Chapter Four

1889 Words
Kinagabihan, while she's on her room, nakatulala lang sya. Kung laser lang ang kanyang mata, kanina pa butas ang bubong ng kanyang kwarto. "Inlove na kaya ako sa lalaking iyon? Pero ang bilis naman", mahinang sambit niya. Nakatulugan nalang niya sa kaiisip ang binata. "Pat!" Napatigil siya sa kanyang paglalakad sa hallway ng may tumawag sa kanya. "Can we talk?", bumilis ang t***k ng kanyang puso ng makita ang binatang papalapit sa kanya. "I'm in a hurry", aniya at mabilis na tinalikuran ito. Bago paman siya makalayo ay nahila na siya nito. Nagslow motion ang lahat sa kanyang paligid. Naramdaman nalang niya ang mainit na hininga nito malapit sa kanyang mukha at ang mabilis na t***k ng kanyang puso. She could hear her heart beat so fast. Napadilat siya, sumalubong sa kanya ang mga titig ni Paolo. She know it from the start that he owns a pair of beautiful eyes, ngunit nahipnotismo parin siya. Hindi niya magawang umiwas. "I miss you", he said in a very sweet voice, tumagos hanggang buto niya. "Pao-" "Shhh...promise me that you would not leave me", he let her remain in silent by putting his ring finger on his lips. Makagat nga. "What do you mean?", she was puzzled. He just smiled at her. "I love you", he said while locking his eyes to her. The next thing she know, he already claim her lips. Kissing her in a very passionate way. After that kiss, he hugged her tightly. Napakunot ang kanyang noo ng makita sa di kalayuan ang isang babae. Galit na galit ang mga titig nito sa kanya. When she went to them nearly, she could clearly saw the face, and it was the same face with her? Nagising siya siya sa panaginip na iyon. Umaga na pala kaya't bumangon nalang siya at nagtungo sa shower room. She needs to freshen up dahil nalito siya sa kanyang panaginip. It seems like in reality, the kisses and hugs. Pati ang pagsabi nito sa kanya ng I Love You. Dala niya parin sa paaralan ang pagkalito. Absent minded narin siya sa klase. May paka ibig sabihin kaya iyon? "Miss Ayalanabigla siya ng marinig ang galit na boses ng kanilang professor. Napatingin tulay siya sa mga kaklase niyang nakatuon ang pansin sa kanya. Nakakahiya naman, parang gusto na niyang umiyak.Buti nalang at nagbell. "Ano na naman ba ang nangyari sayo Pat? May problem ka ba?", tanong ni Meryl ng sila nalang ang naiwan sa loob ng classroom. "Wala, medyo masama lang ang pakiramdam ko," pagsisinungaling niya. "Ha? Bakit pumasok ka pa? Can you handle it? O tawagan nalang natin ang kuya mo?", nag-aalalang wika nito. "No!, I mean. Okay lang, kaya ko ang sarili ko", aniya at mabilis na kinuha ang kanyang bag at tumayo. "Hoy! Saan ka naman pupunta? Bahala ka, tatawagan ko ang kuya mo,"kaagad siyang pumunta sa parking lot, baka malaman pa ng kuya niya na nagsisinungaling siya at kasama pa ang herodes na iyun. Bago paman rumescue ang kanyang kuya minabuti niyang umalis na. Pagkarating niya sa kanilang bahay nakasalubong niya ang kanyang yaya. Wala pa ang kanyang mga magulang. Siguro nasa trabaho ang mga iyon, buti narin para wala ng magtatanong sa kanya. Kaagad siyang dumiretso sa kanyang kwarto at nagkulong dun.That dream really bothers her so much. Bakit kaya? Inlove na nga ba sya? Takte naman! Halos buong araw siyang nakababad sa kama. Pagulong gulong na lang siya. Hindi pa nga siya nakabihis ng damit. Nadatnan siya ng kanyang ama sa ganung ayos. "Pat, we need to talk", seryoso ang mukha ng kanyang daddy. Nininerveous siya sa tuwing ganun ang tono ng pananalita nito. Nalaman na kaya nito ang kanyang mga kalokohan? "What is it dad?", aniya? Narinig niya ang pagbuntong hininga nito. May problema nga kaya? Baka naman hindi na siya papag-aaralin. "We'll sending you to Spain, doon mo na tatapusin ang iyong pag-aaral" "Pero-" "No buts", maawtoridad na wika nito. "Dad, may nagawa ba akong kasalanan?", itatanong pa ba yan? Syempre alam niya sa sariling ang dami niyang kasalanan. "This is not the right time to tell you the truth. As soon as possible you need to stay away from this country. Pack your things, dahil bukas na bukas na ang iyong alis", nabigla sya sa sinabi ng ama. Hindi naman galit ang anyo nito, she saw worry covered on his face. "Dad, bukas na? why is it so sudden?", she argued. "Don't ask! Just do what I say, I'm doing this for your own good. You'll be staying to your aunt Mildred", anito at iniwan na sya sa kanyang kwarto. Hindi parin niya alam ang totoong motibo ng kanyang ama. Nainis siya dito, bakit ba nagdedesisyon ito ng hindi niya alam. Makalipas ang ilang minuto, pumasok sa kanyang kwarto ang kanyang mommy. Malungkot ang mukha nito at niyakap siya ng mahigpit. "Mom, is there any problem?", aniya ng kumalas ito mula sa pagkakayakap sa kanya. "Ikaw kasi pasaway, and you're getting too spoiled now. Kaya its time to teach you to stand on your own feet", anang mommy niya na pilit itinatago ang mga luha. "Promise po, magpapakabait na ako, just don't send me to Spain please", naiiyak na turan niya habang yumakap dito. Silently, her mom also cried. Kinabukasan, nagising siya sa tinig ng kanyang mommy na tumawag sa kanya. "Mom, it is too early. Iniantok pa ako", aniya. "You need to wake up now! Tandaan mong first flight ang biyahe mo nagyon,"anito na dahilan upang tuluyan na siyang magising. Aalis na pala siya ngayon ng Pilipinas. Pagkatapos niyang makapag-ayos, pumunta na siya sa dining room. This would be her last breakfast with her family. Bumilis ang t***k ng kanyang puso ng sa hindi inaasahan nasa dining room nila ang kahuli hulihang taong gusto niyang makita bago siya umalis ng bansa. Ano ang ginawa nito ngayon dito sa kanila sa ganito kaaga. Baka naman dito ito natulog. "Good morning," may pag-aalinlangang bati niya sa lahat. "Hi! Good morning Pat", ngitian lamang niya ito. Nakangiti rin pala ito sa kanya. Ayan tuloy nagwala ang kanyang puso. Napansin niyang napakapormal naman nito ngayong umaga. With his long sleeve on, folded until his elbow. Naemphasize tuloy ang gandang lalaki nito. 'Ano ba naman yang iniisip mo Pat! Kay aga-aga, inaagiw na yang utak mo. Isipin mo, nasa harapan mo ang taong laman ng iyong isip.Sus Maryosep!!', kastigo niya sa sarili. "Mukha na ba akong bacon at ham sa paningin mo? Kanina ko pa napanpansin na nakatitig ka sa akin," namula siya sa sinabi ng binata. Nakalimutan niya na kasama niya ang kanyang buong pamilya. Nakita niya ang lihim na pagngiti ng kanyang mommy. "No! Ofcourse not, inaantok pa ako kaya ganun," depensa niya a sarili. Sana naman buminta sa madla.Hindi na tuloy siya makakain ng maayos. Pagkatapos nilang makapag-agahan, tuluyan na siyang nagpaalam sa mga kasamahan niya sa kanilang bahay. Naiiyak pa nga ang yaya niya. "Anak, dun kana sumabay kay Paolo, kami ng kuya at daddy mo ay doon nalang sa kotse ng kuya mo. Andun narin kasi ang mga gamit mo,"anang mommy niya. Hindi na siya nagreklamo pa. Tahimik siyang sumakay sa passenger seat ng kotse ni Paolo. Nakasakay narin siya dito, sa wakas. "Bakit ka nga pala nandito?", out of curiosity ay natanong niya ang binata. "I was being asked by tito to come over," sagot naman nito. "Ahh...", yun na yun. Awkward diba? Napabuntong hininga na lang siya. "Ewan ko rin kong bakit ako nandito, this maybe because this would be my last time with you", hindi natuloy ang plano niyang paglunok ng laway sa sinabi nito. 'With you', naman te! Ibang level na to ah! "Are you wishing me bad luck?! Gusto mo hampasin kita nitong bag ko?", ano kaya ang laman ng utak nito. "Ba't ka ba nagagalit, dapat nga ay matuwa ka dahil matutupad ko ang wish mo", ngingiti ngiting turan nito. " Mamang Paolo! Hindi ka rin naman masyadong assuming no? anong akala mo sa akin? Nangangarap na makasama ka bago ako umalis ng bansa? At bakit naman aber?", tumaas ng husto ang kanyang kilay. Tumalon nalang kaya siya sa kotse ng matapos na. "Malay ko sayo, ikaw lang ang makakasagot sa tanong mong yan," grabe na talaga ang lalaking ito. "At ano naman ang maisasagot ko eh malinis naman ang konsensya ko, bumaba ka nalang kaya sa kotse", naiinis na turan niya. "Kotse ko to no," sagot nito. "Kaya nga wala akong magagawa kundi ang magdusa kasama ka" "You don't have a choice," "Who cares, just drive silently," itinuon nalang niya sa labas ang kanyang pangin. "I will miss you," wika ng binate at narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Wag mo na akong inisin pa," aniya na lang. Silently, her heart jump with joy. Whether is it a lie or not, it made her feel happy. "I'm not lying , I really mean it", seryoso ang mukha nito ng sulyapan niya. "Ewan ko sayo", pagtataray naman niya. Ayaw niyang umasa. Marami ang nasaktan dahil umasa ng husto. NAIA Airport... "Mag-iingat ka dun anak ha? Don't worry dadalawin ka namin dun", maluha luhang tugon ng mommy niya. "Bawas bawasan mo na rin ang kapilyahan mo dun little sister, wala ako dun para suwayin ka", bilin naman ng kanyang kuya. Mamimis niya talaga ito. "Sige na Patricia, baka maiwan ka pa ng eroplano", ipinagtataboy na talaga siya ng kanyang ama. Hindi na siya nagsalita pa dahil tutulo lang ang kanyang luha. Niyakap siya ng kanyang mommy at sumunod naman sa kanya ang kanyang kuya. Nakita niya sa kalayuan ang nakatayong si Paolo. He just wave good bye to her and smile. Bakit hindi ito lumapit sa kanila? Sa kanya particularly? Binitbit niya ang kanyang bag at walang lingong umalis sa kanyang pinanggalingan. Palihim siyang napaluha. Ang bigat ng kanyang dibdib, she felt empty, hindi niya napigiling lumingon sa kinatatayuan ng binata. Sakto namang tumalikod na ito. O diba? Mas lalong bumigat ang kanyang nararamdan. Ilang gabi din siyang walang eksaktong tulog sa kaiisip ng mga bagay bagay. Eh isang bagay lang naman ang kanyang iniisip, hindi pala bagay kundi tao. Si Paolo with a capital letter P. "Sabi ko na nga ba at may feeling ka sa kanya!!", pasigaw na turan ni Meryl matapos nilang magbalik tanaw sa nakaraan. "Kumusta na kaya siya ngayon?", napahiga siya sa kanyang kama at yakap yakap ang kanyang unan. "Sa kinatagal tagal ba naman ng panahon, malamang nagsettle down na yun" napaupo siya sa sinabi ng kaibigan. "Meryl naman", hindi niya ata matangap tangap na may asawa na si Paolo at baka nagkaanak narin. Wala na talagang pag-asa ang kanyang mga pangarap. Umiling iling na lang ang kanyang kaibigan. Naantala ang kanilang pag eemote nang tumunog ang cellphone nito. "Hello mom? Yes, nandito pa ako kina tita. Okay no worry uuwi ako" "You're going home already?", may lungkot sa kanyang boses ng malamang uuwi na ang kanyang kaibigan. Wala ng magbibigay sa kanya ng impormasyon tungkol sa binata. "Eto naman siya oh, hindi ako aalis papuntang atlantic ocean mare, sa bahay lang. Wag kang mag-alala bukas na bukas ikukwento ko sayo lahat ng nalalaman ko tungkol kay Paolo. Magpahinga ka na muna ngayon, dahil baka pag nalaman mo hindi ka makatulog. Wag kang mag-alala wala siyang girlfriend dahil ikaw lang ang mahal niya ", nakatunganga lang siya ng iwan siya ng kaibigan. Tama ba ang narinig niya sa kaibigan? Mahal siya ni Paolo? Buong magdamag niyang inisip ang sinabi ng kaibigan. Naloka na, para daw makapagpahinga siya eh mas lalong hindi siya makakatulog sa sinabi ng kaibigan. Kinaumagahan... "Anak!! Gumising ka na, someone wants to meet you", tawag ng mommy niya sabay katok ng pinto. " Ma inaantok pa ako", sagot niya dito. Naramdaman niyang wala ng tao sa labas ng kanyang kwarto. Mabuti naman at napakiusapan niya ang kanyang mommy. Madaling araw na kaya siyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD