Luke's POV"Lenabell," sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Pearl. "Lola, hindi po siya si Lenabell. Siya po si Pearl," pagtatama ko kay lola. And this time pinigilan ko na si lola, ipapaintindi ko sa kanya na mali siya ng akala na hindi yung nawawala niyang anak si Pearl. Pero bakit nga ba niya pinagkamalan si Pearl? "Hindi, siya talaga si Lenabell. Sinisiguro ko sa'yo," pagtatanggi pa rin ni lola. "Lola, huwag na po kayong magpumilit," sabi ko at nilalayo na siya kay Pearl. Hanggang ngayon shocked pa rin ang mukha ni Pearl na hindi maipinta dahil sa mga sinasabi ni lola. "Iuwi niyo muna siya," sabi ko sa body guard na kasama niya sa pagpunta rito. "Sige po," sagot naman nila at siya na ang pumuwersa kay lola na lumabas ng shop papunta sa sasakyan na dala nila. "Sino

