08. "Good afternoon, miss Del Fuente. I am agent Z." Saglit na nablanko ang utak ko habang daretsong nakatingin sa mga mata ng lalaking ngayon ko na lang muling nakita after almost five years. Rinig na rinig ko ang malakas na kalabog ng puso ko. "Ikaw?!" No way! Paanong... anong ginagawa niya rito? Siya ba ang bodyguard na kinuha ni Ninang Serina? Mukhang nakuha naman niya ang pagkalito sa ekspresyon ko gaya agad siyang napatikhim na siyang ikinabalik ko sa ulirat habang mariin na nakakuyom ang mga kamao. Binalik kong muli sa composed ang sarili at sinikap na hindi tignan ang mukha niya para hindi siya makahalatang nakikita ko na siya ngayon. Pero, hindi ko maiwasang hindi siya palihim na pagmasdan dahil ibang iba na siya sa Zion na kilala ko. He looks so mature right now and... hot.

