Ellaine/Pearl's POV Nakarating na kami sa condo ni Luke at nandito na ako sa kwarto ko na nakahiga. Gabi na rin kasi pero hindi pa ako makatulog nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Kaya dahil dun napabangon ako at tinignan ang pinto at pumasok mula duon si Luke. Dahan-dahan naman siyang lumapit at naupo sa tabi ko rito sa higaan nang tuluyan na siyang makalapit ay umayos na ako ng upo at isinwich on ang light sa tabi ko. "Akala ko nakatulog ka na," tanong niya sabay ngiti sa'kin. "Hindi pa kasi ako inaantok eh," sabi ko naman at nginitian din siya. "Ano nga pa lang ginagawa mo rito?" pag-iiba ko ng tanong sa kanya. "Sasabihin ko lang sana na lilipat ka na bukas kaya mag-ayos ka sa mga gamit mo," sabi niya at tumayo na mula sa pagkakaupo niya kanina sa tabi ko dito sa higaan

