Kabanata 2

1520 Words
Maliwanag ang tahanan nila Diego ng gabing yaon. Gagawin ang kasayahan mismo sa kanilang tahanan sapagkat kaarawan ng kanyang ama, ang gobernadorcillo ng San Rafael. Ang kalansing ng mga pinggan at kubyertos na ando'n sa hapag ay kusang sinalakay ng mga iba't ibang panauhin. Abala naman siya sa silyong nasa sulok ng kanilang tahanan. Nagbabasa ng libro. Malapit sa kanyang gawi ay nasilayan niya ang mga panauhing kasama ang kanyang ama na nagtatawanan. Tanaw niya naman sa 'di kalayuan ang mga bagong panauhing kapapanhik sa kanilang tahanan. Hindi niya pamilyar ang kanya-kanyang mga mukha ngunit bugtong sigurado siyang mga kasamahan ito ng kanyang ama sa pagpapanatili ng kaayusan ng San Rafael. Tanging abala naman ang kanyang ina at si Tiya Beatrice – ang kapatid ng kanyang ina sa pag-alalay sa mga panauhin. Namamayani ang kagalakan sa apat na sulok ng kanilang tahanan. May mga panauhing nagsilapitan sa kanyang ama at pinagbukas-palad ang kanyang ama upang kunin ang mga handog para sa kaarawan nito. Magalang na nagsibatian sila sa isa't isa. Maraming mga maririlag na mga kababaihang panauhin ang nagsidatingan pa at mga makikisig na mala-Crisostomo Ibarra. Nasilayan niya naman uli si G. Eugenio na galing sa bandang likurang kanina'y nasilayan niyang abala rin sa pagkuwe-kuwentuhan sa ibang mga panauhin ngunit ngayo'y tumungo agad sa labas. Si Diego nama'y kasalukuyang may hinihintay habang itinuon muna sa libro ang pagkabagot. Kusang nabitawan at napatigil siya sa pagbabasa sa kanyang librong hawak-hawak nang may biglaang tumakip sa kanyang mata. Tiniklop niya agad ang libro. Iwinaksi naman ni Elizaela agad at mabilisan namang iniligo'y ni Diego ang paningin sa kanya. "Elizaela!" Namayani ang sobrang kagalakan nang makita niya si Elizaela – ang kanyang matalik at nag-iisang kaibigan. Ngunit, 'di siya nito tinapunan ng tingin kundi sa librong binasa ni Diego s'ya kasalukuyang nakatutok. Nabigla na lamang si Diego nang kinurot siya nito sa tainga bago umupo. "A-Ano ang aking kasalanan?" Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa kanya habang hawak niya ang bandang kinurot ng dalaga. Mas lalong 'di siya makapaniwalang kusang inilapit ni Elizaela ang mukha nito sa kanyang mukha saka'y may ibinulong sa kanyang tainga. "Bakit ka nagbabasa ng nobela ni Rizal dito? Alam mo bang maraming ayaw sa nobelang iyan lalo na ang simbahan?" Umupo itong muli at ngayo'y tinarayan niya si Diego na naghihintay ng kasagutan. "Wala namang masama ro'n, Elizaela." Tinaasan siya nito ng kilay ngunit tinawanan niya lamang ito. "Ewan ko sa 'yo, Diego. Basta binabalaan na kita. Naghahanap ka ng kaaway n'yan. Isa pa, noong pagkabata mo pa 'yan binabasa ikaw ba'y 'di nagsawa? Tila nga'y nasaulo mo na ang bawat pahina n'yan." "Subukan mo rin kasing basahin. Mamumulat ang 'yong mga mata." Bumuntonghininga ito saka muling diretsong tinitigan si Diego sa mata. "Kung aking gagawin 'yon parang hinuhukay ko na rin ang aking libingan at ng aking pamilya." Tumayo ito sa pagkakaupo at ngayo'y tumungo sa kanyang harapan. Tinawag nito si Glenda at iniabot naman nito ang isang lalagyang gawa sa abaniko. Sa loob nito'y may kinuha siyang tela. "Ito ang aking regalo sa 'yong ama. Ikaw na lamang ang magbigay n'yan. Kusa ko 'yang ibinurda noong mga nagdaang mga araw." Ngayo'y nakangiti na ito sa binata. Inilagay ni Elizaela ang nobela sa loob ng lalagyang abaniko. Muli nitong tinawag si Glenda at ipinabitbit iyon. "Ipapahawak muna natin sa kanya ang nobela sapagkat baka may iba pang makakasilay niyon kung iyong ibabandera't isasauli sa 'yong silid. Ibabalik ko 'yon pagkatapos ng pagdiriwang at kung kaunti na lamang ang mga panauhin." Si Diego’y tumango na lamang sa nais ng dalaga. "Akala ko'y 'di ka makakapanhik dito sapagkat 'di mo man lang tinugunan ang aking ipinadalang liham." "Maaari ba 'yon, Diego? Kaarawan kaya ng pinakamamahal na gobernadorcillo ng San Rafael ang may kaarawan ngayon. Saka paumanhin kung 'di ko man lang natugunan ang liham. Abala ako sa pagdakip ng mga tipaklong." Napabulalas niya ang pagtawa. "Kahit kailan talaga'y 'di ka pa rin nagbabago ikaw pa rin ang napakaimposible't masatsat kong kaibigan." Mariin na titig ang isinumbat nito kay Diego. "Isang pag-aalipastangan ang iyong sinasabi! Nais mo bang dalhin ko ang hukom?" Nagsabayan sila sa pagtawa nang mapagtanto ang kanilang mga kalokohan. "Kahindik-hindik iyang mga pagbabanta mo, Elizaela." Mas lalong lumakas ang kanilang tawanan pagkatapos niya 'yong masabi. Lalong nag-ibayo rin sa kanyang buong katauhan ang kagalakan nang dahil sa walang tigil na biro ni Elizaela. "Diego, ngayon ba'y may paputok sa selebrasyon ng kaarawan ni Don Hacob?" "Hindi ipinahintulot ni ama ang mga paputok Elizaela upang maiwasan ang disgrasya. Paumanhin, Elizaela!" "Ayos lamang 'yon, Diego. Kung 'yon ang ikabubuti ng karamihan. Handa akong isakripisyo ang sariling kasiyahan." Napangiti siya sa winika nito at napahanga. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. "Pupuntahan ko muna si ama at ibibigay itong iyong handog. Kayo'y kumain na muna ni Glenda. Tila'y nagugutom na 'yon." Napatingin siya sa gawi ni Glenda. "Saka pagkatapos mong kumain, may pupuntahan tayo." *** Hinawakan ni Diego nang biglaan ang kanyang kamay saka hinila siya papuntang labas. "Saan tayo papanhik?" naguguluhan nitong tanong. "Tayo'y papanhik sa pagawaan ng kastilyero. Bibili tayo ng mga paputok." "P-Pero baka hanapin ako nila Glenda." Abala si Glenda sa pagtulong ngayon sa ina ni Diego para sa mga panauhin. "Huwag kang mag-alala malapit lamang iyon. Saka kasama mo naman ako." Nawaldas nito ang kaninang bagabag at napalitan ng matamis na pagngiti. *** Walang umimik sa kanilang dalawa. Walang kapagurang tinahak nila ang hindi gaanong madilim na labas. Mula rito sa kanilang tinahak ay natatanaw nila ni Elizaela ang umaaninag na liwanag ng buwan at kumikislap na mga bituin. Kasalukuyan silang lakad-takbo at hindi inaalintana ang kapaguran. Lilisanin na nila ang pagawaan ng kastilyero. Mababakas ang ubod na kasiyahan na nagmumula kay Elizaela. Walang-humpay itong namamayani kasabay ng gabi. "Gayon man, ay unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto," bulong ni Diego sa kanyang sarili habang inaalala ang binasa. "Ano, Diego?" Biglaan silang napatigil sa kanilang lakad-takbo nang nagtanong si Elizaela. "Gayon man, ay unawain mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto," pag-uulit nito. Tila’y hindi napakibo si Elizaela nang marating na lang nila ang napakaaya-ayang tanawin. "Kung gayon ay ito ang mga tinutukoy mong hindi lahat ng kumikinang ay ginto?" Ang binata'y kusang tumango. Naiba ang kanyang gawi nang masilayan ang kumukutikutitap na mga alitaptap na pumapaligid sa kanila. Sa kabila ng kagandahan ng mga alitaptap ay ibinalik nito sa dalaga ang pagtuon at hinawakan uli ang mga kamay ni Elizaela. "Ngunit, ang karilagan mo ang pinakanamumutawi, Elizaela. Ang iyong kahanga-hangang karilagan ang siyang pinakakumikinang sa lahat." "Hindi kita maintindihan, Diego." Ang kulay-abong mga mata ay nagbibigay sa akin ng ganyak, Simulang masilayan ka'y pag-ibig ang dumanak. Sintang katulad kay Maria Clara, Hayaan mong ako'y maging iyong Crisostomo Ibarra. Ika'y nagsilbing mag-adya sa tuwing ako'y nabahala, Ang simulang pag-ibig na naukit 'di na maapula. Ang tanging aking hiling sinisinta, Na balang-araw ay maging akin ka. Ako'y kusang tinangay ng bawat mong pagngiti, Pag-ibig 'di malaman kung sa'n nagsimula't 'di mawari. Ang bugtong laman ning aking damdamin, Ang iyong katangi-tanging ngalang aking iniibig ng lihim. Anupa't ating simulan, Ang ating pag-iibigan. Hindi ko na pa matigilan, Lihim, 'di ko na talaga'y makayanan. Aking binibini, ngayo'y nagkusa, Hindi ko malaman kung paano baybayin ang bawat balarila. Ang aking bibig o binibini'y napamaang, Nang masilayang muli ang iyong karikitan. Nawa'y ngayon ay tuluyan nang masabi, Upang ako'y maging iyong ginoo at ikaw ang aking binibini. Aking bulaklak kong bugtong, Ngayo'y lihim akin nang ibubulong. "Elizaela," kasabay ng mahigpit na hawak ng mga kamay ni Elizaela. Hindi na siya magkibit-balikat pang hindi aminin sa kanya ang naramdaman simula nang pagkabata. "Imumungkahi ko pagkatapos ng ating sayaw. Binibining Elizaela, maaari ba kitang maisayaw?" Kagalakan ang kanyang nadarama nang tumango siya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang kanyang isinasayaw ang dalaga. Nasambit nito sa sarili, 'Ganito pala ang pakiramdam ng pag-ibig'. Nagsilbing musika ang mga liriko't tugtog na nanggaling sa kalikasan. Ang dalagang ito na nasa harapan niya ay hindi lamang basta-bastang dalaga kundi siya’y kanyang iniibig. "Elizaela, maaari bang simulan natin ang ating kabanata?" Kahit ma’y dalawa ang patutunguhan nitong kanyang pag-amin, sasagutin siya nito o makakaranas siya ng sawimpalad. "Ikaw ba ay umaamin sa iyong pag-ibig sa akin, Diego?" Kusa na lang hindi gumalaw ang kanyang bibig. “Sa katunayan Diego, hindi ko makaligtaan ang ating mga alaala simula noong tayo ay bata pa. Nais ko ring imungkahi sa iyo na kung ano ang nararamdaman mo, sa akin ay gano'n." "Hindi ba mali ang napakinggan ko, Elizaela?" "Walang balutan ng kasinunggalingan, Ginoo." "Kung gayon, ngayon ay sisimulan kong ligawan ang iyong ina't ama aking binibini, ang bugtong kong iniibig." Mas nagsadya ang mga alitaptap, mas lalong kumukutikutitap. Sabay nilang sinindihan ang mga paputok at mas umaninag ang langit. Nagbabadya ng kasiyahan sa nasaksihang pag-iibigan. Lumuhod siya sa harap ni Elizaela at ang mga kamay nito ay hinalikan. "Kahit man ay kapopootan ng mga lihim na kaaway ang ating pag-iibigan, Elizaela. Pakatandaan mo sana'y pangwalang-katapusan­ ang pag-ibig ko sa iyo! Pakatandaan mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD