Ellaine/Pearl's POV "Ikaw pala ang Pearl princess at nakatadhanang hanapin ang golden crown para maging-" "Ano po ba yung pinagsasabi niyo? Hindi po ako ang Pearl princess," pinutol ko ang sasabihin niya. Kasi hindi naman totoo yung sinabi niya. Ako? Magiging Pearl princess? Isa lang akong ordinaryong sirena. Natahimik naman siya saglit kaya ako na ang nagsalita. "Isa lang po akong ordinaryong sirena," napatakip ako ng bibig ko dahil sa narealize ko. "Teka bakit niyo nga pala alam ang sa Pearl kingdom? Sirena po ba kayo?" tanong ko at tumawa naman siya dahil sa sinabi ko. Alam ko ang tungkol sa Pearl kingdom kasi pinag-aralan din namin yun. Sabi pa nga ng teacher namin noon na kalaban daw yun ng taga Dark kingdom. "Ang lawak ng imahinasyon mo, iha," sabi ulit niya sa'kin. Ano kay

