Third person's POV
"You need to search the sorcerer of Pearl kingdom. He knows every detail of you," paliwanag ni Mora.
Biglang nagkaroon ng galak ang puso ni Ellaine dahil sa narinig.
"But first," tumayo na si Mora mula sa pagkakaupo niya kanina. "you need to prepare for your birthday, okay?" kondisyon ni Mora.
Ngumiti na si Ellaine bago sumagot. "Okay mommy" at tuluyan ng umalis si Mora sa kwarto ni Ellaine.
***
*Birthday party*
Kinagabihan naka handa na sila ng party ni Ellaine. Nakadress siya ng maganda sa kanyang kaarawan.
Inimbita lahat ni Elvyra lahat ng taga Dark kingdom.
Kinakabahan si Ellaine sa likod ng kurtina sa pag-entrance niya mamaya para sa kanyang speech. Hindi kasi siya sanay sa madaming tao.
"And now let's welcome the birthday girl. Ellaine and her speech," sabi ng announcer.
Lumabas na si Ellaine kahit kakaiba na ang kanyang kaba.
"Mmm,t-thank you po sa p-pagpunta sa... Mmm... Birthday ko and enjoy the party," nakahinga na siya ng maluwang ng natapos na ang kaunti niyang speech.
Pagkatapos nun ay naupo na siya sa pagitan ni Elvyra at Mora.
Nagsasayawan na silang lahat ng merong lumapit sa harap ni Ellaine at nagbow ng panlalaki.
"May I have this dance, princess?" tanong ni Bhyll.
Kinakabahan naman si Elvyra sa pagtawag ni Bhyll ng princess kay Ellaine. Kinakabahan siya na baka alam na ni Ellaine ang totoo pero nakahinga na rin siya ng maluwang ng muling magsalita si Ellaine.
"Sabi kong hindi nga ako prinsesa eh," sagot naman ni Ellaine ng patayo na siya at inabot ang kamay ni Bhyll na nag-alay ng kamay.
Lumangoy na sila papuntang dance floor. Kinuha naman ni Bhyll ang dalawang kamay ni Ellaine at linagay sa balikat niya at linagay naman niya ang kanyang kamay sa bewang ni Ellaine.
-----fast forward-----
Ellaine POV
Nandito kami sa position namin 7 years ago kung saan sumasayaw kami ni Bhyll sa ika-10th birthday ko.
Pero sumasayaw kami ngayon dito sa ika-17th birthday ko. Oo, 17 na ako ngayon.
Wala namang nangyari sa past 7 years na yun. Bukod sa meron na akong bagong kaibigan na kasama maliban kay Pearly. Palagi pa rin ako sa labas ng Dark kingdom.
Well, hindi naman sa palagi kasi meron na akong kasama. Paminsan-minsan na lang akong pumupunta sa Dead island para bisitahin.
Sa 7 years na yun madami ng nagbago. Hindi na rin masyadong nagsusungit sa akin si madam Elvyra. Mas naging mabait pa nga siya sa'kin.
Pero ang ipinagtataka ko ay parang nag-aalala ang itsura ni mommy Mora nitong mga nakaraan na parang may tinatago siya.
"Ang ganda mo ngayon princess," sabi ni Bhyll.
Ganyan na talaga tawag niya sa'kin. Kahit pigilan ko siyang yun yung itawag niya sa'kin pero hindi siya nakikinig.
"Ikaw din Bhyll," sagot ko naman.
"Maganda rin ako?" nagtaka na sabi niya at nagkamot ng ulo.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ang slow lang.
"Baliw ka talaga Bhyll kahit kailan," sabi ko sabay hampas sa dibdib niya.
"Pero pogi naman." Napangiti na lang ako sa mga pinagsasabi niya.
Ganyan talaga siya, palabiro. Nothing's new.
"And now its time to take a treat. Let's all eat," sabi ng announcer.
At naghiyawan na silang lahat. pagkatapos nun ay sumugod na sila sa may gilid na may lamesa dun at madaming pagkain.
"Gutom ka?" tanong ko.
"Bakit mo naman ako tinatanong niyan. Eh always naman akong gutom." Napangiti na lang ulit ako sa sagot niya.
"Ikaw, princess? Gutom ka na ba?" tanong niya ulit sa'kin.
"Hindi naman. Sige kain ka muna babalik lang ako kay mommy." At lumangoy na ako papunta sa upuan sa harapan.
"Oh sige, kita tayo mamaya princess," sabi niya at pumunta na sa lamesa na puno ng pagkain.
Nakatingin lang ako sa mga kumakain habang nakaupo sa pagitan ni mommy at madam Elvyra.
"Mga madams." Pagkuha ng katulong ng atensyon naming tatlo.
"Yung pagkain niyo po," sabi niya at binigay yung mga plato namin.
Separated kasi ang mga pagkain namin.
"What's your birthday wish this year, dear?" Tanong naman ni mommy.
"Ang wish ko po na sana ay magmahalan na lang po tayong lahat, at maging masaya," sabi ko naman.
"Why would that your birthday wish every year?"
"Kasi po naniniwala po ako na mangyayari rin yun balang araw," hindi lang si mommy ang pinariringan ko ngayon kung hindi pati na rin si madam Elvyra ay nakikinig na rin.
***
Natapos na ang birthday party ko na masaya. Nakita ko na mahimbing na rin ang tulog ni Pearly.
Hihiga na sana ako nang may nakita akong anino na tinatakpan ang ilaw ng buwan. Tinignan ko naman kung ano yun.
I-isang barko???
Lumabas ako mula sa bintana ng kwarto ko para makita kong tuluyan ang barko.
Hindi na ako lumalabas ulit ng ganitong oras. Ngayon nalang ulit. Tataas na sana ako ng tuluyan ng may narinig akong nagsalita sa likod ko.
"Saan ka pupunta princess?" sabi ni Bhyll na hindi pa maimulat-mulat ang mata dahil sa antok.
Bakit gising pa siya? Lumingon ako sa kanya.
"Mmm wala," sagot ko lang. "Bakit gising ka pa ng ganitong oras," tanong ko naman kay Bhyll.
"May nakita kasi ako sa taas. Titignan ko lang sana kung ano yun pero ikaw naman nakita ko kaya nagtaka ako kung anong ginagawa mo sa ganitong oras."
"Wala. Titignan ko lang din sana yun," pagsisinungaling ko.
"Okay matulog ka na rin kaagad princess ha? Papanget ka riyan kung kulang ang tulog mo," sabi niya na humikab pa at bumalik na siya sa loob ng kastilyo.
Oo, taga kastilyo rin siya pero sa may hardin nga lang ang maliit nilang bahay kasi hardinero ng kastilyo ang ama niya.
Nang patuloy na ako paglangoy sa itaas para makita ko kung sino ang mga yun.
Meron pa ngang sumasabog sa itaas na iba't-ibang kulay bago ako tuluyang makalapit sa barko.
Luke? Bakit siya nandyan? Nagpaparty din yata sila sa barko.
Umiinom sila ng kulay red na hindi ko alam ang pangalan. Naghihiyawan pa sila sa loob ng barko.
Hanggang sa nagsalita na si Luke sa harapan. "Salamat sa pagpunta niyong lahat sa death anniversary ng papa ko. Alam kong hindi dapat tayo nagpaparty o nagsasaya sa gabi ng pagkawala niya pero naging mabuti rin siyang ama, kaibigan, at captain sa ating lahat. Madami rin siyang ginawang mabuti. At ipinagmamalaki ko na papa ko si captain Warren Lopez. Alam kong ipinagluluksa nating lahat ang pagkawala ng ating captain pero alam ko namang, nasaan man siya ngayon ay masaya na siya," sabi niya at nalungkot bigla ang mukha. Sandali lang at bigla rin siyang ngumiti. "Cheers," sabi niya at itinaas ang basong hawak niya.
"Cheers!" sabay-sabay naman na sabi ng mga tao sa barko sabay taas ng kanya-kanya nilang baso at pagkatapos nun ay ininom din nila ang laman ng baso nila.
Inaamin kong sa muli naming pagkikita, mas nagustuhan ko na siya dahil ang gentleman niya ng tignan.
Mali pala ako kasi hindi niya ako nakita. Ako lang nakakita sa kanya.
Aalis na sana ako ng bigla siyang tumingin sa direksyon ko at natigilan siya. Mabilis na akong sumisid sa tubig nang bigla na lang siyang nadulas at nahulog sa barko.
Narinig ko pa ang mga madaming nagulat sa pagkakahulog ni Luke.
Kaya mabilis na akong lumangoy papunta sa kanya at pinunta sa mataong dagat pag umaga pero gabi naman ngayon kaya walang tao.
Mabilis na akong umalis pagkatapos ko siyang niligtas. Medyo minulat pa nga niya ang mga mata niya pero alam ko namang gabi at hindi niya ako naaninag bilang sirena at mabilis na rin akong bumalik sa kastilyo para matulog.