Chapter 3

1622 Words
Third person's POV "Daddy, where is kuya?" tanong ni Liezah mula sa karagatan. "Dinala siya sa lugar ng kapalarang gusto niyang tahakin," paliwanag ng hari. Alam ng hari ang ginagawa ng prinsipe pero hinayaan na lang niya ito. Alam naman niyang haharapin din ng binatang sireno ang kaparusahan sa ginawa niya. "Where is that daddy?" tanong ulit ng batang prinsesa na nakakamiss ng sobra sa kuya niya. "Sa mundo ng mga tao anak," sagot ng reyna. "I miss him so much." Niyakap naman siya ng hari at reyna dahil hindi man nila aminin ay namimiss na rin nila ang anak nilang lalaki kahit na pasaway pa ito. "Sana nga maging ligtas siya sa gusto niyang landas," sabi ulit ng reyna na hindi maipagkakaila ang pag-aalala sa boses nito. Maya-maya pa ay merong dumating na alagad nila. "Pasensya na po sa istorbo mga kamahalan pero inaatake na po tayo ng taga Dark kingdom," sabi pa nito. "Ano?" hindi makapaniwalang sabi ng reyna na nakalagay pa ang dalawa niyang kamay sa bibig niya. "Ilagay mo si Liezah sa ligtas at... Tawagin mo na rin si Edo. Dapat niya 'tong malaman," paliwanag ng hari na sinunod naman ng alagad niya. *** Nang pagsapit ng dilim, lumabas muna si Edo at nahiga sa buhangin. 'Kumusta na kaya sila? Ano na kayang nangyayari sa Pearl kingdom?' tanong ni Edo sa kanyang isip. Sandali pa ay dumating na si Lena at nahiga sa tabi niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa kanya. "Pinagmamasdan lang ang kalangitan," sagot niya na may halong kalungkutan ang boses nito. Hindi man niya amining namimiss na rin niya ang Pearl kingdom at labis siyang nag-aalala rito. "Full moon pala ngayon," biglang nalungkot na saad ng dalaga. "Bakit bigla kang nalungkot?" tanong naman ng prinsipe. Nahalata kasi niya ang biglaang paglungkot ng mukha ng dalaga. "Tanda ko pa noong gabing niligtas ako ng sinasabi kong sireno. Full moon din kasi noon. Hay, asan na kaya siya ngayon?" 'Nandito na ako sa tabi mo Lena.' Sa isip ni Edo pero hindi pa naman niya pwedeng sabihin yun dahil hindi pa niya ramdam na ito na ang tamang panahon para sabihin kay Lena ang bagay na 'yun. Natahimik sila saglit hanggang sa nagsalita na uli si Lena. "Pwede bang magtanong?" Bigla naman siyang umupo mula sa pagkakahiga niya sa tabi ni Edo. "Ano yun?" Umupo na rin si Edo. "Naranasan mo na bang magmahal?" Halatang nabigla si Edo sa naging tanong ni Lena. Hindi man alam ni Edo kung bakit biglaan niya yun natanong ngunit sinagot na lang niya ito. "Oo," maikling sagot ng binata. "Sino siya? Ano ang katangian niya? Maganda ba siya? Mabait? Masipag? Ma-" Bago pa mabanggit ni Lena lahat ng positive traits, biglang hinalikan ni Edo si Lena sa kanyang mga labi. Hindi malaman ni Edo kung bakit niya yun nagawa. Dahil siguro sa reaksyon ni Lena nang mga panahon na yun. Natataranta kasi siya na parang nagseselos. Halatang nagulat naman si Lena ng lumayo na ang kanilang mga labi. "B-bakit..." "Mm... Sorry, hindi ko sinasadya," paghingi ng paumanhin ni Edo sa kanyang ginawa. Pero hindi pa rin nakaimik si Lena na para bang in a state of shock pa siya. Hindi alam ni Edo kung ano ang irereact, nadala lang din kasi siya sa nararamdaman niya. Napayuko na lang siya sa hiya dahil sa nagawa. Pero maya-maya pa, lumitaw sa harapan ng dalawa ang alagad ng hari na siyang nagpabigla kay Lena. "Isang s-sireno?" Napaatras konti ang dalaga sa kanyang pagkakaupo dahil sa kanyang nakita. "Huwag kang matakot Lena," sabi naman ni Edo at bumaling sa alagad nang magsalita ulit ito. "Mahal na prinsipe, umatake po ang mga taga Dark kingdom sa kaharian," sabi niya. "Ha?!" nagulat si Edo sa narinig. Ngayon na lang kasi ulit inatake ang Pearl kingdom. "Nagdala po ako ng potion para makabalik na kayo sa dagat," sabi niya sa prinsipe. Bumaling naman si Edo kay Lena at halata pa rin ang pagkagulat at takot sa kanyang mukha. "Ito po mahal na prinsipe." Binigay na ng alagad ang potion. "Prinsipe? N-ng karagatan?" Naguguluhan na tanong ng dalaga. Hindi alam ni Lena kung anong mararamdaman niya ng mga panahon na iyon. Natatakot siya, pero bakit? Hindi naman siya naniniwala na masama ang mga sirena at sireno. "Lena, huwag kang matakot," sabi ni Edo at nilabas niya ang bracelet mula sa bulsa niya at pinakita kay Lena. "Saan mo nakuha yan?" nagtatakang tanong ng dalaga na kinuha ang bracelet mula sa kamay ni Edo. At tinitigan niya ito. Isa lang ang dahilan ng nasa isip niya ngayon. It's either siya ang sireno na nagbigayan niya ng bracelet o kaya naman hindi pinahalagahan at inalagaan ng sireno ang bracelet kaya yun napunta sa kanya. "Ako ang nagligtas sayo noon, Lena," paliwanag nito "I-ikaw?" 'di makapaniwalang tanong niya kay Edo. Napangiti ng lihim si Lena. Kasabay nun ang pagtulo ng luha niya. She knew it, kaya pala ganun na lang kagaan ang feeling niya kapag kasama niya si Edo kasi siya ang matagal ng gustong makita ng dalaga. And after a long wait she met him again. "Oo, kaya... Tatanungin kita kung gusto mo bang sumama sa'kin?" tanong ulit ng prinsipe sa dalaga. "Sasama? Saan?" tanong ng dalaga sa sirenong prinsipe. "Sa karagatan," maikling sagot ni Edo. "Ano?! Pano naman ako sasama. Eh hindi naman ako serena," pagdadahilan niya rito. "Akin muna 'yang bracelet." Binigay naman ni Lena ang bracelet sa binata at binuhusan niya ito ng konting potion. "Hanggang nakasuot sa'yo ito, magiging sirena ka." Binalik na ng prinsipe kay Lena ang bracelet. "Ano sasama ka ba?" tanong ulit ng binata sa dalaga. "Pero..." Tinignan ni Lena ang direksyon ng bahay nila. "Nabanggit na ni lolo na hindi na raw siya magtatagal sa mundo. At kung wala na siya sino makakasama mo?" tanong ni Edo kaya biglang lumingon sa kanya si Lena. "Oo, sasama ako sa'yo," desididong sabi ng dalaga at kasabay naman nun ay ang pag-inom ni Edo ang potion at naging sireno na ito. Isinuot na rin ni Lena ang bracelet at umilaw ng nakakasilaw ang binti niya. "Anong nangyayari sa binti ko!" sigaw niya. Pagkatapos umilaw ang binti nito ay naging buntot na ang binti niya. "Halika na." Nag-alay ng kamay si Edo para makapunta na sila sa ilalim ng dagat. "Sigurado ka bang safe dyan? Walang pating?" natatakot na sabi niya. "Wala. Sa Dark kingdom lang sila nakatira," sagot naman ng prinsipe. "Saan yun," tanong ulit niya. "Sa kabilang parte ng dagat kung saan dark magic lang ang nag-eexis. At walang puwang ang pagmamahal sa kaharian nila," paliwanag ng binata. And Lena nodded as she understood what Edo said. Pumunta na sila sa ilalim ng dagat. Nag-ipon pa si Lena ng hangin sa bibig niya para hindi siya maubusan ng oxygen but she forgot that she's now a mermaid at ang mga sirena ay nakakahinga sa ilalim ng tubig. Nang unti-unti ng nawala ang hangin sa bibig niya ay nagsimula na siyang magpanic. "Hindi ako makahinga. Teka, nakakapagsalita ako sa tubig? At nakakahinga rin ako," tuwang tuwa na sabi ni Lena. Napapangiti na lang si Edo sa inasal ng dalaga. "Malayo ba pupuntahan natin?" tanong ni Lena. "Oo kaya nga dapat gumamit na tayo ng portal." Ikinumpas na ni Edo ang kamay nito pabilog at merong naform na parang salamin. "P-papasok tayo dyan?" Gulat na tanong ni Lena. "Oo," sagot naman ni Edo. "Mahal na prinsipe, kailangan na po nating bilisan. Baka kung ano na ang nangyari sa Pearl kingdom," sabi ng alagad. Pumasok na silang tatlo sa portal at maya-maya pa ay nakarating na sila sa loob ng kastilyo na rinig mula sa labas ang labanan ng mga sundalo nila at taga Dark kingdom. "Anak. Kanina ka pa namin hinihintay," sabi ng hari. "Sorry daddy." Tumingin ang hari kay Lena. Nakapikit pa rin si Lena dahil sa kanina. "Nakakahilo dun sa pinasukan natin," sabi niya na nakahawak sa ulo niya dahil sa hilo niya. "Daddy, siya po si Lena," pagpapakilala ni Edo kay Lena "Hello po." Nagwave lang ng kamay ang dalaga pero hindi ito pinansin ng hari. Ang nasa isip niya kasi ay si Lena ang dahilan kung bakit sila napeperwisyo ngayon. Kung hindi dahil sa kanya, hindi pupunta si Edo sa mundo ng mga tao. *** "Yaya. Why can't I go out?" tanong ni Liezah sa yaya niya nang nasa kwarto na sila. Nag-uusap lang sila sa may bintana. "Kasi merong labanan na nagaganap sa labas. Kaya hanggang andito tayo sa loob ng magical shield na ginawa nila para protektahan ang kaharian ay magiging ligtas tayo," sagot naman ng yaya niya. Pero nang nag-uusap pa sila ni Liezah ay biglang nasagi ng yaya ni Liezah ang teddy bear niya sa bintana kaya nahulog ito. "Teddy...." kaya dahil dun, sinundan niya ang teddy bear palabas ng shield ng palasyo. Ang magical shield kasi ng palasyo ay para siyang bubbles na pwede kang makalagpas but the black magic can't pass through kaya as long as nasa loob ka ay ligtas ka sa mahika ng kalaban. "Prinsesa..." sigaw ng yaya. "Mahal na hari. Si prinsesa Liezah po nasa labas ng shield ng palasyo." "Ano?" Agad-agad namang tumayo ang hari sa pagkakaupo niya at pupuntahan na sana si Liezah ng pigilan siya ng reyna. "Sasama ako sa'yo," pagpipigil niya sa hari. "Pero delikado sa labas," paliwanag naman ng hari. "Please.. Gusto ko lang makita kahit saglit lang si Liezah. Alam ko naman na kung lumabas ka sa palasyo ay wala ka ng pag-asa," sabi naman ng reyna. "Huwag kang magsalita ng ganyan Martha. Maliligtas natin si Liezah." "Sasama ako. Please," pagmamakaawa niya. "Oh sige. Halika na." Nang lumabas na sila, nakita nilang kukunin ni Liezah ang teddy bear na nahulog. "Teddy!" Tuwang tuwa siya ng naabot niya na ang kanyang teddy bear. Pero hindi nagtagal at may tumama sa kanya na kulay pulang bilog at pinabalutan siya nito. At papunta siya sa direksyon ng Dark queen na parang nahypnotize si Liezah. "Gustong-gusto kong kumuha ng special sa'yo 'mahal na hari'," sabi ng reyna nila. Diniinan niya pa ang salitang 'mahal na hari' na parang nangingigil na galit. "Huwag please. Ibalik mo na ang anak ko," pagmamakaawa ng hari. "Naalala mo pa, nung pinatay mo ang asawa ko?" sabi ng Dark queen remembering what happened long ago. "Hindi ko sinasadya. Aksidente lang ang nangyari," sagot naman ng hari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD