Puspos ng ingay ang siyang matutunghayan sa Paseo de Alfonso XII. Ito ay pook ng kasiyahan sapagkat dito ginaganap ang samu't sari at iba't ibang uri ng pagdiriwang sa buong lungsod ngunit kung gaano kasaya ang pook na ito ay gano'n din ito kasalimuot. Bukod sa pagdadaos ng mga nakakagalak na mga ganap ay dito rin pinapaslang ang mga taong naging traydor sa kolonya at sa bansang Espanya. Katunayan ay dito nahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring Pilipino ng mga Espanyol sapagkat ito'y kumakalaban sa Espanya dulot ng isang tanging hangad, ang mapalaya ang bansang Filipinas sa mga mananakop; sila si Padre Gomez, Padre Burgos, at Padre Zamora. Hindi na mabilang ang mga taong nakaabang sa gaganaping pagpaslang sa gobernadorcillo. Panay higpit ang sekuridad upang

