Third person's POV
Sa karagatan ng Blue sea, merong napakagandang dalaga. Ang pangalan niya ay Lena.
Nasa kanya na ang lahat ng hahanapin pa ng isang binata kaya nabihag niya ang napakakisig na sireno na si Edo. Isa siyang prinsipe sa Pearl kingdom.
"Nasaan si Steve?" tanong ng sireno pagbukas palang niya ng pinto ng kanilang kastilyo.
"Nandun po sa magic room, mahal na prinsipe," sagot naman ng guard sabay bow sa harap ng prinsipe.
Si Steve ang sorcerer ng
kastilyo nila at kaya niya kahit na anong magic.
Dumeretsyo na agad si Edo sa magic room kung nasaan si Steve.
"Ano pong kailangan niyo sa'kin?" tanong ni Steve nang makapasok na si Edo sa loob ng magic room.
"Gusto kong maging tao."
Halata namang nagulat si Steve sa naging saad ni Edo. All of the sudden, gusto na lang maging tao ang prinsipe ng Pearl kingdom at kapag nagkataon si Steve ang lalabas na may kasalanan kapag magiging tao na ang prinsipe dahil siya lang naman ang kayang makagawa ng ganung mahika.
"Bakit biglaan naman yata mahal na prinsipe?" tanong ni Steve na halata pa rin ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"Meron kasi akong gustong makilala sa mundo ng mga tao." Habang sinasabi niya yun ay iniimagine niya ang mukha ng dalaga at kung anong mangyayari kung baka sakali mang maging tao siya.
Nakita rin ni Steve na may spark sa mga mata ni Edo habang nakatingin sa malayo.
"Isa ba siyang magandang binibini?" Napatingin agad si Edo kay Steve nang natanong niya iyon.
"Pano mo alam?" tanong niya rito.
"Pagpasensyahan mo na mahal na prinsipe pero hindi pwedeng gamitin ang potion kong ito sa ganung paraan." Tinuro pa ni Steve ang bote ng potion.
"Pero ako ang prinsipe," pagpipilit ni Edo. Si Edo ay hindi mapagmalaki sa sarili niya dahil lang sa siya ang prinsipe sa halip ay mapagkumbaba siya kung ano man siya ngayon. Ngunit kaya lang naman niya nasabi iyon ay dahil gusto na niya talagang maging tao at gusto na rin niyang makilala ang binibining lihim niyang iniibig.
"Isa po iyong batas at wala pang sino man ang pwedeng lumabag sa rule of magics," pagpapaliwanag ng matandang sorcerer.
"Oh sige, alis na ako," sabi ng binatang prinsipe at umalis na nga siya sa magic room kung nasaan si Steve.
***
'Kailangan gumawa ako ng paraan' sa isipan niya.
"Mahal na prinsipe, handa na po ang panghapunan," sabi ng alagad nila sa kanya
Lumabas na siya mula sa kanyang kwarto papuntang hapagkainan.
Nandun na ang reyna, hari at ang nakababatang kapatid niyang 10 years old pa lang na si Liezah. Siya na lang ang hinihintay para makapagsimula na silang kumain.
"Umupo ka na anak," sabi ng reyna
Ang reyna at hari ay mapagmahal na magulang and at the same time mapagmahal sa kanilang nasasakupan. Maayos ang pamumuno nila kumpara sa mga pamumuno ng ibang mga kaharian.
Tahimik lang silang kumakain hanggang sa nagsalita na ang hari na siyang bumasag sa katahimikan.
"Napapansin kong palagi kang wala sa nakaraang mga araw?" seryosong tanong ng hari sa binatang anak.
"Mmm, honey. Masarap ba ang luto ng bago nating chef?" pag-iiba ng reyna ng usapan kasi alam niya ang mga ginagawa ng kanyang anak.
"Oo masarap naman," Seryoso pa ring sagot ng hari sa reyna sabay subo ng kaunti.
"Nagbago nanaman kayo ng chef?!" nabiglang tanong ni Edo sa kanyang mga magulang.
"Yup kuya. Daddy doesn't like the taste of our old chef's cook," sagot ng nakababatang kapatid ni Edo na si Liezah. Full english kasi ito magsalita.
Napatango na lang siya sa sagot ng kapatid at nagpatuloy sa pagkain.
"Kuya, some other time let's play together," naeexcite na sabi ni Liezah sa kuya niya na katabi niya lang. Nasa harap kasi nila ang hari at reyna.
"Oo naman," masaya namang sagot ng prinsipe sa kanyang kapatid.
"Yehey!" natutuwang sabi ng batang prinsesa sabay may paclap-clap pa ng kamay.
Pagkatapos nilang kumain pumunta na ulit si Edo sa magic room.
Kumatok muna ito bago binuksan ni Steve ang pinto. "Ano pa pong kailangan niyo mahal na prinsipe?" Sabay sila ni Steve pumasok sa loob kasi meron na kasi siyang ginagawa sa mga oras na 'yun.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Edo habang papalapit siya sa potion na nakalapag sa lamesa.
Nakatalikod naman siya rito kaya hindi nahalata ni Steve ang ginawa niya. Napansin agad ni Edo na ito ang potion na hinahanap niya kasi inemphasize kanina ni Steve ito. Kaya madali na lang niya itong nahanap.
"Nag-eembento lang ng bagong potion, kamahalan." Abalang-abala si Steve sa kanyang ginagawa kaya hindi niya nahalatang nakuha na pala ni Edo ang potion mula sa kamay niya sa likod.
"Oh sige alis na ako Steve. Pasensya na sa abala," paghingi niya ng pasensiya.
Hindi alam ng prinsipe na malaki ang kasalanan sa pagnanakaw niya sa potion ng sorcerer. Pero hindi niya ito alam kasi ang inintindi lang niya ay ang makausap at makilala na ang dalagang pinapanood niya mula sa malayo.
"Oh sige mahal na prinsipe," sagot ng sorcerer na hindi pa rin lumilingon kay Edo dahil sa kanyang ginagawa.
Gabi na nang magpunta si Edo sa tabing dagat para sa kanyang balak.
'Pagkatapos ko itong inumin, magiging tao na rin ako.' Sa isip niya.
At sinimulan na nga niyang inumin ang potion na nakalagay sa maliit na bote.
Pagkatapos niyang inumin ang potion na iyon ay biglang umilaw ng nakakasilaw ang buntot niya. At unti-unti na rin itong nahati na parang binti. Pero nang kalaunan ay nawala rin ang ilaw kasabay nang pagiging binti ng buntot ni Edo.
Naka damit tao na rin siya gaya ng instruction sa bote na after mong inumin yun ay sasama na rin pati damit.
***
"Buhay pa po kayo?" Pagmulat ng mata ni Edo kinabukasan ay bumungad sa kanya ang dahilan kung bakit gusto niyang maging tao.
"Buti na lang at buhay pa kayo," Lena said in relief.
Nakahawak pa siya sa dibdib niya na parang nabunutan siya ng tinik sa sobrang pagkaginhawa niya.
Pero nang makabawi na siya ay nagsimula na siyang magtanong. "Ako nga pala si Lena, kayo? Ano pong pangalan niyo?" tanong niya kay Edo habang ito ay nakaupo at si Lena naman ay naka-kneel at naglean forward kay Edo.
Pero hindi maibuka buka ni Edo ang bunganga niya para magsalita dahil sa gulat na nasa harap na niya mismo ang taong gustong-gusto niyang makita.
"Gutom na ba kayo? Pansin ko kasi na hindi kayo nagsasalita eh. Baka nagugutom na kayo?" nahihiya pang tanong ni Lena habang ganun pa rin ang posisyon nila.
"Halika na po. Punta tayo sa bahay para makakain na kayo." Lena lend her hand for Edo to stand.
Tinanggap naman ni Edo ang kamay ng dalaga. At pumunta na sila sa bahay nila Lena.
"Lo meron na po ako," tawag niya sa kanyang lolo. Nagmamadali namang sumalubong si lolo Kardo sa kanila.
"Buti dumating ka na Lena. Nasunog yung niluluto ko," natatarantang sabi niya sa kanyang apo.
"Ano?" Nagulat naman si Lena.
"Napasarap kasi ang panonood ko sa TV," paliwanag ng matanda.
"Si lolo talaga," natatawang sabi ni Lena habang papunta sa kusina para magluto ulit ng kakainin nila.
"Dito ka iho." Itinuro niya ang hapagkainan nila at pinaupo niya roon si Edo.
Hanggang sa mga oras na yun, hindi pa rin makapaniwala si Edo sa mga nangyayari.
"Saan ka nakatira, iho?" tanong ng matanda sa binata.
"Sa ilalim po ng dagat," sagot ni Edo na nagpalaki ng mata ni lolo Kardo.
"Ha?" nagulat na tanong ng matanda.
"Ang ibig ko pong sabihin.. May alaala ako sa karagatan. Nalunod kasi ang mga magulang ko," pagsisinungaling ni Edo para hindi magduda si lolo Kardo na isa siyang sireno.
"Ah. Pagpasensyahan mo na kung pinaalala ko sa'yo yung tungkol sa mga magulang mo," paghingi ng pasensiya ng matanda. Hindi niya alam na hindi pala iyon totoo.
"Okay lang po," sagot ni Edo.
Maya maya pa ay dumating na si Lena na dala-dala ang pagkain.
"Masarap magluto si Lena, kaya ubusin mo 'yan lahat ha?" tanong ni lolo kay Edo.
"Opo," sagot naman ng binata.
"Kumain ka lang ha? Huwag kang mahihiya," sabi ni Lena sa kanya.
Pero hindi mo maipagkakait na mapansin ang ngiting bumalot sa labi ng dalaga. Ngumiti na lang din si Edo sa dalaga.
Parang siyang nananaginip sa nakikita niya ngayon. Noon hanggang tingin lang siya kay Lena pero ngayon nakakausap na niya ito.
Naglinis na ang dalaga sa mga gamit nila sa bahay. Titig na titig naman si Edo kay Lena nang magsubo na siya.
"Ouch." Hindi niya napansin na mainit papala ang sopas na niluto ng dalaga.
"Hipan mo muna kasi. Mainit pa 'yan," pagpapaalala ni lolo na nasa tabi lang niyang upuan.
"Alam mo? Hindi lang ikaw ang dinadala ni Lena rito," pag-uumpisa ni lolo sa usapan nila.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtataka namang tanong ng binata na halatang hindi niya naintindihan ang sinabi ng matanda.
"Si Lena kasi ang palaging tumitingin sa Blue sea kaya kung meron mang kagaya mo na naagos sa dagat, tutulungan niya talaga. Merong kwarto sa kabila. Dun ka muna tumira. Pinatayo talaga namin yun para sa mga kagaya niyong naanod ng dagat. Si Lena talaga ang nakaisip 'yun. Matulungin kasi si Lena, mabait at masipag kaya nga sinasabi ko sa kanya na maghanap na siya ng mapapangasawa niya para maging masaya na siya sa buhay at hindi lang isang matandang kagaya ko ang kasama niya. Pero sabi niya 'kung magkaka-anak na ako lolo, hindi ko na po kayo maaalagaan. Pati na rin ang Blue sea' talagang alagang-alaga niya ang dagat namin dito."
Kumakain lang si Edo habang nakikinig kay lolo.
"Madami rin naging manliligaw si Lena. Syempre maganda ang apo ko eh. Pero walang sino man ang sinagot niya," pagtutuloy ni lolo Kardo ng kanyang kwento.
Biglang nawalan ng pag-asa si Edo dahil sa narinig.
Pagkatapos maglinis ni Lena binuksan niya na ang TV.
"Lo ito na yung paborito niyong palabas," tawag ni Lena kay lolo Kardo.
"Nandyan na ba?" tanong niya at tumayo na para pumunta sa harap ng tv.
Naiwan si Edo sa hapagkainan. Pinapanood lang niya ang maglolo na tawa ng tawa dahil sa pinapanood.
Napansin yata ni Lena na ubos na ang pagkain ni Edo kaya napagtuunan niya ito ng pansin.
"Tapos ka na?" tanong ng dalaga.
"Ah oo," nahihiyang sagot niya sa dalaga.
"Ihahatid na kita sa kwarto mo," sabi ni Lena at pumunta na nga sila sa kwarto ni Edo.
"Maging feel at home ka rito ha? Huwag kang mahihiya," sabi ni Lena at gumawad ng ngiti kay Edo.
"Oo," sagot naman nito na halata rin sa ngiti ang sayang nadarama at lumabas na nga ang dalaga mula sa kwarto ng binata.