30. Kasabay ng tunog ng pagkasa at pagtutok ko ng baril ko sa likod niya ay ang pagkatigil niya sa paghakbang. "Isang hakbang mo pa at tuluyan ng sasabog sa sabog ang bungo mo." Nang tuluyan na siyang napirmi sa kinatatayuan niya ay marahan akong naglakad papalapit ng hindi ibinababa ang kamay kong may hawak na baril. Pinasadahan ko ng tingin ang kabuoan niya, ang tangkad at lapad niya maging kung lalaki ba siya o babae. "Sino ka? Paano ka nakapasok dito sa mansyon? Anong pakay mo?" ang sunod-sunod kong tanong bago huminto sa tapat ni Eloise. Agad na nagtama ang mga tingin namin ng saglit ko siyang balingan ng tingin. Nakita ko ang takot sa mga mata niya lalo na ng bumaling siya sa hawak kong baril. Saglit akong napamura sa isipan ko dahil doon. May trauma nga pala siya sa tunog ng p

