Luke's POV Simula ng tinuruan ko siyang gumamit ng cellphone, siya na ang tumatawag sa'kin at hindi na ako nakakapagtrabaho ng maayos. Ang kulit talaga niya, grabe. Pauwi na ako sa condo ng mapagsabihan naman 'to na hindi dapat palaging tumatawag. Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa'kin si Pearl na nakatingin sa may bintana ng sala. Mas lumilitaw pa yata ang ganda niya ngayong nasisinagan ng araw ang mukha niya. Ayos na rin siya galing sa ospital. Napatingin na siya sa direksyon ko nang mapansin na niya ako. "Oh, Luke napaaga yata ang uwi mo ngayon?" tanong niya at lumapit sa'kin. Habang tumatakbo siya papuntang direksyon ko, natisod yata siya kaya mabilis ko naman siyang sinalo. Nagkatitigan pa kami saglit bago ko siya tinayo ng maayos. "Mmm, g-gusto ko lang sabihin na..

