Third person's POV
"Parang hindi kita napapansin dito ha?" tanong sa kanya ni Bhyll.
"Hindi kasi ako lumalabas at kung lumabas man ako dederetso agad ako sa labas ng Dark kingdom," sagot naman ni Ellaine.
"So ikaw pala ang kwinekwento sa'kin ng lolo ko na prinsesang matigas ang ulo," saad niya.
"Hindi ako prinsesa 'no?" sagot niya naman.
"Kung hindi ka prinsesa bakit ka nakatira sa palasyo?" tanong niya ulit.
"May ugnayan kasi ang mommy ko at ang reyna kaya pinatira niya kami sa palasyo." Bigla siyang nalungkot. "Pero hindi ko alam kung saan pa ako titira matapos akong ipagtabuyan ni mommy," sabi ni Ellaine.
"Baka hindi ka naman niya pinagtabuyan," komento naman ni Bhyll.
"Ano ba ang ibig sabihin para sayo ang 'I let you go'? Di ba papabayaan ka na niya? At sabi pa niya na 'its up to you to know about your true identity' ibig sabihin wala siyang sasabihin tungkol sa pagkatao ko? Ako pa mismong mag-embistiga?" wika ni Ellaine.
"Baka meron naman siyang malalim na dahilan kung bakit pinapabayaan ka na niya?" tanong naman ni Bhyll kay Ellaine.
"Kung meron man. Bakit hindi niya sabihin?" saad lang ni Ellaine.
Pero ang hindi nila alam nakikinig ng patago si Mora sa may entrance ng garden.
Pero maya-maya pa dumating din si Elvyra sa kinaroroonan ni Mora.
"Hindi ko inaasahang sasabihin mo na sa kanya ang totoo pero good thing hindi mo sinabi ang buong detalye."
Tahimik lang si Mora.
"Baka naman-" natigilan si Bhyll sa pagsasalita dahil tinapat ni Ellaine ang palad niya sa mukha ni Bhyll senyales na pinapatigil niya itong magsalita.
"Teka, hindi pa tayo close pero bakit ba ako nagkwekwento sa'yo?" nagtatakang tanong niya.
"Ayaw mo talagang mapahamak kuya mo 'no?" saad ni Elvyra sa pinagtataguan nila.
"What if I do? What would you do?" sarkastikong sagot ni Mora.
"Baka dahil gusto kong makipagkaibigan?" sabi ni Bhyll habang nakangiti pa rin kay Ellaine.
"Ano?" Nagulat na sabi ni Ellaine.
First time kasi niyang magkaroon ng kaibigan kung nagkataon.
"Hindi lang pala matigas ang ulo mo. Kundi bingi ka pa," wika niya na nagpangiti kay Ellaine.
"Ako nga pala si Bhyll," nag-alay siya ng kamay at tinanggap naman ni Ellaine yun.
"Ako si Ellaine," sagot niya.
"Ellaine. parang narinig ko na ang pangalan na yan?" wika ni Bhyll na nakahawak pa sa baba niya na parang nag-iisip ng malalim.
"Talaga? Saan naman?" Tanong niya.
"Ewan ko pero meron talaga 'yan sa alaala ko," sabi pa niya.
-----Flashback-----
1 year ago
Merong tinitignan si Steve na bolang Krystal at nakatagong nanonood naman si Bhyll. Si Steve ang lolo ni Bhyll.
Ang pinapanood naman ni Steve sa bolang Krystal ay ang panahon na palagi siyang pumupunta sa dead island at kapag bumabalik na siya sa kastilyo ay madami siyang dinadahilan.
"Si Ellaine talaga kahit kailan. Nagmana talaga siya sa ama niya," sabi ni Steve habang nakatingin pa rin sa bolang crystal.
Narinig naman iyon ni Bhyll.
-----------------------------------------
"Oo yun na nga." sabi niya ng maalala niya kung saan niya narinig 'yung pangalan ni Ellaine.
"Ano yun?" Tanong naman ni Ellaine na may pagtataka sa kanyang mukha.
"Ikaw yung pinapanood ni lolo sa bolang Krystal niya. At sabi pa niya na nagmana ka raw sa ama mo," sabi niya rito.
"Hala lagot, pano kung malaman niya?" tanong ni Elvyra na nandun pa rin sa pinagtataguan nila.
"Ha? Kilala niya ang totoo kong ama?" tanong ni Ellaine na puno pa rin ng katanungan.
Ang kwinento kasi ni Mora sa kanya ay namatay na ang ama niya nung pinanganak siya kaya hindi niya ito nakilala.
"Sino ba kasi yang lolo mo at napakamysterious niya," pagpatuloy na tanong niya.
"Siya si lolo Steve. Pero hindi ko alam kung bakit kilala niya kayo," paliwanag niya.
"'Di ba siya ang sorcerer ng Pearl kingdom?" Tanong ni Elvyra.
"Yes," sagot ni Mora.
"Kailangan natin siyang mahanap para hindi niya masabi ang tunay na ama ni Ellaine," wika ni Elvyra ng pabulong para hindi marinig nila Ellaine.
"Then what will you do to the old sorcerer? Scare him not to say anything? Oh, its so ridiculous of you," saad ni Mora na napa-irap na lang sa hangin dahil sa mga pinaggagawa ni Elvyra para lang hindi malaman ni Ellaine ang tunay niyang pagkatao.
"Wala na akong paki alam basta huwag niya lang masabi na anak siya ng hari ng Pearl kingdom," sabi naman ni Elvyra.
"What ever," wika ni Mora at umalis na sa kaninang pinagtataguan nila. Sumunod na lang din si Elvyra.
"Bhyll! Halika na!" tawag sakanya ng ama niya.
"Sige, punta na ako. Kita ulit tayo bukas," paalam ni Bhyll kay Ellaine. Nagsmile lang si Ellaine bilang sagot at tuluyan ng umalis si Bhyll.
Nanatili si Ellaine kung saan siya iniwan ni Bhyll.
"Ellaine, kanina pa kita hinahanap. Nandito ka lang pala," sabi ni Pearly na kararating lang. "Bakit ka nga pala nandito? Eh 'di ba hindi ka naman pumupunta dito?" pagpatuloy na tanong ni Pearly.
Tinignan lang niya si Pearly at tumingin na siya sa ibang gawi. Hindi nagsasalita si Ellaine dahil sa nadama niya sa kanyang naturingang ina.
"Ellaine. May problema ba?" tanong niya ulit.
Pero hindi pa rin sumasagot si Ellaine.
"Ellaine kung may problema ka, pwede mo namang sabihin sa'kin. 'Di ba best friend tayo? Kilala kita at hindi ka naman tatahimik ng ganyan kung wala kang problema," wika ni Pearly pero tumahimik lang ulit si Ellaine.
"Ellaine ano bang problema?" tanong niya ulit.
"Wala lang ito. Huwag mo na akong alalahanin," sagot naman ni Ellaine.
"Basta kung may problema ka, magsabi ka lang ha?" payo niya kay Ellaine.
"Okay" Nagsmile na si Ellaine.
'Di nagtagal ay merong dumating na katulong nila.
"Miss handa na po yung umagahan," wika niya.
"Okay" sabi naman niya sa katulong at pumasok na sa loob ng kastilyo sumunod naman si Pearly.
Naghihintay na sila Mora at Elvyra kay Ellaine.
"Sit now dear," sabi ni Mora.
At umupo naman si Ellaine na hindi tumitingin kay Mora. Napansin naman ni Mora na umiiwas na si Ellaine kaya pinabayaan niya na lang ito.
Tahimik lang silang kumakain ng magsalita si Mora. "What if this year you will have a birthday party?" Nakangiting sabi ni Mora pero tinitigan lang siya ni Ellaine at nagpatuloy na kumain.
"Maganda nga yun Ellaine para makapagcelebrate ka na ng birthday mo," singit naman ni Pearly.
Plain lang ang ekspresyon sa mukha ni Ellaine. "Tapos na ako," sabi niya at dumeretso siya sa kwarto niya.
Sumunod naman si Mora. "Are you mad, dear?" Tanong ni Mora nang tumigil siya sa may pintuan ng kwarto niya.
Hindi pa rin umimik si Ellaine na nakaupo sa gilid ng kama.
"Don't worry I will be preparing your birthday party, so you wouldn't be sad," dugtong pa niya.
At tumabi kay Ellaine. Si Ellaine naman ay nakayuko lang na nakikinig.
"Dear, I'm sorry what ever my mistake for being you mad." This time tumingin na si Ellaine kay Mora.
"Hindi naman po yun eh. Nagalit ako dahil hindi niyo sinabi sa'kin na hindi niyo ako tunay na anak. Maiintindihan ko naman sana kung sinabi niyo ng mas maaga," paliwanag ni Ellaine.
"I'm not too ready yet but later I made my mind to explain to you all," wika ni Mora.
"Not all mommy," saad ni Ellaine.
"What do you mean?" Nagtataka niyang tanong kay Ellaine.
"Hindi mo pa sinasabi sa'kin kung sino ang tunay kong mga magulang?" tanong ni Ellaine sa kanyang ina.
Medyo nabigla si Mora sa sinabi ni Ellaine.