27. Pagabi na ng mag-aya ng umuwi sila Miya kahit ramdam ko na gusto pa kaming makasama ni Cheska. Pero, sinabi naman namin na dadalawin namin siya sa condo niya kahit na duda kaming magtatagal siya ro'n. Dahil paniguradong pauuwiin lang siya ng parents niya kahit na anong mangyari. "Malaki talaga ang problema niya sa 'kin," si Zion, matapos naming maghiwalay nila Miya ng daan. "You can't blame her. Ikaw at ang mga kaibigan mo ang pinakakinaiinisan niya simula college." Ngumuwi siya habang naglalakad kami palabas ng mall. "But that was ages ago." "Mukhang hindi ka aware sa nangyayari sa buhay ng mga kaibigan mo." Napabaling siya sa akin at lito akong tinignan. "Bakit? May nangyari bang hindi ko alam?" Hindi makapaniwalang tinignan ko siya bago mailing. Mukhang wala nga talaga siyang

