Chapter 2

2154 Words
Third person's POV Nang gumabi na ay pumunta muna si Edo sa tabing dagat para pagmasdan ang kagandahan ng dagat tuwing gabi. "Hindi ka ba komportable sa kwarto mo?" Bigla namang tumabi si Lena kay Edo na nakaupo sa buhangin. "Komportable naman ako," sabi niya habang nakatingin pa rin kay Lena na nakangiti pa sa kanya. "Kung ganun, bakit ka nandito?" tanong niya ulit sa binata. Napalingon saglit si Edo sa dagat bago niya ulit ibinaling ang tingin kay Lena. "Gusto ko lang magpahangin. Ikaw, bakit ka nandito sa ganitong oras?" nag-aalalang tanong niya sa dalaga na katabi lang niya. "Nabanggit na yata ni lolo sa'yo na ako ang tagapangalaga ng Blue sea kaya kahit ganitong oras, nandito pa rin ako," sabi niya rito na sumulyap din sa dagat bago ulit ibinalik kay Edo ang tingin. "Ganun pala." Kahit nagkaka-usap na sila ay hindi pa rin maipagkakaila na may bumabalot pa rin sa kanilang ilangan. "Mmm. Hindi mo pa nasasabi ang pangalan mo." Nang biglang naalala ni Lena na hindi pa niya nalalaman ang pangalan ng binatang kausap. "Ah. Ako si Edo." Pagpapakilala ng binata sa kanyang sarili. "Ah okay." Pinagmamasdan lang ni Edo ang dalaga habang nakatingin naman si Lena sa dagat na nakangiti. "Ang ganda ng dagat kapag gabi 'no?" Nakatitig pa rin si Edo kay Lena habang pinagmamasdan pa rin ng dalaga ang dagat. "Kasing ganda mo." Kaagad namang napatingin sa kanya si Lena dahil sa kanyang sinabi. "Ano?" Nahiya naman si Edo sa kanyang sinabi. Parang kasing hindi niya nakontrol ang sarili niyang masambit yun. At nahihiyang tumingin siya sa dagat habang nagkakamot sa likod ng ulo niya. Senyales ng mga lalaki kung nahihiya sila sa harapan ng isang babae. "Oo nga. Ang ganda nga ng dagat." Pagbabaling ni Edo ng usupan nila. At hindi na inungkat pa ang sinabi ni Edo kanina. Bigla naman silang natahimik dalawa. Nakakailang ang katahimikan hanggang sa nagsalita na ulit si Edo. "Nabanggit ng lolo mo na ayaw mong magpaligaw." Panira niya ng katahimikan. Wala na kasi siyang maisip na topic nila so he decided to open that subject. "Oo, kasi wala akong panahon para makipagboyfriend. Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo." Pag-iiba ni Lena ng usapan Hindi malaman ng dalaga ang nararamdaman kung bakit meron siyang urge na malaman ang tungkol sa buhay ni Edo. Kung saan siya nanggaling, kung bakit niya siya natagpuan sa gilid ng dagat nung araw na iyon, kung pano niya napapatibok ng kakaiba ang puso niya pagkasama niya siya. Gusto niyang itanong kung bakit siya sobrang curios kay Edo. Pero hindi naman niya kayang itanong ang mga bagay na iyon ngayon. "Wala akong maikwekwento tungkol sa buhay ko," sagot lang niya. Ayaw naman niyang mabuko at masabing isa siyang sireno kaya nagdahilan na lang siya na walang maikwekwento sa buhay niya. "Bakit naman?" tanong naman ng dalaga sa kasama. Curios talaga siya sa kung saan nanggaling si Edo. "Kasi magulo at hindi mo maintindihan." Ang tinutukoy niya ay yung pagiging sireno niya. Nasisigurado naman ni Edo na kapag sinabi niyang sireno siya ay hindi iyon paniniwalaan ni Lena kasi nga isang kwentong bata lang ang mga tungkol sa sirena at sireno. "Sige na, kahit konti lang," pangungulit ni Lena out of her curiosity. "Naniniwala ka ba sa mga sirena?" Alam naman