Chapter 13

1220 Words
Steve's POV At lumitaw nga si Elvyra sa itim na usok na yun. "Saan pumunta si Ellaine?" pananakot na sabi niya. Pero hindi ako natatakot sa kanya. "Umalis na si Ellaine kaya umalis ka na rin," sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. "Sa tingin mo patatakasin ko lang siya ng ganun kadali?" sabi niya at tumawa ulit siya na nakakakilabot pero hindi uubra iyon sa'kin. "Paano mo siya masusundan? Hindi mo nga alam kung nasaan na siya ngayon," matapang ko namang sabi. "Hindi pa pero kung sasabihin mo... Malalaman ko," sabi niya at ngumiti ng nakakakilabot. "Bakit ko naman sasabihin?" maowtoridad kong sabi. "Baka nakakalimutan mo. Nasa kaharian ko ang anak at apo mo," pananakot niya pero hindi ako natatakot sa kanya. "Ano ngayon?" pang-iinis na tanong ko sa kanya. "Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ba inisip na maaari ko silang saktan?" base pa rin sa boses niya ang pananakot pero hindi ako nasisindak sa kanya. "Hindi mo yata makakaya 'yan," makahulugang sabi ko sa kanya. "Madami na akong napatay. Pati nga ang reyna at hari noon, napatay ko rin. At akala mo ba? Hindi ko kayang pumatay ng isa lamang hamak na hardinero?" pagmamayabang niya sa kanyang mga nagawang hindi naman kanais-nais. "Hindi mo kayang patayin ang anak mo," sabi ko na halatang nagpagulat sa kanya. Oo anak niya si Bhyll. Ang asawa niya kasi dahil magkaibigan ang tatay-tatayan ni Bhyll ay binigay na ng totoong tatay ni Bhyll kasi hindi rin naman makaanak ang asawa ng anak ko na kumuha sa bata pero isa at kalahating taon din ang lumipas at nabuntis din ang manugang ko. Sa isa at kalahating taon na yun ay naging ganyan na si Elvyra at dahil sa takot ng manugang ko na baka may masamang mangyari sa nag-iisang nanggaling sa kanila ay ipinadala ng manugang ko ang tanging baby niya sa mundo ng mga tao. Naging ganap na tao nga ang apo ko. "Anong sabi mo? Anak? Wala akong anak?" sabi naman niya. "Anak mo si Bhyll Dark Queen," sabi ko at parang nalungkot naman ang mukha niya. "Ang nag-iisa kong anak ay pumanaw na," sabi niya at nagsimula ng tumulo ang kanyang mga luha. "Namatay siya sa aking panganganak kaya BAKIT MO NASASABING ANAK KO SI BHYLL!?" Napalakas na ang boses niya at pinapalibutan na siya ng kanyang dark magic. "Huminahon ka lang Dark Queen," sabi ko kasi pati ang mga mata niya parang black na apoy na nagbabaga. "Pano ako hihinahon nito? Sa palagay mo paano ako hihinahon? Pinaalala mo sa'kin ang namayapa kong anak na siya lang ang naging buhay ko," sabi niya ng naglalaho na ang kanyang kapangyarihan at normal na rin ang kanyang mga mata. "Nang ipinagbubuntis ko pa lang siya, siya lang ang naging buhay ko," sabi niya. "Ang dapat mong sabihin, sila," sabi ko pero nang tumingin na siya sakin, mabilis niya ng inipit ang kamay niya sa leeg ko at tinama sa pader. Akala ko kasi magiging malambot ang kanyang puso kapag naalala niya ang tungkol dito pero siya pa rin ang Dark Queen ang pinakamasama sa lahat ng masasama. Pinipilit ko ng tanggalin ang kamay niya pero malakas siya. "Anong ibig mong sabihing sila?" tanong niya na halatang naguguluhan sa mga pinagsasabi ko. "Kambal..ehhkk..ang ipinag... bubuntis mo...ehhkkk.....noon." nahihirapan na rin akong magsalita dahil sa kamay niya sa leeg ko. At maya-maya pa ay binitiwan na niya ito at parang nag-iisip ng malalim. "Ang ibig mong sabihin? Si Bhyll ang isa sa mga kambal ko?" Mahinahon na sabi niya. "Oo," tanging yun na lang ang nasagot ko. "Pero wala ka pa ring patunay na anak ko nga si Bhyll at kambal ang ipinagbubuntis ko noon," matigas na sabi niya. "Ang asawa mo mismo ang nagbigay ng isa mong anak sa anak ko na kaibigan ng asawa mo," sabi ko sa kanya. "Bakit niya naman gagawin yun?" tanong niya. "Hindi ko rin alam pero yun lang ang nalaman ko sa anak ko na kumuha sa anak mo," sabi ko naman. "Hindi pa rin ako naniniwala sa'yo at itutuloy ko pa rin ang balak ko sa anak at apo mo kung hindi mo pa sasabihin kung nasaan si Ellaine," sabi niya. This time nakakatakot na talaga ang awra niya na para bang nanlalamon siya ng buhay. "Kahit anong gawin mo, hindi ko pa rin sasabihin kung nasaan si Ellaine," sabi ko naman. "Bakit? Gusto mo bang mapahamak ang anak at apo mo?" tanong niya sa'kin. "Alam ko namang hindi mo kayang ipahamak ang anak mo," sabi ko. "Sinabi nga na hindi ko siya anak," sabi niya na medyo napalakas nanaman ang boses niya. "Ngayon, masasabi mong hindi mo siya anak pero hindi mo na 'yan masasabi kapag nagkaharap na kayo," sabi ko sa kanya. "Mmppp!" sabi lang niya at naglaho na. Meron pa siyang naiwan na usok na black. Sana maging ligtas ka sa pupuntahan mo Ellaine. *** Edo's POV Nandito kami sa magic room ng kastilyo kasama ang asawa ko. Tinignan lang namin sa bolang Krystal ang mga nangyayari kay Ellaine. At ang pinapanood namin ngayon ay ang pagpunta niya na sa Blue sea- ang dagat na yun ay ang dagat ni Lena noong nandun pa siya sa lupa. Sa 16 years na nawalay kami sa anak namin ay sobrang sakit pero kailangan naming isugal ang aming anak para puro mabuti na lang ang nakatira sa dagat. Alam naman namin na kaya ni Ellaine na baguhin ang pag-uugali ni Elvyra na alalahanin niya ang salitang 'pagmamahal'. Noong gabing kinuha ni Liezah si Ellaine, sa una nagambala ako. Pero narealize ko na hindi kayang saktan ni Liezah si Ellaine kasi pamangkin pa rin niya yun kahit anong mangyari. Nagpalibot kami noon ng shield na hindi makakapasok ang may masasamang tao. Pero nakapasok dun si Liezah so it means na may kabutihan pa rin siya kahit na paghihiganti na lang ang iniisip niya sa amin. "Edo, sa tingin mo ba makakaya ni Ellaine ang mga pag susubukan niya sa mundo ng mga tao?" tanong ni Lena. "Matatag si Ellaine. Nagmana kaya siya sa'yo." Sinubukan ko na lang patawanin si Lena para kahit papano mabawasan ang intense sa panonood namin ng mangyayari sa paglalakbay ni Ellaine. *** Ellaine's POV Nandito na ako ngayon sa Blue sea na tinutukoy ng matanda. Tumingin-tingin ako sa paligid kung meron bang tao at nakahinga ako ng maluwag nang wala akong nakitang tao. Isinuot ko na ang kwintas na binigay ng matanda. Maya-maya pa ay naging dalawa na ang buntot ko na kagaya ng mga tao. Nakadamit na rin ako ng pantao. Tao na ako?! TAO NA TALAGA AKO!! makikita ko na rin si Luke sa wakas! Nagsimula na akong magpractice na gamitin ang paa ko kagaya ng ginagawa ng mga tao. Pero natutumba ako. Sinubukan ko ulit na tumayo at nakatayo na ako. Yehey, nakatayo na ako! Ngayon magsisimula na akong maghanap. Pero sa lawak pa naman ng mundo. Saan ako ngayon maghahanap? Pero hindi naman sasabihin ng matanda na dito ko iisusuot ang kwintas kung hindi siya malapit dito 'di ba? Kaya nagsimula na rin akong maglakad. Mahahanap din kita Luke. Naglakad ako patawid pero... *brooommmm* *bippppbippp* Napapikit lang ako habang papalapit na papalapit ang umiilaw na bagay. Pero nang malapit na talaga ang ilaw merong humila sa braso ko kaya napamulat ako ng mata. "Magpapakamatay ka ba?" sabi ni-ni LUKE? "Luke?" gulat na sabi ko pero mahina lang. Dahan-dahan ko pang inilapit ang kamay ko sa mukha niya pero hinawi niya lang ang kamay ko. Kasi sa wakas nahanap ko na rin siya. "Baliw ka na ba talaga miss? Ano sa tingin mo 'yang ginagawa mo?" sabi pa niya. "Luke," yun lang ang tanging nasabi ko. Napansin ko na lumaki ang mga mata ni Luke. "Bakit mo ako kilala?" nagtatakang tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD