Chapter 4

1294 Words
Third person's POV -----Flashback----- Sundalo ng hari ang asawa ng reyna ng Dark kingdom. Ngunit isang tahimik na gabi... Gumawa siya ng pinakamalaking kasalanan sa buhay niya. Pumasok siya sa f*******n room ng kastilyo nila at andun ang most magical sword ng hari. Balak niya itong nakawin pero nang hawakan na niya ito, umilaw ito ng nakakasilaw at ang hindi alam ng sundalo ay kung sino man ang humawak ng espadang yun ay mamamatay kaagad maliban sa hari. At sakto namang dumating ang hari kaya ang akala ng lahat ay ang hari ang pumatay sa sundalo. At ang asawa niya naman ay sobrang nangulila noong namatay ang asawa niya kaya nag-ipon siya ng lakas para makapaghiganti at bumuo siya ng sarili niyang kaharian kung saan masamang mahika lang ang meron. *** "Pumatay ka ng sarili mong alagad!" nanggigigil pa rin sa galit na sabi ng Dark queen "Hindi totoo 'yan," pagpipilit pa rin ng hari. "Kaya sa amin na itong little princess niyo. Huwag kayong mag-alala kasi aalagaan namin siya. Palalakihin namin siya na kagaya namin." "Ang anak ko," pabulong na sabi ng reyna sa sarili. "Hindi!!" sigaw naman ng hari. "At bye-bye na nga pala sa inyo," nakangising sabi ng Dark queen at pinasabugan na nila ang reyna at hari. "Mahal na prinsipe may balita po kami sa inyo," sabi ng alagad sa loob ng palasyo. "Ano yun?" tanong naman ng prinsipe. "Ang mahal na prinsesa po ay tinangay ng mga taga Dark kingdom pero ang reyna at hari po... Ikinalulungkot kong pinasabugan po silang magkasama," nakayuko na binalita ng alagad nila. "Ano?" nanghina si Edo sa narinig at napaupo siya sa sahig. At kinomfort naman siya ni Lena sa pamamagitan ng pagyayakap dito. "Kasalanan ko ito. Kung sana hindi ako umalis, eh 'di sana mapipigilan ko pa sila," sabi ni Edo sa kanyang sarili habang yakap-yakap pa rin ng dalaga. Pinagsisihan talaga ni Edo ang mga nangyayari ngayon pero ano nga bang magagawa niya? He can't bring back the past. "Huwag mong sisihin ang sarili mo Edo. Hindi mo naman ginustong mangyari ito," paliwanag ni Lena. Tuloy-tuloy na ang pagtulo ng luha ni Edo dahil sa mga nangyari. "Tama na Edo, andito pa naman kami," sabi ni Lena na yakap-yakap pa rin si Edo. "Salamat na lang talaga at meron ka rito Lena," sabi niya with eye contact with Lena at hanggang sa tumanggal naman si Edo ng yakap. "Lena," pagtawag niya sa pangalan nito. "Ano yun?" tanong naman ng dalaga. "Pwede mo ba akong pakasalan?" At first she was shock but eventually nagsmile na rin siya dahil sa sinabi niya Edo. "Mahal ko ang Edo na nagligtas sa'kin noong bata pa tayo, mahal ko ang Edo na naging malapit sa'kin sa lupa at.... Mahal ko ang Edo na sireno at prinsipe sa karagatan." Pagkatapos sabihin ni Lena yun biglang yinakap siya ni Edo. *** "I now pronounced you king and queen of pearl kingdom." "HORRAY!!!" "MABUHAY ANG BAGONG HARI AT REYNA!" "MABUHAY!" Sunod sunod na sabi ng mga dumalo sa seremonya. "And you may now kiss your bride, king Edo." Hinalikan naman ni Edo si Lena. "MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" sigaw ng mga sirena at sireno. *** Nabuhay ng masaya ang mag-asawa hanggang sa dumating si Ellaine sa buhay nila. Si Ellaine ang lalong nagpasigla sa mag-asawa hanggang sa ikauna niya ng kaarawan. Naging abala sila sa birthday party ni Ellaine. Inimbita ni Edo lahat ng taga Pearl kingdom hanggang sa dumating na nga ang araw na pinakahihintay nila. Lahat ng mga may regalo nagpila na para maibigay ang regalo nila kay Ellaine. "At ngayon ang mga tatlong mermaid fairy naman ang magbibigay ng kanilang regalo sa mahal na prinsesa," sabi ng announcer. Pumunta na nga ang mga mermaid fairy kay Ellaine na nakahiga sa royal crib. "Ang gift ko sa'yo ay kagandahan." Ikinumpas ng pink mermaid fairy ang magic wand niya at umikot kay Ellaine na parang flower. Pero hindi nagtagal ay naglaho rin ang mga ito. "Ang gift ko naman sayo ay kabaitan." Ikinumpas din ng blue mermaid fairy ang magic wand niya at kagaya rin ng pink mermaid fairy ang nangyari. "Ako naman ang gift ko sa mahal na prinsesa ay katalinuhan." Ikinumpas din ng green mermaid fairy ang wand niya at kagaya rin ng pink at blue mermaid fairy ang nangyari na merong pumaikot sa kanya na bulaklak base sa kulay at 'di nagtagal ay maglalaho rin. "Ang cute niya," sabi ng pink mermaid fairy habang pinagmamasdan si Ellaine. Maya-maya pa merong umusok na red sa gitna pero hindi lang ito ordinaryong usok dahil lumitaw mula rito si Liezah. Nagdadalaga pa lang siya pero ang matured na ng itsura. Its already 5 years na kasi ang nakalipas simula noong labanan na nangyari. "Remember me brother?" nakakakilabot na sabi niya. "Liezah?" 'di makapaniwalang sabi ni Edo. "Oh, who's Liezah?" tanong naman ni Liezah na parang nang-aasar. "Nakalimutan mo na ba sarili mo?" tanong ni Edo na hindi maipagkakaila ang pagkamiss sa kapatid pero kahit na gusto niya itong yakapin ay hindi pwede kasi napalibutan na ito ng dark magic at kung gagawin niya yun ay baka kung anong gawin niya sa kanya. "Me? Of course not. And, I forgot to introduced myself. I'm Mora and it means I'm forgotten by the people I love the most," sabi ni Liezah/Mora. "Hindi ka namin kinalimutan Liezah, you're always been my little sister," sabi niya nang patayo na siya sa king's chair. "I don't believe it. Kung talagang hindi mo ako kinalimutan, bakit hindi mo ako sinubukang hanapin?" tanong pa rin ni Liezah. Na halata sa mga mata niya ang pananabik sa kuya nito. "Hindi ko sinubukan kasi akala ko wala ng pag-asa, akala ko nga wala ka na," sabi ni Edo. "Oh well." Lumapit siya sa kinaroroonan ni Ellaine. Hinarangan man ng mga mermaid fairies pero itinulak lang niya ang mga ito. "Hindi!" sabay sabay na sabi ng mga mermaid fairies. Napahawak na lang si Lena sa bibig niya. "I forgot, I have a wish pala sa precious baby niyo." Sabay tingin kila Edo na nakaupo sa king's chair. "Liezah, don't do any foolish," pagbabanta ni Edo sa kanya "I TOLD YOU, I'M NOT LIEZAH and don't call me that name again!!" Napalakas na ang boses niya this time. Nang ibinalik na niya ang tingin kay Ellaine. "My wish for you is that...." Nagform siya ng bola gamit ang dark magic sa kamay niya "you will be friendly to the other mermaids," at ipinicture niya na malaki na si Ellaine at nakikipaglaro siya sa ibang sirena sa kanyang ginawang bola. "And you will have many suitors in your teenage years." At ipinicture din niya sa bola ang kabataan ni Ellaine na maraming manliligaw. "And you will be the most intelligent and smart Pearl princess in the history." At ipinicture nanaman niya si Ellaine na ganap ng dalaga na nasa library sa kastilyo nila na nagbabasa ng libro. "But....." Binasag niya ang bolang ginawa ang kamay niya. "Every thing was just a wish. Lahat ng sinabi ko kabaliktaran ang mangyayari," nananakot ang tono ng pananalita ni Mora. Nakikinig lang ang mag-asawa sa kanya. "She will receive the gifts of mermaid fairies but it will be hidden under the dark magic." Binuhat niya si Ellaine. "Put her down." Tumayo na si Edo sa pagkakaupo niya kanina. "Don't do anything Liezah," pagbibilin ulit ni Edo. "I told you, Liezah is gone. And don't expect that I will be back for the dark magic changed me. I'm so hopeless in the cold room. Every night I prayed that you would find me but that was a big wrong. You would never want to find me," sabi niya na naaalala ang lahat after 5 years. "You're wrong Liezah. If I know you're still alive, I would never waste any time just to find you," pagpipilit ni Edo. "I don't believe it. I'm very sorry my brother." Sa huling salita ni Mora ay mababakas mo na parang labag sa kalooban niya ang kanyang ginawa pero kinalaunan ay naglaho na rin siya kasama ni Ellaine. "Hindi!!" Hinabol pa ni Edo sila Ellaine pero usok na lang ang naabutan niya. Naiyak na lang ng tahimik si Lena dahil sa nangyari. Nasaksihan ng lahat ang nangyari they were all shock.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD