" I miss you so much Pat", hindi niya matukoy kung sino ang nagsasalita, pero kilalang kilala niya ang boses na yun. He gently caresses her face. Unti unting lumayo ang lalaki.
"Hey Wait!!", she run after him. Nahintakutan siya ng makitang may humahabol din sa kanya. Mga kalalakihang nakabonnet at may dalang baril. Ang isa nun ay nakaumang sa kanya at ano mang oras ay puputok iyon. Tuluyan na siyang nagising sa masamang panaginip na iyon.
"Hi good morning", mukha ng nakangiting binata ang sumalubong sa kanya.
Nagising na siya diba? And this is no longer part of her bad dream; she knows it by herself that this is not a dream. Pero baka naman sa kakaisip niya dito ay ganito ang resulta. Baka mommy niya lang ito at pinilit siyang gisingin. Kumabog ng husto ang kanyang puso. Hindi niya alam kung ano ang gawin, ang magtago sa ilalim ng kumot o ang salubungin ito ng yakap.
"Hey! Are you okay?", boses parin at mukha ng lalaki ang nakita niya. Palihim niyang kinurot ang sarili at yun na nga. Mulat na mulat ang kanyang diwa. Si Paolo nga ang nasa harapan niya ngayon.
"Ikaw!"
"Yes, may problem ba?", nakangiting turan nito.
"Malaki! Why are you here in my room? Hindi ka ba tinuruan ng mommy mo na hindi pwedeng pumasok ng silid ng babae na hindi kumatok?", nagagalit galitang wika niya. Anak ng balyena, gusto na kaya niyang salubungin ito ng isang mahigpit na yakap.
"I was being asked by tita to wake you up. Dahil tulog mantika ka nga raw", anito. Inismiran niya na lang ito.
"Kahit na, sana hindi mo nalang sinunod si mommy", pakikipag argumento pa niya.
"Ang aga-aga ang init nang ulo mo. Is that how you welcome me sweetheart", nakangiting turan nito at yumuko sa kanyang harapan. Actually, gadangkal nalang ang layo ng kanilang mga mukha.
"What?!! sweetheart? Baka nagkakamali ka, hindi naging tayo", tinulak niya ito.
"Why? Kung tatawagin kitang sweetheart? tayo agad?", ayan, supalpal siya. "Pero sige, kailan mo gustong maging tayo?", kinilabutan siya ng swabeng hinaplos nito ang kanyang mukha at nakatitig pa sa kanyang labi.
"Pervert! Hindi ko kailan man pinangarap na maging tayo ano?", masamang maglihim pero kelangan.
"Pero pinangarap mong mahalikan kita?", naglalaro parin sa mukha nito ang pagkaaliw.
"Ikaw ha, sumusobra ka na. Wag kang conceited, because I did not even once dreamed to be kissed by you, kapal nito", lagpas ulo na ata ang pagkainis niya dito. Bakit kaya sa tuwing magkucross ang landas nila lagi nalang silang nagbabangayan. The more you hate, the more you love!! Sigaw ng kanyang traydor na puso.
"Kaya pala may papikit pikit ka pang nalalaman nu'n sa parking lot", at pinaalala pa ng ugok na ito ang kahiyahiyang pangyayari na iyon.
Hindi siya makatingin dito ng deritso. Sobrang nakakahiya ang ginawa nito ngayong rebelasyon. Alam naman talaga niyang mali siya nu'ng araw na nangyari yun. Eh kelangan pa ba talagang ipaalala?
"You are making up story Mr. Montachalian! Walang hiya ka talaga! Presko na simpatiko pa!" singhal niya dito at sinugod ito ng suntok. Hindi man siya nag-aral ng boxing alam naman niya manuntok. Yun nga lang parang kiliti lang ang iginawad niya rito dahil sa halip na umilag aba eh with open arms na tinanggap ang kunwaring suntok niya.
Ang eksenang iyon ang nadatnan ng mommy niya. Nabigla pa ito sa nakita.
"What' s happening here? Para kayong mga bata diyan", usal nito.
" Tita okey lang naman kami dito. Nagtampo lang sa akin si Patricia dahil ngayon ko lang daw siya pinuntahan. Samantalang kagabi pa siya umuwi. Alam mo naman tita, 5 years was long enough ng mawalay kami sa isa't isa. Kaya babawi ako. Actually, I already told her that we will going to have a romantic dinner later", dumudugo na ang tainga niya sa mga puro walang katotohanang kwento ng lalaking ito. Kung wala lang talaga ang mommy niya na halatang kinilig sa nakita at narinig, hindi siya manghihinayang na ibato rito ang lampshade niya.
"Kayo ang bahala, anyway breakfast is ready, Patricia mag-ayos kana. Look at yourself, you're a mess", naku! Ngayon lang niya naalala na hindi pa pala siya nakapaghilamos at nakapagsipilyo!! Tapos! Tapos! Waahh!!! Dahan dahan siyang lumayo sa binata at palihim na inamoy ang kanyang bibig.
"Kanina ko pa tiniis ang mga panis mong laway", anito at humagalpak ng tawa.
"Hoy!! Bakit yun ang sinabi mo?! That's a big lie! At anong sabi mo? Magdidate tayo eh hindi pa nga natin napag-usapan ang tungkol run", nakita niya ang pagsilay ng malapad na ngiti sa labi nito.
It was too late for her to realize that she's using the wrong word, 'hindi pa nga natin napag-usapan ang tungkol run', so may plano nga siya. At nag-assume pa talaga siya. Ipinagkanulo na nga siya ng sarili niya. Another kahihiyan. Nagiging tanga siya kapag kaharap niya ito.
"Go, freshen up, baka mainip ako sa kahihintay sayo. Magkakamali ka na naman", kampante itong nakaupo ng nakadikwatro sa couch na nasa loob ng kanyang kwarto.
"Sinira mo ang araw ko! Please get out, maliligo ako at magbibihis, ang sagwa nating tingnan", pagtataboy niya rito.
"Hindi ka naman sa kama magsashower at lalong hinding hindi ako titingin sayo habang nagibibihis ka", pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
"I said get out! Will you please?", she was really pissed off. Nahalata na siguro nito ang pagkainis niya kaya't tumayo ito at sa wakas pumunta na rin sa pinto. Subalit bumalik ito papunta sa kanya at walang babalang kinintilan siya ng halik sa labi na labis niyang ikinabigla. She was left frozen seating on her bed. And she even forgot to blink. That was the feeling of being kissed by this man. The kiss that she was longing for...for a long time.
"I will wait you downstairs", kinindatan siya nito bago tuluyang umalis sa kanyang harapan.
It was just a simple kiss. Smack kiss to be exact, but that was so passionate. Halos ikinatunaw ng kanyang puso ang halik na yun. Ganun pala yun? Pero may mukha pa ba siyang maihaharap dito?
"You are so beautiful hija", puri saa kanya ng kanyang ninong. Hinagod siya ng tignin nito mula ulo hanggang paa.
"Thank you for the compliment ninong", kimi naman niyang tugon.
"So how was your stay there?", tanong nito. Sasabihin ba niyang walang ibang laman ang kanyang utak kundi ang umuwi na at makita ang binata? Wow naman Patricia!
"It was so nice ninong," she accidentally glanced at Paolo na seryoso ang anyo. He's not minding anyone. Nagpatuloy lang ito sa pagkain walang imik. So unusual. 'yun naman ang gusto mo diba? Ang hindi ka inisin nito?' ang kanyang subconscious.
Siya lang ang laman ng topiko habang nag-agahan sila. Natigil lang ng matapos sila. Ilang minuto rin ay nagpaalam ang kanya ninong. Hinatid ito ng mommy at daddy niya sa gate ng bahay nila. Naiwan silang dalawa ni Paolo sa sala. Hindi niya ito inimikan, from her periphial vision, nakita niyang nakatingin ito sa kanya. Pagkatapos ng mapangahas na halik nito kanina, halos wala na siyang mukhang maiharap rito.
"I don't trust him", bigla itong nagsalita na ikinalingon niya. Tinaasan niya ito ng kilay. Sino naman kaya ang tinutukoy nito?
"Who?", aniya.
" That old man. I sense danger", seryoso ang tono nito.
"Wow ha? Look who's talking. I'd known him for a long time! Tapos ganyan ka kong makapagsalita sa kanya? Kung tutuusin nga, ikaw ang mapanganib", aniya.
"Kung mapanganib ako, may ginawa na sana ako sayo habang mahimbing kang nakatulog kanina", here they go again. Di nga ba't hinalikan siya nito tapos wala daw itong ginawa sa kanya, sinungaling talaga.
"Anyway, I am telling it to you seriously, do not give your full trust to him", wika nito.
"Ay ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan", tumayo siya sa sofa. Hindi pa siya nakalayo ng pigilan siya nito sa kamay. The sudden flow of current althrough her body flows.
"And where do you think you're going?", they are apparently so close to each other. Mabilis pala itong nakatayo. Nakatitig ito sa kanya, maging siya rin naman. She could barely smell his scent. At masarap sa feeling, napakarelaxing naman. Ewan niya pero gusto niyang makulong sa mga bisig nito. That lips of him. Biglang siyang namula ng maalala ang halik nito sa kanya.
"Ahm..ah.., will you please let go of hand?", itinulak niya ito subalit kinabig siya nito and give her a warm and tight hug. Napamulagat siya sa nangyari. Ang bilis naman. Kani-kanina eh pinangarap niya lang, in just a span of minute, este seconds natupad kaagad ang kanyang pangarap.
"I miss you so much Pat. I really wanted to say you this but you were so aloof to me way back then, I think I fa-"
BANG!! BANG!! BANG!!
"Ano..yun?" aniya at mahigpit na napayakap sa binata. Pareho silang nagulat sa narinig na pagputok.
"Let's go upstairs, pumunta ka sa kwarto mo. You will be safe there", hinila siya nito papanhik sa kanyang kwarto at kaagad itong inilock. Hindi niya halos maihakbang ang kanyang mga paa. Nanginginig siya sa takot.
Nadagdagan ang kanyang kaba ng marinig ulit ang putukan sa loob ng kanilang bahay. Hindi na niya magawang bitawan ang kamay ng binata. Nangangatog na ang kanyang mga tuhod.
"Paolo? Patricia?!" boses iyon ng kanyang kuya.
"Paul", binuksan ito ni Paolo. Hindi niya marinig ang pinag-usapan ng dalawa, dahil iniwan muna siya ng binata sa kanyang kama. Binalikan siya ni Paolo.
"Ho—w was it? Ang mommy at daddy.. are they okay?", nanginginig na tanong niya.
"May sugat ang tito Alfonso, pero sa balikat at daplis lang. Stay here and I will go down. Lock the door and do not open it unless its me. I will just call your name", bilin nito sa kanya.
"Please.. do not leave me here. I'm afraid", naglandas ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.
"Sssshhh.. calm down. Don't worry hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo, walang pwedeng makapanakit sayo. I will never allow them to hurt you. I will protect you sweetheart", pinahid nito ang kanyang mga luha at niyakap siya ng mahigpit. The assurance that he gave him to her makes her feel at ease.
She felt so secured in his arm. Ayaw niyang malayo mula sa mga yakap nito. Kung pupwede nga lang na manatili sila sa ganoong ayos.
"Stay here, babalikan kita dito", sa hindi inaasahang pagkakataon, ginawaran siya nito ng isang mabilis at masuyong halik sa labi. For the second time.
Sinundan niya lang ito ng tingin habang papalabas sa kanyang kwarto. Nang makahuma, tumayo siya at sumilip sa bintana.
"OhGod!", napahiyaw siya bigla ng makitang may nakatutok sa kanyang baril. Mabilissiya umalis sa bintana at patakbong pinuntahan ang banyo niya. Hihimatayin naata siya sa sobrang kaba. Naiiyak na naman siya.