesto kaagad sila sa pang-apatang mesa. Matapos nilang makapag-order ay nag-usap-usap ang mga kasama niya. Nakinig lang siya, wala rin naman siya alam sa mga pinag-uusapan nila. At isa pa, hindi siya kumportableng kasama ang binata.
"Uy friend magsalita ka naman diyan", ani Meryl. Isa pa ang babaeng to, kung hindi ba naman nagpumilit na isama siya eh di hindi sana siya naghirap ng ganito.
"Hayaan mo nalang siya Meryl, let's just enjoy the food", napabaling ang kanyang tingin dito.
Palihim syang napaismid, siguro nagsasawa na ito sa kanyang tantrums simula pa kanina. Pero ewan nga ba niya at bakit parang may kunting kirot sa kanyang puso ng magsalita sya ng ganun. Ibig sabihin ba nito may feelings siya dito? 'Hindi nayan dapat pang itanong Patricia, clear as water naman diba, na meron nga'. Napakasupportive naman ng sarili niya.
Matapos nilang kumain, kaagad na ring nagyaya ang kanyang kuya na umuwi na sila. Tulad ng set-up nila kanina, si Paolo parin ang nagdrive sa kotse ng kuya niya. Nanatili parin siyang tahimik. Siguro itreasure nalang niya ng moment nato.