Prologo

727 Words
"Sa bawat kuwento ay may kanya-kanyang kabanata." -Diego Guevarra Taong 1887 Gabing yaon abala si Diego sa pagbubuklat ng bawat pahina ng aklat na inilathala ni Dr. Jose Rizal. Kusang tumimo sa kanyang puso't isipan ang bawat salitang nagmula sa binabasang akda. Tila sinasaksak nito ang damdamin ng batang si Diego habang abala pa rin ito sa kanyang ginagawa. Hindi pa nalalaunan sa pagbabasa, siya na ay napapahanga sa ginawang obra ni Rizal. Buong maghapon siyang namalagi sa kanyang silid at walang balak na pumanhik sa labas. Sa obrang kanyang binasa, nakilala niya ang katiting na nakapaloob ng bayani. Hindi maitatanggi kung bakit lumikha ng kaguluhan ang nobelang ito sa alagad ng simbahan nang dahil sa taglay na pagmamahal ni Rizal sa bayan. Sa mura niyang edad na ito'y lubusan na niyang naintindihan ang nobela at mas lalong nahinuha n'yang may kanser sa kanyang lipunan ngunit ang tanging kanyang magagawa sa ngayo'y patuloy ang pag-aaral at pagbabasa. Sa munting paraan na ito'y balang-araw maipaglaban niya ang kanyang Inang Bayan sa kanyang sariling paraan. Nabalitaan niya sa pahayagan ang pagdating ni Rizal dito sa Pilipinas noong Mayo 11, sa taong ito upang gamutin ang ina nitong may sakit sa mata. Si Rizal ay naging tanyag sa mga panahong ito ngunit si Diego'y kinakabahan sa maaaring kahahantungan ng binata dulot nang pagkapukaw ng tunay na may-ari ng bayang Pilipinas, ang mga tinatawag na indio sa panahong ito na sinakop ng mga Español. Napatigil siya nang pumasok ang kanyang ama. Mababakas sa mukha nito ang kasiyahan nang masilayan ng kanyang ama na nagbabasa siya ng mga libro. Marahang yumuko ang kanyang ama sa kanyang binabasa. "Ama, lubos akong nalulugod sa ipinapakitang kagandahang loob ni Rizal." "Iyan ang bunga ng pag-ibig sa bayan, Diego." Sa labi ni Diego'y kusang kumurbada ang ngisi. Ngunit, sa kabilang banda'y nakakitaan niya ang kanyang ama ng kahambal-hambal na pangyayari ang naglalaro sa balintataw nito. "May bumabagabag ba sa 'yo, Ama?" wika niya. "Wala, Diego. Itigil na muna ang pagbabasa at ipagpatuloy iyan mamaya pagkatapos ng hapunan. Kailangan na nating dumulog sa hapag sapagkat ang iyong ina ay tapos nang maghanda." Tumango siya at sabay nilang tinahak papalabas ang kanyang silid. Walang imik na kumakain ang kanyang ina't ama. Siya nama'y lumalawig ang isipan sa ibang lugar. "Ina, may katanungan sana ako sa inyo ni ama." Bahagyang napatingin ang kanyang ina sa asawa nito bago niya tinapunan ng tingin si Diego. Kalauna'y napatingin ang kanyang ina sa kanyang kinaroroonan. "Ano iyon, Diego?" "Ang pag-ibig nga ba'y talagang masaklap?" saad niya. Animo'y napangiti ang kanyang ina gano'n din ang kanyang ama. "Ikaw na ba ay nakaranas na ng pag-ibig, Diego?" anang kanyang ama. "Wala po, Ama. Sadiyang nais ko lang pong malaman nang maigi ang tungkol sa pag-ibig. Sapagkat ang aking alam sa salitang iyan ay hindi katulad ng malalim na bangin." May bahid na pagngisi habang iwinika niya iyon. "Nagagalak ako at ang iyong ina. Na sa tuwing may katanungan at may dumadapong kalituhan sa iyong isipan ay walang pag-alinlangan kang naghahanap ng kasagutan. Kahit sa murang edad mo na iyan," mahinahong wika ng kanyang ama. "Ang pag-ibig ay hindi talaga masaklap, Diego. Sa katunayan ang pag-ibig ay masarap. Maihahantulad ito ng bulaklak at paru-paro. Ang paru-paro'y kusang dumadampi sa bulaklak. Sa kalaunan ng pag-iibiga'y humahalimuyak," ang mahabang sagot ng kanyang ina. "Katulad po ng pag-ibig ni Rizal sa bayan na maaaring magbunga ng kalayaan?" Tumango ang kanyang ina at ama. "Ngunit, kaakibat ng pag-ibig ay pagdurusa, Diego. Hindi sa lahat ng pagkakataon, ito'y maganda. Kaya nabulalas mong ito'y masaklap. Ngunit, ang pag-ibig ang siyang hindi nagpasaklap sa sarili nito kundi ang mga balakid na yumuyugyog," mahabang pagpapaliwanag ng kanyang ama. "Tila gano'n pala iyon, kaya pala sa pag-ibig ni Rizal sa bayan ay napuna niya ang pag-usig." Napapaisip pa siya. "Ngunit, kahit sa nagbabadyang unos at matinding dagok ng pag-ibig ay maaari itong magbunga ng kasaganahan lalo na kung may pagsasakripisyo," ang kanyang dagdag. "Tama ka, Diego." Namayani ang kaluwagan ng mukha ng kanyang ina't ama nang mapakinggan ang kanyang mga winika. Isang makabuluhang tingin ang kanilang ipinugal. Hinayaan niyang lapastangin ng kanyang isipan ang tungkol sa pag-ibig upang hindi ito mawala. "Nais kong maranasan ang tinatawag na pag-ibig, Ina at Ama." Mas tuluyang napigil sa pagkain ang kanyang mga magulang. Tilang hinalukay ang katahimikang nagpabulabog sa simulang pagkain at ngayo'y nagpagising sa katauhan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD