Third person's POV
After 10 years
"Ellaine!" sigaw ni Mora mula sa Dark kingdom. Nandun nanaman kasi siya sa labas ng Dark kingdom.
"Ellaine, halika na. Siguradong ako nanaman ang mapapagalitan ng mommy mo," sabi ni Pearly, ang isdang kaibigan ni Ellaine.
"Ang ganda rito 'no?" tanong ni Ellaine kay Pearly na halatang manghang mangha.
"Alam mo Ellaine, ilang beses mo na 'yang sinabi," sabi naman ni Pearly. Nandun kasi sila sa dead island.
Dito sa islang 'to ay maraming mababangis na hayop at marami ring active volcanoes na maaaring sasabog any time kaya walang nakatira sa islang ito.
"Ellaine!" sigaw nanaman ni Mora.
"Naku, halika na Ellaine." Pagkasabi pa lang ni Pearly yun ay lumangoy na kaagad si Ellaine.
"Bilis," sabi pa niya. At pagdating niya sa palasyo ay pinagbuksan naman siya ng mga guards sa main gate ng palasyo.
"Where have you've been?" alalang-alalang sabi ni Mora.
"Dun lang po," sagot naman ni Ellaine.
"Next time don't make me worry too much is that clear?" tanong ni Mora na puno ng pag-alala.
"Yes mommy," sagot lang ni Ellaine.
"Okay, go to your room now," mahinahon niyang sabi.
Pumunta na nga si Ellaine sa kwarto niya.
"Kailan pa siya matututong huwag lumabas ng Dark kingdom kung ganyan ka naman," sabi ni Elvyra, ang reyna ng Dark kingdom at ang kumupkop kay Mora.
"What do you mean?" tanong ni Mora kay Elvyra.
"Dapat maging malupit ka," sagot niya.
"I can't hurt her," sagot naman niya.
"Hindi mo naman siya sasaktan physically. Ipamukha mo lang sa kanya na dapat sumunod na siya sa batas na hindi na talaga siya pwedeng lumabas ng Dark kingdom."
Iniisip ng maigi ni Mora yun noong gabing yun.
***
"Sigurado akong hindi na talaga ako makakalabas ngayon," malungkot na sabi niya.
Maya maya pa ay may nakita si Pearly sa taas ng bintana. "Ellaine, ano yun?" Tinignan naman ni Ellaine yung sinasabi ni Pearly.
"Wow!" And to her surprise isa itong barko na papunta sa dead island para sa pageexplore nila at lumangoy na rin kaagad si Ellaine palabas ng bintana.
"Ellaine saan ka pupunta?" tanong ni Pearly na hinahabol si Ellaine sa kabilis niyang lumangoy.
"Pupunta sila sa dead island?" At saglit siyang natigilan dahil sa patutunguhan nila.
"Pero bakit? Diba hindi dapat sila pupunta dyan?" tanong ulit niya sa kaniyang sarili ng papalapit na siya sa isla.
"Ellaine, huwag kang lumapit. Baka makita ka nila!" sigaw ni Pearly na tumigil sa paglangoy pero si Ellaine patuloy pa rin hanggang sa narating na niya ang pampang.
***
"Naku, ano ang sasabihin ko pag may nangyaring masama kay Ellaine?"
Kinakabahang sabi ni Pearly ng lumangoy na siya pabalik sa palasyo.
"Nasaan si Ellaine, Pearly?" mahinahon pero nakakatakot na tanong nito. Halata namang nagulat si Pearly sa biglang pagsalubong sa kanya ni Elvyra sa pinto ng kastilyo.
"Ahh...." Hindi makapagsalita si Pearly dahil sa kabang nararamdaman.
"Asan si Ellaine!?" Napalakas na ang boses niya kaya doble na ngayon ang nararamdamang takot ni Pearly.
"Nasa dead island mahal na reyna."
Dahil sa nanginginig na ito sa takot ay sinabi na niya kung nasan si Ellaine at kung ano pa ang gawin ng reyna sa kanya.
Pumunta kaagad si Elvyra sa kwarto ni Mora.
"Tignan mo ang nangyayari!" Nagising si Mora dahil sa ingay ni Elvyra.
"What's the noise all about?"
Inis na bumangon si Mora dahil hindi pa kompleto ang tulog nito pero ginugulo na siya ni Elvyra.
"Andun nanaman yung alaga mo sa labas ng Dark kingdom." Humiga ulit si Mora dahil sa antok.
"Could you please let her what she wants? I'm just too tired of this situation." Inaantok pa rin na sabi ni Mora.
"Your tired? Hindi pwede. Hindi siya pwedeng mapahamak o mawala sa puder natin," makabuluhang saad ni Elvyra.
"But why?" napamulat na tanong ni Mora dahil sa pagtataka.
"Siya ang magiging susi natin," sagot ni Elvyra.
"What was your thinking?" tanong niya ulit parang nawala na ang antok ni Mora at napalitan ito ng pagtataka.
"Alam kong siya ang makakahanap ng golden crown at kung nahanap niya na yun. Aagawin natin yun sa kanya. Alam ko naman na susundin ako ng alaga mo. Mapapasa'kin din ang golden crown... Hahahaha," halakhak ni Elvyra.
***
Nagtatago si Ellaine sa malaking bato para tignan ang mga pababa na sa barko.
"Bakit sila andito?" tanong ni Ellaine sa kanyang sarili nang may kumuha ng atensyon niya.
Isang makisig na lalaki na kasing edad niya lang at ang pangalan niya ay Luke. Kaya dahil 'dun hindi niya namamalayang lumalayo na siya sa pinagtataguan niya. Nang mapansin siya ni Luke bigla siyang sumisid sa tubig para hindi siya makita ng tuluyan ng mga tao.
At nanatili pa rin siya sa kinalalagyan niya kanina. Nang nagsimula na silang magtayo ng mga tent para dun magpalipas ng gabi.
Nandun pa rin si Ellaine na nanonood sa mga tao nang lumabas si Luke mula sa isa nilang tent. Mas nagtago pa si Ellaine sa malaking bato nang napansin niyang papunta sa direksyon niya si Luke.
Huminto si Luke sa paglalakad at naupo sa buhangin at pinagmamasdan ang karagatan. Maya maya pa meron na ring dumating na medyo matanda sa tabi niya.
"Hindi ka pa ba inaantok anak?" tanong niya sa anak nito.
"Hindi pa po," sagot naman nito.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ulit niya.
"Wala po papa, nag-iisip lang... Pa." Pagtawag niya sa papa niya. Tumingin naman ang papa niya sa kanya.
"Pano kaya kung may kaharian sa ilalim ng dagat na hindi natin alam? kaharian yun ng mga sirena," sabi ni Luke na nakatingin pa rin sa papa niya.
"Hay naku anak.. Nakuha mo nanaman 'yan sa mga nababasa mong fantasy books ano?" natatawang saad ng papa niya.
"Paano pa kung totoo?" pagpipilit naman ni Luke.
Naririnig lahat ni Ellaine yun mula sa pinagtataguan niya.
"Ewan ko sa'yo anak pero..." at napatayo na ang papa ni Luke. "Matulog ka na agad ha?" Sandali pa ay umalis na siya pero nanatili lang si Luke sa kinauupuan niya kanina.
Inilabas naman niya ang isang libro at flashlight.
"The mermaid princess," pagbabasa niya sa title ng libro at sinara niya ito kaagad.
"Hay... Sana makakilala ako ng totoong sirena kahit isa lang," sabi niya saka pumasok na sa tent nila.
Rinig ni Ellaine lahat ng sinabi ni Luke hanggang sa dalawin na rin siya ng antok.
***
Kinaumagahan, unang nagising si Luke at lumabas ng tent nila. Naupo ulit siya sa kinauupuan niya kagabi.
Pero hindi namalayan ni Ellaine na napalalim na siya ng tulog at kahit umaga na ay hindi pa rin siya nagigising.
Pinagmasdan lang ni Luke ang dagat hanggang sa meron siyang napansin.
'Wow! Ang laking isda' sa isip ni Luke.
Nakatago kasi ang katawan ni Ellaine sa bato kaya ang buntot lang niya ang nakita ni Luke. Unti-unti siyang lumapit.
"Isang s-sirena?" takot na sabi ni Luke at dahil dun nagising si Ellaine.
"Ano ba yung maingay?"
Kinusot kusot muna ni Ellaine ang mata niya para maalimpungatan. Pero bigla siyang nagulat ng matauhan siya sa kinaroroonan niya.
"Totoong sirena?"
Unti-unting tinignan ni Ellaine ang pinanggalingan ng boses. At laking gulat niya nang nakita siya ni Luke.
Nagpulot pa ng bato si Luke para ibato kay Ellaine para mapatunayan na totoo nga ang nakikita niya. Pero hindi naman sobrang lakas ang pagkakabato ni Luke.
"Ouch.. Ano ba," pagrereklamo ni Ellaine.
"Nakakapagsalita ka pa." Masaya ngayon si Luke dahil nakakita na siya ng totoong sirena pero takot pa rin siya dahil mga naririnig niyang masasama tungkol sa sirena.
"'Di ba sabi mo, gusto mong makakita ng totoong sirena?" tanong ni Ellaine.
"Narinig mo ako kagabi?" nagtatakang tanong niya. Nagsmile lang si Ellaine bilang sagot.
"Teka. Wala ka bang balak kainin ako?" Bakas pa rin sa boses ang takot na sabi ni Luke.
"Bakit naman kita kakainin? Halos parehas lang kaya ang pagkain ng tao at sirena," pagpapahayag ni Ellaine kaya dahil dun lumapit na ng tuluyan si Luke kay Ellaine.
"Ako nga pala si Luke," pagpapakilala nito at nag-abot ng kamay.
Tinanggap naman yun ni Ellaine.
"Ako si Ellaine," pagpapakilala naman niya. Nagngitian lang sila hanggang sa nagising na rin ang papa ni Luke at naka luto na rin siya.
"Luke! Halika na.. Kain na tayo!" pagtawag niya rito. At nang lumingon si Luke sa direksyon ng papa niya ay mabilis naman na lumangoy si Ellaine palayo.
"Opo pa!" sagot naman niya. Nang tumingin na ulit si Luke sa kinaroroonan ni Ellaine kanina ay wala na siya kaya nagtaka siya kung bakit bigla na lang nawala si Ellaine. Nang lumapit na ng tuluyan ang papa niya.
"Ellaine!!" pagtawag niya.
"Halika na anak. Sino ba 'yung sinasabi mo?" Nanonood lang si Ellaine sa malayo.
"Pa, meron po akong nakausap na sirena," paliwanag niya sa kanyang ama pero hindi naman niya yata paniniwalaan ang sinabi ng anak kasi nga isa lang itong fairy tale.
"Hay naku anak. Gutom lang 'yan." Iniwan niya na si Luke sa may tabing dagat na abala pa rin sa paghahanap. Kumakalat pa rin ang paningin ni Luke para hanapin si Ellaine.
Pero hindi na niya ito mahanapan kaya naman nagdisisyon na lang siya na bumalik na sa camp at kumain na lang at baka tama nga ang papa niya na gutom lang siya kaya siya nakakakita ng ganun.