Kabanata 3

1310 Words
"Feliz cumpleaños, amigo! (Maligayang kaarawan, kaibigan!)" maligayang bati ng Gobernador-heneral Ferrer - ang may pinakamataas na panunungkulan sa Las Islas Filipinas, tagapagtaguyod ng Kaharian ng Espanya sa kolonya. Hindi pa rin mawaldas ang ngiti ni Don Hacob. "Gracias, Gobernador-heneral! (Maraming salamat, Gobernador-heneral!)," tugon ng gobernadorcillo - ang punong tagapagpaganap ng mga pueblo o lupon ng mga barangay. "Escuchamos las noticias sobre tu esposa. ¿Es cierto que ella les enseña a esos indio? (Napakinggan namin ang balita patungkol sa 'yong asawa. Tama bang tinuturuan n'ya ang mga indio?)" ang biglaang mungkahi ng alperes na si Fabiano Rajas - ang pinuno ng pulisya ng San Rafael. Napatigil sa pagkain ang mga panauhing dumulog sa hapag gayon din ang asawa ni Don Hacob na si Doña Estepha na 'di man lamang nakapagsalita. Bumakas ang kunot-noo ng gobernador-heneral. Halatang 'di niya nagustuhan ang napakinggan. Sa panahon ng Español, walang karapatan ang mga mababang uri sa edukasyon. Tanging mga mayayaman lamang ang maaaring makapag-aral. "¿De dónde sacaste esas noticias falsas? (Saan mo naman nakalap ang maling balitang 'yan?)" Hindi napigilan ni Don Escelante, ang matalik na kaibigan ng ama ni Diego. Isang abogado, ang hindi sumabat sa usapan. "Acabamos de escucharlo en alguna parte, (Napakinggan lang namin kung saan,)" agad na sagot ng alperes. "¿Y tú crees esas noticias falsas? (At pinaniniwalaan mo ang maling balitang 'yan?)" mala-awtoridad na wika ni Don Escelante. Hinawakan nang biglaan ni Doña Monica ang asawa niya. Tumikhim lang si Don Hacob sapagkat alam n'yang tunay ang mga kuro-kurong 'yon. Kahit na isa ang kanyang pamilya sa makapangyarihan sa Las Islas Filipinas. May lihim siyang malasakit sa mga tinutukoy nilang indio at hampaslupa. Alam n'ya ang tunay na suliranin ng kanyang bayan. Hindi siya nagpabulag sa kapangyarihan sapagkat kung siya'y magpapabulag 'di na niya masisilayan ang hinaing ng tunay na may-ari ng Las Islas Filipinas. "Esto es solo una falsa acusación. Paren el conflicto, (Ito lang pala'y maling paratang. Itigil ang pag-aaway,)" seryosong tugon ng gobernador-heneral na ngayo'y tuluyan nang napatigil sa pagkain. "Si la alegación es correcta. ¿Cuál es el castigo del delincuente, Gobernador-heneral? (Kung ang paratang ay tama nga. Ano ang magiging parusa, Gobernador-heneral?)" mariin ang mga titig ng alperes kay Don Hacob Guevarra. "Si supiera que alguien ha traicionado a España. Se enfrentará a la ley que ha traicionado! (Kung aking malalaman na may nagtaksil sa Espanya. Makakaharap n'ya ang batas na kanyang pinagtaksilan!)" seryosong mungkahi ng gobernador-heneral. Ang tinutukoy n'yang batas ay ang kanyang sarili. *** Bakas ang liwanag ng buwan habang naglalakad pa rin sila ni Elizaela patungong muli sa kanilang tahanan. Hindi niya maiwasang mapangiti habang palihim niyang tinitigan ang napupusuan. Halata namang naaliw si Elizaela sa kanyang mga nasilayang karilagan. Napakinggan nilang dalawa ang mga kuliglig at iba't ibang panggabing ibon. "Diego, m-maraming salamat sa pagdala mo sa 'kin sa kaaya-ayang lugar na ito. Hindi ko inaasahang mayroong gano'ng karilagan ang nakapaloob sa San Rafael." Mas lalong lumawak ang mga ngiti ni Elizaela. "At, 'di ko rin inasahan ang 'yong pag-amin," dagdag nito. Inalis nito ang kanyang pagkatitig sa dalaga saka napakamot sa batok. Nabigla ang binata nang iniangat ng dalaga ang kanyang nakayukong ulo at nagtamang muli ang kanilang mga titig. "Ikaw ba ay namumula?" "W-Wala. Hindi 'no!" "Sus! Kilala na kita, Diego." "Oo na! Huwag ka nang madaldal, Binibining Loro!" Napatawa si Diego ng malakas nang maaninag niya kung gaano napakunot ang noo ni Elizaela, sa tulong ng liwanag ng buwan. "Tss! Ginoong Kamatis." Ngayo'y ipinagpatuloy pa rin nila ang paglalakad. "Ilang anak pala ang nais mong tayo'y magkaroon?" Napatigil si Diego at mas lalong naramdaman nito ang panginginit ng kanyang pisngi. "H-Ha?" "Ayan, mas lalo kang namula." Sabay halakhak. Nang-aasar na naman si Elizaela. Mabilisan n'yang hinabol ang dalaga nang kumaripas ito ng takbo. 'Siyempre liligawan ko pa ang iyong mga magulang at kung sila'y payag ika'y aking papakasalan bago tayo bubuo ng sarili nating pamilya. Simula nang umamin ako sa matagal na lihim ng aking pag-ibig sa 'yo. At nang umamin kang magkasingtulad lamang tayo ng nararamdaman. Sa gabing ito, sinimulan na ang paglathala ng pahina ng bawat... Bahagi ng ating kabanata'. *** Mariin ang kanyang titig sa mga kagamitang panulat na siyang kanyang kasama sa kanyang madilim na silid ngunit ang tanging umiilaw ay ang buwang siyang kanyang kasalukuyang kinakaharap. Andito'y nabihag na ng buwan mula sa nakabukas na durungawan. Habang nakaupo sa silyon ay abala siya sa pag-iisip ng susulatin para sa kanyang sisimulang nobela. Nais niyang gumawa ng maraming mga kabanata para sa nasimulan nilang kuwento ni Elizaela. Kung bibihagin ka talaga ng pag-ibig ay hindi ito malalaman. Sapagkat, ang pag-ibig ay kusang dumarating na hindi inaakala. Ang kanyang mga kasalukuyang iniisip ay hindi guni-guni ngunit, tunay. Nais niyang maging katuturan ang kanilang kabanata ni Elizaela, ang bawat bahagi ng kanilang kabanata. Lubusan siyang nagalak na naging nakapalagayang loob niya ang ama't ina ni Elizaela. At sa kanyang panliligaw, sila'y payag. Ni walang tutol ang kanyang natamo ngunit, binigyan si Diego ng tagubilin ng ama ni Eliza. Ang pagbabaliktanaw sa nangyari sa kaarawan ng ama ni Diego "Don Valencio at Doña Monica, kung kayo'y nababanta kung bakit pagkatapos ng selebrasyon ng aking kaarawan ay tayo'y nagtitipon-tipon ay may nais sanang imungkahi ang aking kaisa-isang anak na si Diego," seryosong wika ng gobernadorcillo. Ang ibang mga panauhin ay nagsisialisan na sa kanilang tahanan. Malugod na pasasalamat naman ang ibinigay ng mga malalapit na kaibigan ng kanyang ama bago ito umalis. Sapagkat, nadatnan pa nila Diego't Elizaela ang mga ito nang sila'y kakaabot lang ng tahanan ay ang mga panauhin naman ang papaalis. Sa kasisimulang tipon ay hindi maiwasan ng binata ang makaramdam ng kaba nang kaharap niya ang ama at ina ni Elizaela. Nakakunot-noo pa ang mga magulang ng dalaga habang tinatanaw silang dalawa ni Elizaela. Magkahawak-kamay ang dalawang nakaharap sa kanila. Mukhang nababasa na rin ng ama ni Elizaela ang imumungkahi ni Diego. Mayamaya'y sinimulan na ng binata ang sambitin, ang kanina pang bumabagabag sa kanyang balintataw. "Don Valencio at Doña Monica, kayo ay isa sa mga makapangyarihang lahi ng San Rafael, at matalik niyong kaibigan ang aking ina't ama. Sa aming pamilya'y marami na po kayong naitulong lalo na ang pagbigay ng lubusang suporta sa panunungkulan ni ama. Kaya lubusan ang aking galak sa inyong kagandahang loob. Kayo po ay aking nirerespeto kagaya ng aking ina't ama." Lumapit ito sa kanilang kinaroroonan at saka'y yumuko kay Don Valencio at hinalikan naman ang kamay ni Doña Monica. “Nais ko sanang ligawan ang inyong dalagang si Elizaela." Hindi siya makagalaw sa kanyang kinatatayuan at mas napahigpit ang kanyang pagkahawak sa kamay ni Elizaela nang humahalakhak sa tawa ang ama ng dalaga. "Binata, wala kaming tutol ni Doña Monica. Akala ko kung ano ang iyong imumungkahi. Iyon lang pala!" wika nito na ikinalubusan n'yang ikinatutuwa. Bigla na lang siyang napayakap kay Elizaela. Hindi niya mapigilan ang saya. Kasalukuyan sa kanya'y namumutawi. "Basta'y pakaingatan mo lang Diego ang damdamin ng aming anak. Oras mo na ngayong gawin siyang iyong responsibilidad." Tumango siya sa habilin ng ama nito. "Iyon po ay palagi kong gagawin para sa inyong anak, Don Valencio. Ikaw po ay makakaasa. Magiging kaaya-aya po ang bawat kabanata namin ni Elizaela." - Hindi niya mapigilang mapangiti habang sinimulan na niya ang pagsulat ng kanilang unang kabanata. Tinta't pluma ang siyang kanyang kaagapay sa pagtahak sa kanyang sinimulang nobela para kay Elizaela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD