Ellaine/Pearl's POV Kinabukasan, it's another day nanaman. Natanghali na rin ako ng gising. Bigla kong napansin ang sulat sa side table. Baka sinulat ito ni Luke. Mabasa nga. 'Hindi muna kita masasamahan ngayon dahil na rin sa sunod-sunod na meeting ko. Pero punta ka rito mamayang 11:30 at maglulunch tayo sa building.. Magpasama ka na lang sa bagong kaibigan mo sa pagpunta rito. Isang oras lang kasi ang binigay nilang break sa'kin kaya hindi na kita masusundo. Ingat ka ha? At see you later.' Bakit naman niya ako iniwan? Nakakainis talaga. Dali-dali naman akong pumunta sa banyo para maligo. Excited? Sabi nga ni Luke na 11:30 eh pero 9:00 pa naman. Pagkatapos kong maligo ay lumabas muna ako sa living room. Siguro manonood muna ako, pampalipas lang ng oras. Hours later... *ring,

