Kabanata 6

1339 Words
Isang 'di gaanong kalakasang katok ang namataan ni Eliza habang siya'y abala sa pakikipagtitigan sa mga nakaraang liham ng kanyang unang napupusuan. "Bukas lang po iyan," ang kanyang tanging tugon. Pumasok si Don Valencio at agad na tumabi sa kanyang anak. "Iyo pa rin bang iniisip ang 'yong unang pag-ibig? Ito ba'y nagbibigay pa rin ng bagabag sa 'king Senorita?" “Ama, tama na sigurong kalimutan ko na ang unang pag-ibig, hindi ba? Katkatin na ang nakaraan at ibaon ito sa limot?" "Aking anak, sino ba ang mas matimbang sa 'yo? Ang unang nagparamdam sa 'yo ng pag-ibig ngunit 'di mo naman saklaw ang kanyang puso o ang kasalukuyang pag-ibig na ngayo'y nagbibigay ng paru-paro sa 'yong katauhan?" Sandaling pumagitna ang katahimikan sa mag-ama. "Katunayan ama, 'di madaling katkatin ang unang pag-ibig. Alam n'yo po na bago dumating si Diego, siya ang unang aking nakilala kahit sa pagbigay ng mga liham na ito...tanging naramdaman kong mahalaga ako sa taong nakapaloob dito..." Napatango si Don Valencio. Alam n'ya simula nang pagkabata ni Eliza. Bago nakilala ng kanyang anak ang matalik nitong kaibigang si Diego ay may nauna nang nagpabihag sa puso ng kanyang anak. Kahit ito'y bata pa lamang no'n, alam n'yang unti-unting nahulog ang loob nito sa batang lalaking palaging nagpapadala sa kanya ng mga liham. Saglit na napatinging muli si Eliza sa mga kalatas na kanyang hawak. Nailaan n'ya ang masaklap na pagtawa nang masilayan ang sulat-kamay ng batang lalaking ito. Palagi n'yang tanong kung bakit 'di man lamang ito nagpakilala ng pangalan at ni kahit saglit ay 'di man lamang niya ito nasilayan sa saglit na panahon bago ito huminto sa pagpapadala ng mga liham noon. "At 'di patas para kay Diego kung 'di ko siya bibigyan ng pagkakataon." "Ang pag-ibig ay nagbibigay ng pagkakataon. Marahil sa umpisa'y naging masaklap ang 'yong unang karanasan nang tamasain ang pag-ibig. Ngunit maniwala ka anak, ang pag-ibig ang pinakamagandang pakiramdam na 'yong maaaring masaklaw sa sansinukuban. Bakit 'di mo tuluyang hilumin ang sugat sa pamamagitan ng gamot na tinatawag na pag-ibig? Ang tanging manggagamot na alam kong makapaghihilom n'yan...ang kasalukuyang taong 'di mawaldas sa 'yong isipan." Iniabot ni Don Valencio ang isang liham na galing kay Diego sa kanyang anak. "Basahin mo ang kalatas na 'yan upang ika'y mas maliwanagan. Maiwan na kita anak upang ika'y mas makamuni-muni." Bago pumanhik nang tuluyan sa labasan ang kanyang ama ay nagpasalamat muna s'ya rito. Itinuon n'yang muli ang atensyon sa kalatas at sinimulang basahin ang laman. Aking bugtong binibini, Nang unang masilayan kita sa durungawan habang ika'y mariin ang titig sa nagkikislapang bituin at kaaya-ayang sinag ng buwan. Ikaw ang una kong namataan nang gabing yaon. Hindi ko alam kung bakit sa hatid na karilagan ni Inang Kalikasan ng gabing 'yon at kahit sa balot ng dilim. Nagawa ko pa ring maaninag ka. Sa gabing 'yon agad kitang nilapitan nang masilayan kang lumuha. Tinawag kitang 'binibini' sapagkat 'yon ang unang lumabas sa 'king bibig. Ngunit, mas napukaw ang aking atensyon sa 'yo nang mapakinggan ko sa kauna-unahang pagkakataon ang katanungang sa katunaya'y nagpagulo sa aking isipan. "Naranasan mo na bang umibig?" Patawad kung ika'y 'di ko nasagot noon. Sapagkat wala akong katiting na alam sa 'pag-ibig'. Ngunit, ngayon nais ko nang sagutin ang tanong na 'yon. Sa mismong kalatas na ito, ipapaalam kong, "Oo, naranasan ko na ang pag-ibig..." "Nang dahil sa 'yo." Hindi man ako ang una mong pag-ibig. Handa naman akong maging 'yong huli. Mahal ka, Guevarra, D. *** Taong 1707, ang pamahalaan ay nagtayo ng sariling pamantasan- ang Unibersidad ng San Felipe, na sa kasalukuyang panahon ay tinawag nang Unibersidad ng Pilipinas sa taong 1908. Ang mga kursong ipinagkaloob dito ay Medisina at Abogasya ngunit hindi nagtagal idinagdag ang Arkitektura, Pagpipinta, at Eskultura. Unang Tapak sa Unibersidad ng San Felipe Walang katiyakan siyang napababa sa kanyang sinakyang karwahe. Dali-dali niyang tinahak papasok ang Unibersidad ng San Felipe. Ang unibersidad na ito'y sikat sa kursong Abogasya at Medisina. Kauna-unahang tapak niya pa rito at gano'n din ang pagtungtong sa kolehiyo. Matagal niya nang nais ang makapag-aral ng Abogasya. Nang dahil sa kanyang mga ipinaglalaban sa buhay. Nasa kalagitnaan siya ng paglalakad nang may napakinggan siyang mga boses sa isang silid na hindi kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Bukas ang silid na ito at nasilayan niya ang mga binatang nasa loob. Sila ay nakipagdebatehan. "Ang mga dukha'y may karapatan pa rin sa ating bayan. Kahit man lihis sila sa mata ng matataas na antas ng lipunan. Sila pa ri'y taong may pangangailangang dapat bigyan ng pansin ang hinaing." Sinusuri niyang mabuti ang susunod pang opinyon galing sa mga binata. "Ang mga dukha ay walang puwang sa kanilang kinabibilangan. Bakit pa ba pagtutuunan ang hinaing kung ang mga dukha'y salot? Walang mga patutunguhan," wika ng isang binatang nasa unahang biglang tumayo. "Paano mo iyan nasabi?" wika ng kaninang unang nagbigay ng opinyon. "Sila'y salot sapagkat walang mga pinag-aralan. Kung tutuusin sila'y katulad ng mga langgam, para sa lupa lamang at tayo naman ang mga ibon sa himpapawid na kanilang tinitingala," muling wika nito. Napukaw ang kanyang kaluluwa kaya siya'y bigla na lang tinahak ang loob ng silid. Sila ay natigatig sa kanyang pagsulpot. "Mga ginoo, inaanyahan kong manatili kayong tumayo." Sila ay kusang nanatiling tumayo - ang mga kaninang binata. "May kanya-kanya kayong ipinaglaban at napakinggan ko ang inyong bawat panig. Ngunit, ang nagpasidhi sa aking damdamin ay ang iyong winika, Ginoo." Turo ni Diego sa binatang nakaupo sa unahan. "Kung hindi mo mararapatin ay maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" "Ginoo, aking sasabihin kung ika'y payag makipagdebate sa akin. Kung hihindian mo ay baka ikaw ay duwag." Tumango siya. "Papayag na ako." "Ano ang 'yong ipinaglalaban tungkol sa mga dukha?" "Alam mo Ginoo, kikilatisin ko ang iyong opinyon. Ang iyong opinyon ay hindi patas at hindi makatarungan." Biglang nakakitaan niya ang binata ng nag-iibayong damdamin. "At bakit, Ginoo? Ang mga dukha ay isa lamang kahihiyan sa bayan. Sila ang dahilan ng paglaglag ng ekonomiya. Sila'y nangunguna." Napangisi siya ng bahagya sa sinabi nito. "Ang tunay na kahihiyan sa bayan ay ang mapang-abuso sa kanilang mga kapangyarihan. Kung ang tanging problema mo ay walang pinag-aralan ang mga dukha ay bigyan ng edukasyon. Simple," wika ni Diego. Kahit alam niyang imposible ang kanyang mga winika sapagkat alam niyang sa kanyang panahon 'di halos mapakinggan ang hinaing ng mga mababang uri. Tanging magagawa niya sa ngayon, ang ipaglaban sila sa kanyang sariling paraan. Ito ang alam niyang paraan at tama. Kahit lihis man ang kanyang pinaninindigan sa estado ng Filipinas. Gagamitin niya ang kanyang kursong tinahak upang maging boses sa mga dukha. "Edukasyon? Ikaw ba ay nagpapatawa? Dagdag lang ng problema kung lalaan ng salapi para sa kanila." "Ano ba ang salapi? Hindi ba ito ang ginagamit upang makuha ang nais? Gamitin ito sa tama at isa sa tama ay ang pagbibigay edukasyon sa dukha," kanyang tugon. "Ang mga dukha ay may kakayahan. Kagaya ng makapangyarihan sa bayan, ang mga dukha'y may karapatan. Saan ba nagmula ang mga pilosopo at matatalino? Sa walang alam. Ngunit, ang masaklap sila'y pinagkaitan." Natahimik ito sa sinabi ni Diego. "Tinahak natin ang kursong Abogasya hindi para sa mayayaman at may makapangyarihan lamang kundi lalo na para sa mga dukha upang mapasigaw ang kanilang karapatan. Kung tinahak mo ang Abogasya na hindi para sa mga dukha, ika'y hindi nararapat, Ginoo." Mas lalo itong tumikhim at bakas sa mukha nito ang kahihiyan. "Ngayon Ginoo, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?" Hinintay ni Diego na ito'y magwika, "Ako si Elias Miguel Guevarra." Hindi siya makapaniwala. Ito ang kanyang pinsan na anak ng kapatid ng kanyang ama na ngayon niya lang nasilayan. Tuluyan na silang napatigil sa pagdebate nang mamataan nila ang misyonerong paring ngayo'y nasa pintuan ng silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD