28. Hindi na ako lumabas para maghapunan ng gabing 'yon dahil nawalan na ako ng ganang kumain. Kinabukasan naman ay hindi ko alam kung bakit pero mabigat ang pakiramdam ko at ayokong bumangon kahit nakailang katok na si Manang sa pintuan ko. Kahit ang nga talukap ng mga mata ko ay hindi ko gaanong madilat at nilalamig ako. Gusto ko lang manatili sa kama ko dahil hindi naman ako nakararamdam ng gutom. Hindi ko alam kung anong oras na ng may marinig akong pamilyar na boses sa loob ng kuwarto ko pero paniguradong hindi 'yon kay Manang Isay. Gustuhin ko mang idilat ang mga mata ko ay hindi ko magawa, pero naririnig ko ang boses niyang kinakausap ako. "Pumasok na ako. Ang sabi ni Manang, hindi ka pa raw kumakain simula kagabi. Masama ba ang pakiramdam mo? Nalipasan ka na ng umagahan at tangh

