Luke's POV Siguro hihintayin ko na lang siya rito. Hindi rin ako mahilig maghintay kapag sa iba pero bakit kapag siya ang hinihintay ko, hindi ako nakakaramdam ng inip? Ano bang meron sa kanya? At bakit ako nagkakaganito? 'Ang sabihin mo naiinlove ka na sa babaeng baliw na yun na hindi alam gumamit ng kutsara at tinidor.' In love? No way.. Si Luke Lopez maiinlove lang sa baliw? Isa lang ang nagpatibok ng puso ko noon at yun ay si Ellaine. Yeah, you read it right. Yung sirenang nakilala ko noon. Oo at gusto ko na lang gawing imahinasyon yun pero hindi eh. Parang nagiispark nung kaharap ko siya noon. Siya ang first love ko, kahit na konting panahon palang kaming nagkakilala. Nang mapansin kong meron na pala si Pearl. "Luke kanina ka pa?" tanong niya sa'kin. "Hindi naman," sagot ko a