kasi ni Edo na hindi siya maniniwala sa mga fairy tales na pinapakinggan lamang ng mga bata. Napalaki ang mata ni Lena sa narinig. At first nagulat pa siya pero bigla rin siyang nakabawi mula sa pagkagulat niya nang naalala niya nung bata pa siya. "Baka maniwala ako. Kasi merong sireno na nagligtas sa'kin sa kapahamakan noon." Si Edo naman ngayon ang napalaki ng mata sa narinig mula kay Lena. "Ano namang kapahamakan 'yun?" "Noong bata pa ako, lilipat sana kami ng tirahan sa kabilang isla pero nahulog ako sa barkong sinasakyan namin. At sinagip ako ng sireno na kasing edad ko lang noon," she explains when Edo realized something. 'Siya pala yung niligtas ko noon' Sa isip ng binata. Edo didn't know what to feel that time. After how many years nakaharap na niya ito muli. Ang babaeng niligtas niya mula sa tiyak na kamatayan. "At dinala niya ako rito. Nakausap ko pa nga siya, at binigay ko ang bracelet ko sa kanya. Simbolo na nakilala ko siya at nakilala niya ako." Kita mo sa mga ngiti sa labi ni Lena na namimiss niya na ang sirenong nagligtas sa kanya noon na hindi niya alam ay nasa tabi niya na pala. Napaisip naman si Edo tungkol Sa bracelet. He kept it and cared so much for it and he said to himself that he will find her and he will return the bracelet to her. Hindi naman niya alam na ang matagal na pala niyang sinusubaybayan ay yun pala ang niligtas niya noon. "Hindi mo ba naisip na gusto mong makita o makilala yung sirenong nagligtas sa'yo?" tanong naman niya sa dalaga dahilan para paningkitan niya ito ng mata. He expecting to hear yes from Lena. Para kung oo ang sagot niya ay willing niyang sabihin ang totoo niyang pagkatao para malaman niyang siya ang nagligtas sa dalaga. "Malabong mangyari yun." Nanghinayang si Edo sa naging sagot ng dalaga. Sabay pa silang napatingin sa dagat na nasa harapan nila. Napayakap pa si Lena sa magkabilang braso niya nang makaramdam siya ng konting lamig dahil sa malamig na hangin na dala ng dagat. Sa ilang taon na nanatili si Lena sa tabing dagat, ngayon lang niya naramdaman ang ganitong lamig na nanggaling sa hangin ng dagat. Hindi rin niya alam kung bakit. Baka siguro sa naghalong excitement at kaba dahil pinag-uusapan nila ang lalaking matagal na niyang gustong makita. "Hindi malabo kung gugustuhin mo." Nagkatinginan sila dahil sa sinabi ng binata. Hindi alam ni Lena kung bakit siya naeexcite eh hindi naman niya ineexpect na makita niya ulit ang sireno na nagligtas sa kanya noon. "Hiniling ko rin na sana magkita kami ulit." Halatang umaasa si Lena base sa boses nito. Sandali pa ay natahimik nanaman sila saglit. Nang kalaunan ay tumayo na si Lena dahil naramdaman na niya na masyado ng malalim ang gabi. "Halika na. Lumalalim na ang gabi." And she offers her hand para makatayo si Edo at tinanggap naman yun ng binata. At pumunta na nga sila sa kanilang bahay. Unang hinatid ni Lena si Edo sa kwarto niya. "Good night," sabi ni Lena. Nagsmile lang si Edo bago sumagot. "Good night din." Nakangiti niyang isinara ang pinto ng kuwarto niya. Napakasaya ngayon ni Edo dahil sa mga nangyayari. He never expected this to happen in his life. *** Nagising si Edo sa sikat ng araw. Umupo siya sa gilid ng higaan niya at nilabas ang lucky charm niya. Yun yung bracelet na binigay ni Lena. Maya-maya pa binuksan na ni Lena ang pinto ng kwarto ni Edo "Halika na. Mag-agahan ka na sa bahay." Nabigla naman si Edo sa biglang pagsulpot ni Lena sa kwarto niya kaya bigla niya itong itinago sa likuran niya. "Oo susunod ako," sagot naman nito. Itinago na niya ng tuluyan ang bracelet sa kanyang bulsa at sumunod din kay Lena agad. Pagdating niya sa dinning room ay nandun na si lolo Kardo at ang dalaga na naghihintay sa kanya. "Dito ka." Itinuro ni Lena ang katabing upuan at umupo naman dun si Edo. "Tikman mo 'to, masarap," sabi ni Lena at sinubuan niya si Edo. Sinubo naman ni Edo ang ulam na sinusubo sa kanya ni Lena. "Masarap nga," sagot ng binata. Hindi pa kumakain si lolo Kardo habang nakangiting nanonood lang sa dalawang nasa harapan niya. Lolo Kardo was happy to see them happy. "Masarap ka nga magluto," sabi ni Edo kay Lena na nag-eenjoy sa luto ng dalaga. "Naku hindi naman. Sinunod ko lang ang recipe ni mommy," sagot ni Lena. Ang mommy kasi ni Lena ay isang sikat na chef pero dahil meron itong pinapatakbo na business ay hindi niya na naiprapriority ang pagiging chef dahil medyo malaki din ang business na hawak niya. At inaaply na lang niya sa bahay nila noon. Ang naihiwalay na ina niya sa barko. Napansin naman ni Edo na biglang nalungkot ang mukha ni Lena. "B-bakit? May nasabi ba ako?" Nag-aalala na si Edo sa biglang paglungkot ni Lena. "Ah, naalala mo yung sinabi ko sa'yo kagabi na nahulog ako sa barko nung bata pa ako." "Oo," sagot naman ni Edo. "Hindi na kasi ako nakabalik kina mommy." Mababakas mo talaga ang kalungkutan sa mukha ni Lena nang mamention nila ang topic na iyon. "Okay lang 'yan. Meron pa naman si lolo Kardo eh, meron pa ako." Gumuhit naman bigla ang ngiti sa labi niya dahil sa sinabi ni Edo. "Salamat." "Para saan?" "Sa pagche-cheer mo sa'kin," sabi ni Lena. "Walang ano man." 'Sana ang lalakeng ito na ang magpapasaya kay Lena habang buhay' sabi ni lolo Kardo sa kanyang isipan. Nang nabaling naman ang pansin ni Lena kay lolo Kardo. "Lolo, bakit hindi pa kayo kumakain? Tignan mo si Edo. Sarap na sarap sa luto ko. Tikman mo rin lo." Tinikman nga ni lolo ang sopas na linuto ni Lena. "Aba masarap nga," komento ni lolo Kardo. Pagkatapos nilang kumain ay naghugas na si Lena ng pinagkainan nila habang si Edo at lolo Kardo naman ay naiwan sa dinning area. "Pwede ba kitang makausap iho?" tanong ng matanda. "Pwede naman po. Tungkol saan naman po yun?" tanong ni Edo sa matanda. "Tungkol kay Lena," sagot ng matanda. "Ano po ang kay Lena?" Mapapansin mo na parang automatic na napapangiti na lang si Edo kapag naririnig niya ang pangalan ni Lena. "Ayoko sanang maging matandang dalaga si Lena kaya ngayong maaga pa. Ipapaubaya ko na siya sa'yo," sagot ni lolo Kardo. Nagulat naman si Edo sa sinabi ng matanda. Ipapaubaya na niya ito agad? "Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhang tanong ng binata na halatang hindi niya naintindihan ang sinabi ng matanda. "Alam kong hindi na rin ako tatagal dito sa mundo. Kaya habang maaga pa. Gusto kong ipaalam sa'yo na gusto kita para kay Lena. Ikaw lang ang lalaking nagpalabas ng mga ganung ngiti niya. Si Lena kasi yung tipo ng tao na ngingitian ka niya pero hindi galing sa puso, ngingiti lang siya para malaman mong masaya siya. Pero hindi ko pa siya nakikitang ganun kasaya pag kasama ka niya. Maikling panahon pa lang kayong nagkakilala pero ganyan na kayo malapit. Nakita ko kayo kagabi sa tabing dagat at masaya kayong tignan na magkasama," mahabang paliwanag ni lolo. "Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" Napaangat ng tingin ang dalawang masinsinang nag-uusap sa kung sino man ang nagsalita. "Hindi ah. Pinag-uusapan namin yung mga sexing torista na dumadayo sa dagat natin," pagdadahilan ni lolo Kardo. "Si lolo talaga. Matanda na nga kayo 'yan pa ang iniintindi niyo," pagmamaktol ni Lena. "Ah. Punta na po ako sa kwarto ko." Tumayo na si Edo para pumunta sa kanyang kuwarto. "Oh sige, pero tandaan mo ang sinabi ko ha?" sabi ni lolo Kardo kay Edo na siyang nagpataka naman kay Lena. "Opo," pagsang-ayon niya sa sinabi ni lolo at lumabas na ng tuluyan sa bahay nila Lena at pumasok sa kwarto niya. "Ano po yung sinabi niyo sa kanya?" tanong ni Lena kay lolo Kardo pero ang lolo ngumiti lang ng nakakaloka. "Huwag mo ng alamin," sabi ni lolo na halatang natatawa dahil gusto talagang malaman ng dalaga kung ano ang pinag-usapan ng dalawa. "Si lolo naman eh! Baka kung ano na ang pinagsasabi niyo kay Edo." Sumunod na si Lena sa kwarto ng binata. "Edo!!" tawag ni Lena nang buksan na niya ang pinto ng kwarto ni Edo. "Bakit?" tanong nito pagbukas pa lang ni Lena ng pinto. "Mmm. Ano yung pinagsasabi sa'yo ni lolo?" tanong ng dalaga. "Ahhh wala," sagot lang ni Edo sa tanong niya. "Imposibleng wala. Meron kayong pinag-uusapan kanina." Pagpupumilit ni Lena dahil sa kagustuhan lang niyang malaman ang sinabi ni lolo sa kanya. Maya-maya pa ay meron silang narinig mula sa labas. "Lena! Please kausapin mo ako! Hindi ako susuko ng ganun-ganun na lang," sabi nito. "Si Kenneth!" nagulat na sabi ni Lena. "Wala si Lena rito kaya umalis ka na?" sigaw naman ni lolo Kardo mula sa kabila. "Lena! Lumabas ka na riyan please!" nagmamakaawa pa ring sigaw ng lalaki. "Bakit ka niya hinahanap?" tanong ni Edo kay Lena sa loob ng kwarto ng binata. "Wala, sira ulo lang yun," walang ganang sagot niya. "Alam ko na. Nandito siya sa mga kwarto niyo 'no?" Pumunta si Kenneth sa tapat ng kuwarto ni Edo. "Naku lagot na. Itago mo ako, bilis," natatarantang sabi ni Lena kay Edo. "Dito ka sa kama at magkumot ka," payo naman ng binata sa dalaga kaya pumunta agad ang dalaga sa kama. "Lena! Alam kong andyan ka! Kaya lumabas ka na." Binuksan na ni Edo ang pinto sa kwarto niya. "Ano bang problema?" mahinahong tanong ni Edo kay Kenneth. Nilagpasan niya lang si Edo at pumasok sa loob Nilibot niya muna ang paningin niya sa kabuoan ng kuwarto ni Edo hanggang sa napansin niya ang kama. Kaya lumapit siya agad dito at mabilis niyang tinanggal ang kumot pero puro unan lang ang nakita niya 'dun. Nagtaka naman si Edo sa nakita. "Aalis ako ngayon! Pero babalik ako! Tandaan mo 'yan Lena," sabi ni Kenneth bago siya umalis. Nang masigurado na ni Lena na wala na si Kenneth ay lumabas na siya sa ilalim ng kama. Nagulat pa si Edo dahil sa pinagtaguan ng dalaga. "Naisip ko kasi na mapapansin niya ako sa kama pag pumasok siya rito kaya sa ilalim na lang ako nagtago." Napangiti na lang si Edo dahil sa ginawa ng dalaga. At napangiti na rin ito kay Edo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD