Ellaine's POV
Kinuha ng matanda ang mapa sa kamay ko at laking gulat ko ng nawala nanaman ang kalahati nito.
"Bakit po ganyan 'yan?" tanong ko sa kanya.
Hindi ko na mapigilang magtanong dahil hindi ko na naiintindihan ang mga nangyayari sa mapang iyan.
"Naalala mo ba ang sinabi ko kaninang Golden crown?" tanong niya at napunta sa kanya ang atensyon ko na kanina lang ay nasa mapa.
Ano 'to? Palitan ng tanong? Magtatanong ako tapos sasagutin niya rin ako ng tanong? Meganern?
"Opo. Sino po ang mga naghahanap sa sinabi niyong Golden crown at dito pa talaga kayo pinagtago nila?" tanong ko ulit sa kanya.
Sino ba kasi silang mga naghahanap dun? Ganun na ba talaga yun kaimportante.
"Mga sirena na gustong maging reyna at hari," sagot niya naman.
Talagang importante nga ang Golden crown na yun.
"Kung makukuha mo po ba ang Golden crown. Magiging reyna o hari ka po ba?" Tanong ko ulit sa kanya.
"Oo," matipid niyang sagot sa'kin.
"Ano pong kingdom ang masasakupan ng kung sino man po makakahanap yun?" tanong ko ulit sa kanya.
"Lahat. Itong buong karagatan ang masasakupan ng sino mang makakahanap ng koronang iyon," sagot din niya.
Ang swerte naman ng makakahanap nun kung sakali mang merong makahanap. Pero ako, hindi ako interesado. Wala akong balak magbuwis buhay para lang maging reyna ng buong karagatan.
Bakit na ba ako nakikipagkwentuhan? Iisa lang naman ang ibinuwis ng buhay ko dito at yun ay ang maging tao na ako.
"Teka. Isa lang po ang pakay ko dito," sabi ko.
"Ano yun mahal na prinsesa?"
Bakit ba palagi niya akong sinasabihan ng mahal na prinsesa? Eh hindi nga ako prinsesa! Ano ba, ang kulit lang ha.
"Sinabi nga pong hindi ako prinsesa eh," sabi ko at napakamot na lang sa ulo dahil sa nakukulitan na ako dito sa matanda.
"Oo na. Ano ba yung pakay mo dito? At nagbuwis buhay ka pa," tanong niya sa'kin.
"Kaya niyo po bang gawing tao ang sirena?" tanong ko sa kanya pero hindi siya sumagot ng ilang segundo.
"GUSTO MONG MAGING TAO!?" Sigaw niya.
Napatakip na nga ako sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya.
Tignan mo 'to. Late reaction. Pero kung makareact wagas.
"Opo," nag-aalangan kong sagot.
Maya-maya pa ay naging normal na rin ang itsura niya.
"Bakit naman biglaan yata?" tanong niya.
"Meron kasi akong gustong makilala sa mundo ng mga tao," sabi ko iniimagine ang mukha ni Luke.
"Isa ba siyang makisig na binata?" tanong naman niya.
Teka, pano niya alam yun? Manghuhula ba siya?
"Pano mo po nalaman?" tanong ko sa kanya.
"Alalahanin mo na isa akong sorcerer at kaya ko yung alamin," sabi pa niya.
"Oh. Ano na po? Kaya niyo po ba?" tanong ko.
"Ginamit ko na yun noon pero gumawa lang ito ng malaking g**o," sabi niya.
"Sige na po. Please," pagmamakaawa kong sabi sa kanya.
Please naman pumayag ka na.
"Pasenya na mahal na prinsesa pero hindi talaga pwede," sabi niya.
"Ang kulit mo naman po eh. Sabi kong hindi nga ako prinsesa," sabi ko ulit sa kanya.
Ang kulit niya kasi eh.
Napapause siya konti na parang nag-iisip at may kinuha na kwintas na may pendant na heart.
"Ano po 'to?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Kinuha ko na ang kwintas at pansin ko pang umilaw ang pendant nito ng kulay Violet.
"Isuot mo 'yan at magiging binti ang buntot mo," sabi niya.
Binibigay na niya sa'kin ito?
"Akala ko po ba bawal gamitin ito?" nagtataka pa ring tanong ko.
Kakasabi niya lang sa'kin na hindi pwede tapos ngayon ibibigay na niya ito?
"Kasi hindi lang naman yung kagustuhan mo ang matutupad dito," makabuluhang sabi niya.
Ano ang ibig sabihin ng sinabi niya?
"Ano po ang ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Meron akong misyon para sa'yo," sabi niya.
Misyon? Ano namang misyon yun?
"Ano naman po yun?" tanong ko ulit sa kanya.
Kinuha niya ang mapa at binigay sa'kin.
"Kunin mo 'to," sabi niya.
"Ano naman pong gagawin ko dito?" tanong ko sa kanya nang nakuha ko na ang mapa.
"Hanapin mo ang Golden crown," sabi niya.
Ano!? Ako? Maghahanap ng Golden crown? No way.
"Hindi po ako interesado na maging reyna. Ayoko pong hanapin ang Golden crown," sabi ko at binabalik ang mapa sa kanya pero hindi niya kinukuha.
"Sige na mahal na prinsesa. Ipanalig mo ang kabutihan laban sa kasamaan," sabi pa niya.
Kabutihan? Laban sa kasamaan? Ano ang ibig sabihin niya dun?
Tinignan ko na lang yung mapa. Ang nakalagyan ng 'x' sign ay dun sa lumang bahay na nakakatakot.
Picture pa lang, nakakatakot na. Pano pa kaya kung pupunta na ako dun. Ako pa naman ang naatasan na hanapin ang Golden crown.
"Ano, kaya mo ba?" tanong nanaman niya.
Nag-isip pa ako kung makakaya ko ba? Pero naisip ko naman si Luke.
"Oo. Kakayanin ko po," sabi ko naman.
"Sige alis ka na at mag-iingat ka mahal na prinsesa,"
Hinayaan ko na lang tawagin niya ulit ako ng prinsesa. Hindi ko kasi siya mapigilan kahit anong gawin ko.
Nagtataka nga ako kung bakit prinsesa ang tawag niya sa'kin at kung bakit niya naman ako pinapaalis?
"Bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Basta bilisan mo na lang. Sa Blue sea ka pupunta ha? At dun mo 'yan isuot pagsapit ng dilim," natatarantang bilin niya sa'kin.
"Opo," sagot ko naman sa kanya.
At nagsimula na rin akong lumangoy palayo sa kwebang yun.
***
Steve's POV
Pag alis ni Ellaine, tinitigan ko lang ang dinaanan niya. Hay! Parehas lang talaga sila ng ama niya.
Noong sinabi niya na meron siyang gustong makilala sa mundo ng mga tao ay naalala ko bigla yung araw na ninakaw ni Edo mula sa'kin ang potion.
Eksaktong-eksakto ang linyang binitiwan nila.
Dalaga na nga si Ellaine. Kaninang nalaman kong siya ang nakabuo ng mapa. Nakampante na ako kasi hindi sa masamang kamay ang mapupuntahan ng Golden crown.
Isa sa mga tradition kasi naming mga sorcerer na bukod sa magiging sorcerer din ang anak mo at apo mo, ililipat sa'yo ang mapa at kwintas na binigay ko kay Ellaine. Makukuha lang ng anak mo ang mapa at kwintas kung patay ka na. Pero kung hindi pa naman, sa'yo muna ang mapa at kwintas.
Hanggang sa mahanap na ang nakatakdang maging reyna o hari ng buong karagatan. At sigurado akong si Ellaine na yun.
Maya-maya pa merong lumitaw na itim na usok sa loob ng kweba. Pero sa tingin ko hindi lang 'to ordinaryong usok eh.