26. I acted like nothing happened after that. At mukhang nakuha naman agad ni Zion 'yon kahit na gano'n pa rin ang pakikitungo niya sa 'kin. Madaldal pa rin siya at sinusubukang pagaanin ang atmosphere lalo na kapag kami lang dalawa, sinasagot ko naman siya pero alam kong ramdam niya ang distansyang inilalagay ko sa pagitan naming dalawa. Nandoon pa rin ang kapilyuhan niya pero hindi umaabot na matutukso kaming maging mapusok. At malinaw sa akin ang lahat ng inaakto niya na iisa lang ang ibig sabihin. He chose not to pursue me and just wanted to stick with his job. And I think it is better that way. I guess... "Any update sa pinapatrabaho ko sa 'yo?" ang tanong ko habang nagmamaneho si Zion. Papunta kami ngayon sa kumpanya para bumisita roon at tignan kung maayos lang ba ang lahat sa

