Ellaine/Pearl's POV "Ganito ang pagbalot ng mga necklace," sabi niya at tinuro niya kung paano magbalot. "Ah, okay," sagot ko habang tinitignan kung paano magbalot si Marla ng mga necklaces kasi ganyan din daw ang gagawin ko. Ilang sandali pa ay lumabas na si Luke mula sa office niya. "Oh ano, uwi na tayo?" tanong niya at medyo hapon na rin kasi. Tumango lang ako bilang sagot at naglakad na kami ng sabay ni Luke palabas ng shop. At nang makalabas na kami, biglang lumingon si Luke kaya dahil dun napalingon na rin ako. "Marla," tawag niya, kaya napalingon din si Marla na busy sa pagsusulat ng 'di ko alam kung anong sinusulat niya. "Mauna na kami," sabi niya at itinuloy ang paglalakad. Ako naman nakalingon pa rin kay Marla habang naglalakad at hindi nakaligtas sa'kin ang ngiti niya

