Kabanata 7

909 Words
"Anong pinagmulan ng ingay?" seryosong aniya ng misyonerong pari na s'yang maestro sa kabilang seksyon. "Wala lang po ito, Padre Sivilia. Isang kagalakan lamang ang namutawi sapagkat sa kauna-unahang pagkakataon ay nasilayan ko na ang aking nawawalang pinsan." Napatingin si Diego kay Elias Miguel na ngayo'y nakangising nakatingin sa kanyang gawi. "Kung gano'n Elias galak akong malaman 'yan ngunit akin sanang luhog na pakihinaan ang inyong mga boses upang kayo'y walang maabala." Napatango agad si Elias Miguel at lumapit sa gawi ni Diego na kanina pa 'di mapakali't 'di makapaniwala na kilala na pala s'ya ng kanyang pinsan. Tuluyan namang umalis ang padre at bumalik sa kabilang silid. "Nakakahanga ang 'yong mga prinsipyo aking pinsang Diego. Sa una pa lamang nating pagkatagpo nawari kong ako'y masuwerteng magkaroon ng pinsang gan'yan mangatwiran." Hindi pa rin makasalita si Diego at panay titig pa rin ito kay Elias Miguel. "Palabas lang ang lahat aking pinsan. Alam ko ring maging kamag-aral kita ngayon sa kolehiyo. Iyon ay aking napag-isipan para sa una nating pagkikita. Nais ko lamang malaman kung tunay nga ba ang aking napakinggan sa 'yo galing sa mga sabi-sabi at 'di nga ako nagkamali sa aking napakinggan." Iniabot ni Elias Miguel ang kanyang kamay kay Diego. "Muli, ako si Elias Miguel Guevarra, Ginoong Diego." Nakipagkamayan din si Diego sa kanyang pinsan at labis ang kanyang kagalakan na sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman n'yang tanggap at tinuring s'yang pamilya nito kahit wala pa silang mga binuong mga alaala. "Hali ka at ika'y aking ipapakilala sa aking mga kaibigan.” Si Elias Miguel na ngayo'y inanyahan si Diego. *** "Nakakahanga talaga ang iyong mga katwiran, Diego," biglang wika ni Miguel habang kanilang tinahak ang malawakang kalsada patungo sa tahanan nila Diego. Ngayo'y nakasakay sila sa karwahe. Nais sorpresahin ni Diego ang kanyang ama. Alam niya na ito'y magagalak kapag masilayan ang anak ng matagal na hindi nakikitang kapatid nito. "Salamat." Siya ay ngumiti kay Diego. "Ikinagagalak ko talagang nasilayan na kita. Palaging bukambibig ni ama ang tungkol sa iyo at sa kanyang kapatid na kasalukuyang gobernadorcillo ng San Rafael," maligayang batid ni Miguel na siyang ikinagugulat ni Diego. "Kung sa gayo'y hindi lang pala si ama ang nag-aatubiling mahanap kayo," tugon naman ni Diego sa kanyang pinsan. "Siya rin ang nagpaalam sa 'king tatahakin mo rin ang Abogasya. Kahit malayo si ama ay palagi n'yang inaalala ang 'yong pamilya at si Tiyo Hacob at halos alam n'ya ang kaganapan ng inyong buhay sa San Rafael. Sa katunaya'y galak si ama na malamang isang gobernadorcillo na ang kanyang kapatid at unti-unting nakabangon kahit sa nangyari noon sa 'ting pamilya." "Kalimutan na natin ang masalimuot na nakaraan. Ang mahalaga ang ngayon." "Ika'y tama. Lubusan na ring nagsisi si ama sa kanyang ginawa no'n at sa kanyang muling pagbabalik nais n'yang bumawi sa 'yong ama." Ang ama ni Miguel ay lumayas noon nang nalulong ito sa bisyo't sugal. Lubusan nitong sinisi ang sarili sa unti-unting pagguho ng dangal ng Guevarra kaya ito'y lumayas dahil sa kahihiyan ngunit sa kabila no'n ay hinahanap pa rin ng ama ni Diego ang kanyang Tiyo Roberto - ang kaisa-isang kapatid ng kanyang ama. Napangiti naman si Diego sa kanyang napakinggan. "Sana muli na silang magkita aking pinsan." *** Sa kalagitnaan ng kanilang pagkasakay sa karwahe ay may nadaraanan silang isang pulubi. Naaninag nila ang pag-aalipastangan sa pulubing nagmumula sa mga kapareho nilang binata. Ang pulubi'y nagbuwal sa lupa nang ito'y pinagbubugbog ng mga binata. Hindi matiis ito ni Diego kaya pinahinto niya ang karwahe at saka'y tinahak papunta sa pulubi't binata. Sumunod naman si Miguel. "Mga mapangniil, mga mapang-abuso sa kapwa. Kayo ang katunayang sakit ng bayan. Ang bayan ay dumaraing nang dahil sa inyong ipinamalas. Mga matatalino nga ngunit walang mga damdamin," malakas na wika ni Diego at sila'y napatigil. Nagbabadiya ng kapahamakan ang kasalukuyang nagyugyog sa kanya. "Ano ba ang pakialam mo sa pulubing ito? Isa lang itong walang maitulong sa bayan Ginoo, ngunit ikaw pa ay nagmamalasakit?" tugon ng isa na nagpugal ng titig na sumasaksak sa kanyang buto't laman. "Humihingi ng pagkain, hindi man lang naghanap ng mapagtratrabahuan para makakain," inis na dagdag no'ng isa. "Hindi kahali-halinang tanawin ang aking napagmasdan sa ngayon. Malinis nga sa panlabas sa loob ay madungis. Tunay na sakit ang sa inyo'y naangkin," hinahong wika ni Diego. "Pakatandaan niyo'y mas mabuting manghingi kaysa magnakaw," kanyang dagdag. "Ang kaban ng mahihirap ay ninakaw ng mga nagmamalinis. Mapang-abuso sa kapangyarihan. Mga suwail sa bayan at kayo'y kabilang." Sila'y tumikhim. Sinulyapan ni Diego ang pulubi at naaninag niya ang kasiyahan na nag-uumapaw sa mga mata nito. "Tuluyan na ngang nasakop ang Filipinas sapagkat wala nang ni katiting na pag-ibig ang maaapuhap. Sariling bayan mo'y inyong pinagtaksilan. Bulag na, dumadagayday na sa inyong dugo ang lason ng tunay na kalaban." "Tama si Diego, karapatdapat lamang na magmalasakit sa kapwa kahit kabilang ka sa dugong bughaw. Isa nga siyang pulubi at indio..." pangatwiran ni Miguel na ikinangiti ni Diego. "Ngunit, siya'y may puso kagaya n'yo." "Paumanhin mga ginoo, hindi na ito mauulit." Napangiti si Diego ng bahagya. "Huwag sa akin kayo humingi ng kapatawaran kundi sa taong inyong tinapakan. Sa kanya!" Pagturo nito sa pulubi. Napasulyap na lang siya kay Miguel na inilahad ang kamay sa pulubi at nakaangat ang paningin nito sa kanyang pinsan. "Mula ngayon Diego, hindi ka na mag-iisa pa sa mga pinaglalaban mo." Lumikha ng katuwaan sa kanyang damdamin ang ipinakita ni Miguel. May karamay na si Diego sa kanyang mga ipinaglalaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD