"Mr. Alfonso nakaalis na ang mga armadong tao. Mabilis na nakaalis ang kanilang sasakyan", anang hepe.
"Sige, salamat chief. But try to locate those people as soon as possible. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito", nakatiim bagang na turan nito habang hawak hawak ang brasong may tama.
"Yes sir, we will do our best. Mabuti naman at nakuha sa isa sa mga tauhan ko ang plate number ng van na iyon. Malaki ang maitutulong nun sa pag-usad ng imbestigasyon", pahayag pa nito.
"Thank you", maikling tugon nito habang napasimangot na nakahawak sa braso nito.
"Hon, we will go to the hospital. Kailangan nating maipagamot iyan", mangiyak ngiyak na turan ng ginang.
"Hindi na kailangan. Daplis lang ito. Pwede na itong gamutin dito sa bahay", aniya.
"Pero hon-"
"Don't be so worried. Alam ko kung ano ang nararamdaman ko. And as I said, I am okay", pagsalungat naman kaagad nito.
"Mom, dad is right. And another thing is that, hindi safe para sa atin na lumabas ng bahay lalo na ngayon", wika naman ni Paul.
"Paul is right tita, tito", ani Paolo.
"Asan na si Patricia?", tanong ni Alfonso.
"She's in her room dad", ani Paul.
"Pupuntahan ko siya, tito, tita", paalam niya.
"Sige hijo, salamat", anang daddy ni Patricia.
Nang makaalis na ang binata, nagpalitan ng tingin ang mag-asawang Ayala.
"She's inlove with our daughter", ang mommy niya.
"Madly inlove to be exact", dagdag naman ni Paul.
Pailing-iling na lang ang padre de pamilya sa usapan nila.
"Pat! Patricia!", tinawag ni Paolo ang dalaga ng hindi ito madatnan sa loob ng kwarto. Binuksan niya ang cabinet. Maging sa ilalim ng kama ay sinilip niya. Kinabahan siya ng labis, baka naisahan sila ng mga ito at tinangay ang dalaga.
"Pat!! Answer me!", mawawalan na siguro siya ng bait. Binuksan niya ang CR, wala. Last na talaga ang shower room, kung wala ito roon. Hahanapin niya ang mga demonyong iyun kahit saang lupalop pa ito ng Pilipinas.
"Patricia", parang nabunutan siya ng tinik ng makita itong nakapamaluktot sa loob ng shower room at humihikbi. Nilapitan niya ito at niyakap.
"Okay na, wala na sila. Tumahan ka na", pag-aalo niya rito.
"Nahuli na ba sila?", turan ng dalaga sa kabila ng pagsigok.
"They were all gone, hindi sila nahuli kaya hindi parin ligtas ang paligid para sa inyo ng pamilya niyo", wika nito at hinawakan ang kanyang mga balikat. They were now facing each other.
"Why is this happened to us? As far as I can remember, my parents do'nt get trouble with somebody, well maybe there is, and I just didn't know about it", wika niya.
"Why don't you ask them for them to answer your question, let us go down. They were now in the living room", tinulungan siya ng binatang makatayo. Halos wala na nga pala siyang sapat na lakas para tumayo.
Pagkarating niya sa sala, sinalubong siya kaagad ng kanyang mommy at mahigpit na niyakap.
"Dad, Mom, are you hiding something to me?", tanong niya dito.
"Ahm, anak-"
"Nothing", mabilis na sagot ng kanyang ama.
"Hon, k-kailangan na sigurong malaman ng anak natin ang katotohanan", ang mommy niya. So may inilihim nga ang mga ito.
Nakita niyang marahas na nilingon ng kanyang ama ang kanyang mommy. Galit ang mukha nito.
"Sa tingin mo makakatulong ito sa kanya?!", tumaas ang boses ng kanyang ama.
"Bakit?! Makakatulong ba rin sa kaligtasan niya ang paglilihim natin sa katotohanan?" nagalit na rin ang kanyang ina.
"Mom, Dad, it won't help for the all of us if we will continue arguing on this. And dad, I think Patricia needs to know this all", ang kanyang kuya.
Nakita niyang parang sumuko narin ang kanyang daddy. Hinarap siya nito at tinitigan na muna siya nito ng ilang saglit bago simulang sabihin sa kanya ang katotohanan.
"Kaya ka namin pinaalis papuntang Spain para ilayo sa mga taong nagbabanta sa pamilya natin. We were just putting you away from possible danger", pagiexplain nito.
"We'll sending you to Spain, doon mo na tatapusin ang iyong pag-aaral"
"Pero-"
"No buts", maawtoridad na wika nito.
"Dad, may nagawa ba akong kasalanan?", itatanong pa ba yan? Siyempre alam niya sa sariling ang dami niyang kasalanan.
"This is not the right time to tell you the truth. As soon as possible you need to stay away from this country. Pack your things, dahil bukas na bukas na ang iyong alis", nabigla sya sa sinabi ng ama. Hindi naman galit ang anyo nito, she saw worry covered on his face.
Ngayon, malinaw na sa kanya ang gabing yun ng sabihin sa kanya ng daddy niya na ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Spain.
"And all those years pinaniwala niyo ako sa kadahilanang you wanted me to stand alone and be independent and then here is the real reason. You were sending me away because there were dangers! At sa tingin niyo ba nailayo niyo ako sa kapahamakan? No!! dahil kahit saan pamang lupalop ng mundo niyo pa ako itatago. Makikita at matutunton parin nila ako! Are you not thinking about it?", they lied her and she hates it.
"Are you insulting us Patricia?!", pasigaw na wika ng kanyang daddy.
"Yes!!Cause you are all a liar!!", dinuro niya ang bawat isa dahil sa labis niyang galit.
Nabigla siya ng dumapo sa kanyang mukha ang malakas na sampal ng kanyang ama. Parang natulig ang kanyang utak sa lakas ng pagkakasampal, namanhid din ang kanyang pisnging nadapian ng sampal nito. Maging ang kanyang ina napasinghap. Parang naalog ang kanyang utak. Ang sakit sakit nun.
"Hindi mo parin ba naiintindihan ang mga gusto naming mangyari sayo? Inilayo ka namin dito dahil diyan sa katigasan ng ulo mo!! At wag na wag mo akong sinasagot sagot na parang bang ang dami mo nang alam sa buhay, dahil sa totoo lang, wala kang alam!! At wag mo kaming dinuro duro dahil hindi ka namin pinalaki para duruin mo lang kami. Try to respect us Patricia, atleast for being a parents and family who cares for your welfare!", galit na galit na ang kanyang ama.
"I hate you all for lying me!! Ganun na ba talaga ang akala niyo sa akin? Bakit wala akong karapatang malaman ang bagay tungkol sa pamilya natin? Dahil sa wala akong alam? Napaka unfair niyo naman dad, mom at kuya!!", tuluyan ng nakatakas ang kanina pang pinipigilan niyang luha. Tinakbo niya ang hagdan. Kailangan niyang luayo sa lahat.
"Patricia!", narinig niyang tawag sa kanya ni Paolo.
Wala na siynag gusting pakinggan pa dahil galit siya sa lahat. Nagkulong siya buong maghapon sa kanyang silid. Ayaw niyang pakiharapan ang kanyang ina. Malaki ang kanyang pagtatampo sa kanyang buong pamilya.
Simula ng nangyaring pamamaril sa kanilang bahay, bantay sarado nang mga private army ang kanilang bahay. Maging ang mga lakad niya ay naapektuhan na. Parang gusto niyang subukan ang dating siya. Tutal ganun naman pala ang tingin ng knayang daddy sa kanya, walang alam. So tinginan natin. Lumabas siya ng kwarto at pumunta sa sala. Nadatnan niya ang kanyang mommy na paakyat na ng hagdan. Sinalubong siya nito.
"Gising ka na pala. Nakahanda na ang agahan", mahinahong wika nito.
"Kayo nalang pero busog pa naman ako", nakatalikod na sagot niya.
"Pero wala ka pang kinain anak. Nakabihis ka, may lakad ka ba ngayon?",wika ng kanyang mommy.
"Okay, you wanted to know where I wanna go? Sa labas, mas gusto kong kumain ng mag-isa. Malayo sa inyong lahat. Kasi ho, sa tuwing nakikita ko kayo naiinis at bumabangon ang galit sa puso ko dahil sa ginawa niyong lahat", nasa tono ng kanyang pananalita ang kawalang ganang makipag-usap dito.
"Anak,you were already grown up, so you should understand"
"Kaya nga, malaki na ako, kaya't alam ko ang ginagawa ko", dagdag pa niya.
"You know that it is dangerous for you to go outside, alam mo naman siguro ang rason diba?", she saw the pain in her mothers eyes when she talks to her in that way.
"You can't stop from doing what I want mom, eh ano ngayon kung delikado pala, sana naisip niyo yan noon!", tumaas ang kanyang boses.
"You had already learned to answer me", ang kanyang mommy.
Deep inside her heart she was also hurt, pero hindi niya maiwasang magalit sa tuwing naiisip niya ang bagay na iyon. It seems like her pride were being measured. They let her feel that she's useless and the weakest among the family members and she doesn't want to be treated that way. Hindi na siyang napigilan pa ng kanyang ina ng lumabas siya ng bahay. Sa kanyang pagmamadali, hindi niya napansin ang pagpasok ng isang tao sa kanilang bahay. Huli na siya ng planong niyang umiwas, dahil nabangga na siya sa matigas na dibdib nito. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at biglang bumangon ang inis na kanyang naramdaman. Isa pa ang lalaking ito, may alam naman pala at naglihim din sa kanya. Sa bagay, matagal din silang hindi nagkita. 'Pero kahit na! kung talagang concern siya sa akin'
"Where do you think you're going?" hinawakan siya nito sa balikat. Nakipagsukatan siya nito ng titig. Pero talo siya eh, kasi apektado siya sa titig nito. Ang hanep at ang gwapo kasi ng isang ito. 'Wag mong kalimutan Patricia na galit ka sa kanya', paalala ng kanyang bitter na subconscious.
"When I say I will going to hell, are you willing to go with me?", she said sarcastically.
"No, instead I'll bring you back to your room and lock you there", mgumiti ito sa kanya ng mapanuya at bigla na lamang siyang binuhat na parang sako ng bigas.
"Put me down!!! I will wreck your neck if you will not put me down!", pinagsusuntok niya ito sa likod at nagsisigaw.
Umakyat na nga ito sa hagdan. Hindi man lang ba ito nabigatan sa kanya? Tumigil na muna sa pagagalaw dahil baka pareho silang mahulog sa hagdan, siya ang mas magiging kawawa. Pinihit nito ang siradura ng pinto sa kanyang silid ng makarating na sila. Nang makapasok na sila sa loob, ibinaba na siya nito. Dahil sa pagakainis naman niya rito, kaagad naman niya itong sinugod ng suntok sa iba't ibang parte ng katawan nito,pwere nalang sa mukha, dahil hindi niya kayang sirain ang magandang mukha nito.
'Diba't galit ka sa kanya Pat? Wag mo ng kaawaan ang kanyang mukha' ang kanyang pasaway na utak.
"Tapos ka na? ako na naman ngayon", lumapit ito sa kanya matapos niya itong pinagsusuntok. Seryoso ba ang isang ito? Susuntukin ba siya nito tulad ng kanyang pinagagawa nito kani-kanina lang? Tatawagin na siguro niya ang kanyang mommy.
"B-bakit? Susuntukin mo rin ako?", she a little bit nervous when he stop on her front.
"Hindi ako ganun ka ungentle, ano ang gusto mong parusa sa pagsuntok mo sa akin?", kunwari'y nag iisip na wika nito. Nakakakaba mag-antay ng parusa nito. Silang dalawa pa naman lang ang nasa kwarto.
Nakita niya dumukwang ito, nanlaki ang kanyang mga mata. Hahalikan siya nito?!! Ito ba ang parusa niya?!!
"Mali ang iniisip mo ngayon", mahinang turan nito habang nakatitig sa kanya.
"Can you share it to me Mr. Montachalian kung ano ang iniisip ko na sa tingin mo ay mali?", mukhang kinakailangan niyang maging palaban.
"You already knew it Ms. Ayala", wika naman nito at bahagyang lumayo sa kanya.
"Ay! Hindi ko alam eh",aniya't tinaasan ito ng kilay.
"Ganun ba, hayaan mo, balang araw, sasabihin ko rin sayo kung ano iyon. But before anything else, ano ang ginawa mo kanina, you're trying to run away", nag-iba sa kaagad ang mood nito. He becomes serious again.
"Bakit ba nakikisawsaw ka sa problema namin? Ano naman ang paki mo kung aalis ako ng bahay? I hate the people here, and you're one of them if in case you don't know", aniya rito.
"Why are you so hard headed, tito already explained to you everything, and yet here are you trying to act like a child. You are no longer a child, so don't act like one", sakit nun ah. So iyun ang tingin ng lalaking ito sa kanya.
"Isipin mo na ang gusto mong isipin! Hindi mo naman alam ang nararamdaman ko kaya ganun ka kung makapagsalita!O eh sige, sabi nga ni daddy, wala akong alam", nagsisimula ng maglandas ang kanyang mga luha.
"You are talking nonsense!", galit na wika ni Paolo.
"Diba ako pa ngayon ang mali, walang pakialaman nalang siguro tayo ano? Dahil hindi rin naman ako nakialam sa mga whereabouts mo! Aalis ako at hindi mo ako mapipigilan!", mabilis siyang lumabas ng kanyang kwarto at tinakbo ang parking lot kung saan nakapark ang kanyang kotse. Ng makasakay ay kaagad niyang pinaharurot ang kanyang kotse. Kaagad niyang binusinahan ang guard na nagbabantay sa gate.
"Ano ba kuya!! Hindi mo ba yan bubuksan?", sinigawan niya ito. Baka maabutan pa siya ng binata.
"Wag mong buksan ang gate manong!", dumating ang binata at nasa gate na nga ito.
"Hoy! Isa ka pang gago ka! Wag mong pigilan kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay ko!", bumaba siya ng kotse at sinugod ito. An again, nasuntok na naman niya ito. Hindi naman siya nabahala dahil alam niyang hindi ito masasaktan sa kanyang ginawa. Siya lang ang napagod.
"Okay ka na?", ang lalaki, nginitian siya nito ng mapang-uyam. Hinawakan nito ang mamumulang kamao niya.
"Hindi! Hanggat hindi kita nababalian ng buto!" kasabay nun ay ang muling paglanding ng suntok niya sa braso nito.
Walang kaano ano'y pinangko siya nito pabalik sa kanyang kwarto. Nagpupumiglas na naman siya. Pagkapasok na naman sa kanyang kwarto, ibinaba siya nito ng may pagdadabog sa kama at inilock ang pinto.
"Kung ang buong akala mong matatakasan ako, puwes you're wrong", mabagsik ang tingin na ipinukol nito sa kanya.
"Pinabayaan niyo na sana ako dahil diba ganun naman ang ginawa nila sa akin diba? Kung talagang nag-aalala sila sa akin they should not lie it to me! Hindi nila ako mahal!", daing niya.
"Try to listen to us! Ako at ng pamilya mo. This is all for your own safety, hindi mo ba iyon naiintindihan o likas lang talagang manhid ka sa nararamdaman mo na kahit kitang kita mo naman na may nagmamahal sayo ay pinipilit mo parin diyan sa puso mo na magalit. It has been a long time Pat, you should have felt it, but you were being blinded by your pride", may lungkot sa mga mata nito ng bigkasin nito ang mga katagang iyon.
"Paolo", mahinang turan niya. Para naman siyang pinana nun, sapol sapol siya.
Nang makaalis ang binata, naiwan siya nito sa malalim na pag-iisip. Ganun na ba siya kasamang anak? Ganun na rin ba siya kasamang tao para hindi niya mapansin ang malasakit ng mga taong nakapalibot sa kanya? Dapat ba siyang makunsensya? ' Hindi na
yan dapat pang itanong Pat dahil dapat ka talagang makunsensya'. Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan.