Ellaine/Pearl's POV Pababa na kami sa tumatakbong nauupuan na hanggang ngayon ay hindi ko pa alam ang pangalan. Pinagbuksan na ulit ako ni Luke ng pinto. At nagsabay na kaming naglakad papasok sa shop. "Good morning Marla," bati ni Luke kay Marla na busy sa pag-aayos ng mga jewelries dito sa shop. Mag-isa lang pala si Marla na nagtratrabaho rito. Well magiging dalawa na kasi magtratrabaho na rin daw ako rito. "Good morning din po sir," sagot naman niya. Ako? Sinimangutan ko lang siya. Eh kasi naman, nilalandi niya si Luke KO. "Oh, maiwan kana kay Marla Pearl ha?" tanong sa'kin ni Luke. "At magpakabait ka," sabi ulit niya at tumawa nanaman ng konti. "Ano ako bata?" tanong ko lang sa kanya. Eh kasi naman, sabihan ka ba naman na magpakabait? Hindi naman ako makulit na bata na nakakaba

