Kabanata 1

931 Words
”Señorita, kailangan n'yo na pong pumanhik sa loob ng hacienda." Napatawa si Elizaela habang hinahabol siya ni Glenda sa hardin. Bumahikhik ito ng tawa nang mapagtanto niyang 'di siya nito naabutan. "S-Sandali, Señorita-" Napatigil siya sa pagtakbo nang masilayan niya si Glenda na ngayo'y napahawak sa mga tuhod nito at naghahabol ng hininga. "Glenda, bumalik ka na sa loob ng hacienda. Abala pa ako sa pagdakip ng mga tipaklong." Napasupalpal siya sa kanyang bibig at mas lalong nailaan ang malakas na tawa dulot nang pag-iba ng reaksyon ni Glenda. Umupo't yumuko siyang muli sa damuhan at ipinagpatuloy ang paghahanap ng mga tipaklong at saka'y inilagay ito sa loob ng garapon. "N-Ngunit Señorita, ipinatawag na po kayo ni Doña Monica. Kailangan na po nating tumungo sa kabilang bayan upang bumili ng mga telang gagamitin sa pananahi upang gawing regalo sa nalalapit na kaarawan ng gobernadorcillo." Napatigil siya sa pagdakip ng mga tipaklong at saka'y 'di nag-alinlangang 'di tumayo't tumakbo sa loob ng hacienda. "Hali ka na, Glenda. Kailangan na nga nating kumilos." Muling nakasunod sa pagtakbo si Glenda sa kanya. Napakinggan niya ang muling pagtawag nito ng kanyang ngalan. “Señorita Elizaela, hintayin mo ako." *** Nadismaya't napasimangot na napatingin sa kanya ang kanyang ina. "Elizaela! Bakit gan'yan na naman iyang iyong mukha? Ika'y nakikipaglaro bang muli sa 'yong mga kaibigang tipaklong sa hardin?" Hindi niya mapigilan ang pagtawa habang iniangat niya ang garapong may lamang tipaklong sa harapan ng kanyang ina. "Opo, Ina! Nais kong mangoleksyon ng mga gan'to sa aking silid." "Tila ika'y nababaliw nang bata ka. Dalaga ka na anak kaya itigil mo na ang paglalaro't pagbibilad sa araw. Nasisira ang 'yong kutis." "Pero, Ina—” "Hindi kita pinagbabawalan. Ito'y payo lamang ng isang ina. Para iyan sa iyong kabutihan. Ano na lamang ang masasabi sa 'yong mga manliligaw?" Napakunot-noo si Elizaela sa iminungkahi ng kanyang ina. "Saka atupagin mo ang makabuluhang mga bagay. Huwag mong sayangin ang iyong oras, Elizaela." "Opo, Ina. Masusunod po." "Glenda, ayusan mo na si Elizaela upang tayo'y makabili ng mga tela sa kabilang bayan." Tumango agad si Glenda na ngayo'y nasa kanya pa ring likuran. "Masusunod po, Doña Monica." *** "Glenda, matigas ba talaga ang aking ulo?" Ngayo'y inilagay na ni Elizaela ang telang napili niyang burdahin para sa kaarawan ng gobernadorcillo. Kakauwi lang nila galing sa kabilang bayan. Ang kanyang ina nama'y tumungo agad sa silid-panahian nito upang makamuni-muni sa pagtatahi. Mariin at seryosong titig ang kanyang ipinugal ngayon kay Glenda. Napatawa muna ito bago magsalita. "Medyo matigas nga po ang inyong ulo, Señorita." Patuloy pa rin ito sa pagtawa. Tila bang pinagkakatuwaan nito si Elizaela. "Tila'y pinagkakatuwaan mo pa ako, Glenda," nakasimangot niyang tugon. Kinuha na niya ang mga kagamitan sa pananahi saka umupo sa kanyang higaan. "Hindi naman sa gano'n, Señorita. Katunaya'y lubusan akong napapahanga sa katigasan ng 'yong ulo," pambabawi nito sa kanyang huling sinabi. "Ano naman ang nakakahanga sa pagkakaroon ng matigas na ulo?" Nagpatuloy pa rin si Elizaela sa pagbuburda. Sumusulyap-sulyap naman si Elizaela sa kanya habang ito'y palakad-lakad sa kanyang harapan. "Sapagkat nang dahil sa katigasan ng 'yong ulo, Señorita. Ito'y hindi basta-bastang matitinag." Ngayo'y napatigil na si Elizaela sa pagbuburda at diretsong nilaanan nito ng tingin si Glenda. "Nais mo bang burdahin ko ang 'yong bibig?" "Señorita, binibiro lang po kita. Hinahangaan ko po ang katigasan ng iyong ulo sapagkat nabubukod tangi ka sa ibang binibini. Ika'y 'di katulad nilang sobrang hinhin at 'di ka po maarte. Kahit kayo'y kabilang sa mga cacique o makapangyarihang lahi. Kayo po ay simple. Sumasabak po kayo sa nakakahindik na mga aktibidad; kagaya ng pagpapalipad ng saranggola, paglalaro ng tirador at lalo na sa pagdadakip ng mga tipaklong." Pinipigilan ni Elizaela ang kanyang pagtawa. Kapag nasisindak o natatakot talaga si Glenda kung anu-ano na lamang ang ginagawa nitong papuri. Tumayo siya at tumungo kay Glenda. "Binibiro lang din naman kita." Sabay nitong akbay sa kanya. Hindi na niya mapigilan ang pagtawa nang magsalita ito. "Buong akala ko talaga Señorita, buburdahin mo na ang aking madaldal na bibig." *** "Don Valencio at Doña Monica. Handa na po ang mga carruajes de primer clase. Naghihintay na sa labas ng hacienda ang mga itinalagang kutsero." Tumimo agad ang iminungkahi ng guwardiya personal sa pandinig ni Elizaela. Kaagad niyang hinila si Glenda papuntang karwahe. Napakinggan niya pa ang pahabol ng kanyang ina, na 'wag daw siyang pasaway. Napangiti na lamang silang dalawa ni Glenda. Sumunod naman ang kanyang ina't ama sa pagpanhik sa karwahe. Ang Carruajes de primer clase ay isang transportasyong panlupa na para sa mga mayayaman at makapangyarihang tao sa panahon ng mga Español. Tuluyan na silang napaupo ni Glenda. Napakapit pa rin siya sa mga braso nito. Sila'y nasa pinakaunang karwahe. Sa likuran nila ay ang karwahe ng kanyang ina't ama. Sa bawat gilid naman ng kanilang karwahe ay ang karwahe naman ng mga guwardiya personal, gano'n din sa kanyang ina't ama. Napapangiti pa rin siya habang ngayo'y tinahak na nila ang la carretera (daanan). Pagkaabot nila sa Hacienda Guevarra sinalubong sila ng kaibigang arkitekto ng kanyang ama na si G. Eugenio. Isa siya sa mga panauhin sa kaarawan ng ama ni Diego. Iniligoy niya agad ang kanyang paningin sa loob ng tahanan nagbabasakaling makita niya agad si Diego – ang kanyang kaibigan. "Señorita, si Ginoong Diego ba ang iyong hinahanap? Ando'n po siya." Nalaanan niya agad ng tingin ang kinaroroonan ni Diego. Nakaupo ito sa silya habang abala sa pagbabasa ng libro. Tinakpan niya ang mga mata nito ngunit agad niya namang tinanggal 'yon nang mabasa niya ang librong binasa ni Diego, Huwag mo akong Salingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD