Lumalagaslas ang mga pawis ng mga polista–ang mga taong nagseserbisyo at nagtratrabaho sa polo y servicio. Ang sapilitang paggawang ito ay ipinatupad ng pamahalaang Espanyol mula pa noong 1580. Sinasapilitang pinapaggawa ang mga kalalakihang Pilipino na may edad mula labing-anim hanggang animnapu. Responsibilidad nilang gawin ang mga paggawa kagaya ng mga tulay, kalsada, simbahan at iba pang gusali. Pinagkakalooban ito ng apatnapu't araw ngunit ibinaba ito ng labinlimang araw ng pagtratrabaho mula noong 1884. Ito ang kauna-unahang araw ng parusang ipinaratang kay Diego dulot ng kasalanan ng kanyang ama. Pagkatapos ng unang araw na ito'y mararanasan na niya at ng kanyang ina ang ekskomunikasyon. Sila ay dapat tumungo sa malayong lugar at hindi na magiging sakop pa ng San Rafael. Kung ano ma

