Third person's POV
Bumalik na si Ellaine sa palasyo. At dumeretso na siya sa kwarto niya. Nakita naman niya na natutulog pa si Pearly.
Dahan-dahan siyang humiga sa kama niya. Nakangiti siya habang nakatingin sa taas.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ni Pearly na siyang nagpagulat kay Ellaine.
"Ay!!" Napaupo si Ellaine dahil sa gulat "Bakit ka ba nanggugulat?" sabi niya habang nakahawak pa sa dibdib niya.
"Eh bakit ka nga nakangiti?" tanong ulit ni Pearly sa kanya.
"Bakit masama ba?" sabi ni Ellaine. At nakatingin nanaman si Ellaine sa malayo.
"Tandang-tanda ko pa yung mga bilogan niyang mata, yung matatangos niyang ilong, at pula niyang mga labi... Hay...... Ang gwapo niya talaga." nakangiti pa rin si Ellaine habang nakatingin sa malayo.
"Sa pagkakaalam ko, wala ka pa namang nakikilalang sireno," pagtataka ni Pearly.
"Sinabi ko bang sireno?" sabi naman ni Ellaine.
Nanlaki ang mga mata ni Pearly dahil sa naging sagot ni Ellaine.
"Nakakita ka ng tao?" gulat na sabi niya.
"Hindi lang nakakita, nakausap pa," saad ni Ellaine.
Mas lalo pang lumaki ang mata ni Pearly.
"Nakita ka ng tao?" tanong ulit niya.
"Huwag kang mag-alala, mabait naman siya eh," paliwanag pa niya.
"Kahit na, hindi ka pa rin dapat nakipagkita sa mga tao! Alam mo ang mga rules Ellaine, matalino ka. Pero bakit ka nakipagkita sa tao? Pano kung ipahuli ka niya? Hindi pa rin mabuting may ugnayan tayo sa tao," paliwanag ni Pearly.
"Wow ha? Kung makapagpayo ka naman ikaw na ang nanay ko," reklamo ni Ellaine.
"Basta hindi mo na siya pwedeng makita," sabi ni Pearly.
"Paano ko naman siya makikita ulit? Eh baka nga umuwi na sila," sabi niya.
Maya-maya pa dumating na si Mora sa kwarto ni Ellaine.
Lumabas muna si Pearly para makapag-usap naman si Mora at Ellaine.
"How are you dear?" tanong ni Mora nang tumabi siya kay Ellaine.
"I'm fine mom," sabi naman ni Ellaine.
"Happy birthday for tomorrow dear," sabi niya sabay yakap kay Ellaine.
"Thanks mom," sabi ulit ni Ellaine.
At lumabas na si Mora at dumeretso sa kwarto niya.
'Its been 9 years after I stole you Ellaine and I really regretting what I have done to you. I'm really sorry, I can't say it in person but I felt really sorry' sa isip ni Mora habang tumutulo na ang kanyang mga luha nang biglang dumating si Elvyra.
Bigla naman niyang pinahid ang pisngi niya na basa dahil sa luha ng mapansin niya si Elvyra.
"Oh, birthday na ng alaga mo. Ano ang plano mo?" tanong niya rito.
"I don't know," sagot niya.
"Magpapaparty ka pa ba? Last year hindi mo nanaman pinagcelebrate ng birthday ang alaga mo kasi sabi mo may naaalala ka sa mga birthday parties," saad ni Elvyra.
"Yes. The time when you told me to stole Ellaine. You know what? That was the biggest mistake of my life that I did. And what's the reason? To get you're revenge? Getting me many years back is more than revenge but why also Ellaine? She never knew about it and you didn't told it to her. She is also a human and can feel pain? And you know what? You're just thinking about yourself and you don't care about others. If you are still don't say it to her then I guess I will do it by myself," sabi niya nang aalis na sana pero muling nagsalita si Elvyra.
"Hindi pwede. Hindi niya pwedeng malaman ang bagay na 'to. Kung mawala na siya rito, hindi ko na makukuha ang golden crown," reklamo niya.
"Here we go again. Why don't you forget about yourself just a little bit of time and think first about others."
"Gusto mong malaman kung bakit? Kasi gusto kong ako ang maging reyna ng buong karagatan," sagot niya. "At subukan mong sabihin sa kanya ang bagay na 'yan at tignan ko lang kung anong mangyayari sa pinakamamahal mong kuya," pagpatuloy na pananakot ni Elvyra.
At umalis na nga siya sa kwarto ni Mora. Naiwan naman na mag-isa si Mora na lutang at iniisip ang mga pinag-uusapan nila.
***
"Happy birthday Ellaine!" Sigaw ni Pearly sa kwarto ni Ellaine na nakahiga pa rin.
"Ano ba! Bakit ang ingay mo." at umupo siya dahil nagising siya sa sigaw ni Pearly.
Kinusot kusot niya pa ang mata niya bago tuluyang nagmulat. "Nakalimutan mo na ba Ellaine?" tanong niya.
"Alam kong birthday ko na ngayon kaya huwag mo ng ulit-ulitin," mataray niyang sabi.
"Bawal bang bumati ng happy birthday?" tanong ulit niya.
"Hindi naman," sagot ni Ellaine.
"'Yun naman pala eh... HAPPY BIRTHDAY ELLAINE!" sigaw ulit ni Pearly.
Nagtakip pa ng tenga si Ellaine dahil sa lakas ng boses ni Pearly.
"Hindi masamang bumati pero huwag mo lang ulit-ulitin," paliwanag niya.
"Ah, Okay," pag-iintindi ni Pearly.
Dumating nanaman si Mora sa kwarto ni Ellaine na tumutulo ang luha.
Umalis na rin muna si Pearly sa kwarto niya. "Bakit ka po umiiyak?" tanong ni Ellaine ng makalapit na ng tuluyan si Mora.
"It's nothing my dear. Before I forget, what's your birthday wish?" tanong ni Mora at pinahid niya na ang pisngi niya.
"Ang birthday wish ko po ay sana magmahalan na lang po tayong lahat. Yung wala pong nagtatanim ng sama ng loob. Sana masaya na lang po tayong lahat," sabi ni Ellaine.
Nagsmile lang si Mora nang muling magsalita. "Dear, you're already 10 years old and I want you to go on your own path. Stand on your own," paliwanag niya rito.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong naman ni Ellaine.
"I let you free dear," saad ni Mora.
"Let me free? Ano pong ibig niyong sabihin dun?" tanong ulit ni Ellaine.
"I let you know about your true identity," sabi ulit ni Mora.
"True identity? Ibig sabihin. Hindi niyo ako tunay na anak?" tanong ni Ellaine.
"Maybe yes, maybe no. Its up to you to know about that," muli niyang sabi bago siya lumabas ng kwarto ni Ellaine.
'Hindi ko ba totoong nanay si mommy Mora?' Sa isip ni Ellaine habang naiwan siyang mag-isa na nag-iisip ng mga sinabi ng kanyang tinuringang ina kanina.
Pumunta muna si Ellaine sa garden ng palasyo para makapagisip-isip.
Actually, first time niyang pumunta rito kasi duon lang naman siya sa kwarto niya at kung lalabas man siya, dederetso siya sa labas ng Dark kingdom.
Naalala niya kasi ang sinabi sa kanya ni Mora na kapag na-iistress daw siya o maraming iniisip, dito raw ang bagay na puntahan sa mga panahong ganun.
Naupo lang siya sa mga bench sa gitna ng garden nang may nakapansin sa kanya na lalaking tatlong taon ang tanda niya kay Ellaine.
"Hi!" Nagmula sa likod niya si Bhyll.
Mukhang hindi siya napansin ni Ellaine kaya iniwave-wave pa niya ang kamay niya malapit sa mukha ni Ellaine para mapansin siya nito pero tinignan lang siya ni Ellaine at tumingin nanaman siya sa malayo.
"May problema ka ba miss?" tanong niya kay Ellaine.
"Anong gagawin o iisipin mo kung yung kinilala mong ina ng ilang taon ay bigla na lang sasabihin sa'yo na 'I let you go'?" Nagsimula ng tumulo ang luha niya. Nakikinig lang si Bhyll sa sinasabi ni Ellaine. "Hindi ko nga alam kung ano ang ibig sabihin nun eh. Ang sama nila. Wala akong kamuwang-muwang ng ilang taon tapos bigla nila akong ipagtatabuyan? Minahal ko sila eh. Mahal ko si mommy Mora." Tuluyan ng umiyak si Ellaine.
"Tama na miss, baka sabihin nilang. Ako ang nagpaiyak sa'yo," natawa naman si Ellaine konti dahil sa sinabi ni Bhyll.