Chapter 7

2332 Words
07. "Sarado ang clinic ngayon kaya paniguradong walang makakakita sa 'yo and I have my husband's men around us kaya sure na safe na walang umaaligid na tauhan ni Gilbert," si Ninang Serina habang inaalalayan akong maglakad papasok ng clinic niya ng makarating kami. "Thank you," ang mahina kong sambit. "Thank you for what?" "For this, for everything, Ninang. I owe you a lot and I will make sure to make it up to you when— Why are you laughing?" ang bigla kong tanong ng marinig ko ang mahina niyang pagtawa. "I'm sorry, I didn't mean anything. I just... naalala ko lang kung pa'no mo laging sinasabi 'yan kahit noong bata ka pa whenever I help you," ang tila nakangiti niyang sambit bago ko marinig ang pagbukas niya ng pinto at pag-akay sa akin papasok sa mukhang isang kuwarto. "I want to tell you again about this, Eloise. Tinanggap ko ang pagiging Ninang mo hindi lang dahil kaibigan ko ang Mama mo, I accepted it because I also want to become your second parent whom you can also lean on when things get heavy like this. I don't have a child on my own, so, I promise to treat you as my child as well. Kaya hindi mo na kailangang suklian ang mga ginagawa ko para sa 'yo, it's part of my responsibility as your second parent. Sige ka magtatampo ako." Bahagya akong napangiti. "You really love me that much, Ninang, baka magselos na ang asawa mo sa akin." "Psh! Ang isang 'yon pa, kahit pagselosin ko hindi umeepek," reklamo niya na ikinangiti ko na lang bago niya ako alalayang maupo sa isang upuan. Nang magsimula kam ay ipinaliwanag muna niya sa akin ang mga dapat kong malaman, ang mga gagawin namin, at kailan magsisimula ang operasyon. Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya sa lahat ng 'yon with a positive mind na araw-araw 'atang pinapaalala sa akin ni Manang Isay. Hindi siya nakasama ngayon dahil sa mga gawain niya sa hacienda, na ayos lang din naman sa 'kin dahil kasama ko naman si Ninang. "Oo nga pala, Ninang, kanina ng sinundo mo ako may nakita ka bang lalaking lumabas ng hacienda?" ang tanong ko ng matapos na kami sa ginawa niyang check-up at pago-orient sa akin. Naririnig ko siyang nagsusulat sa papel at nag-aayos ng mga gamit. "Ha? Bakit mo naman natanong?" Hindi agad ako nakasagot. Hindi na kasi amwala sa isip ko kung sino ba ang lalaking ayaw magpakilala at hindi rin gustong pangalanan nila Manang. Gusto ko lang malaman kung sino siya ng matahimik na ang kalooban ko at makampante. Paniguradong kilala rin naman siya ni Ninang lalo na at halos kakilala niya 'ata ang lahat ng naninirahan dito sa San Carlos. "May palagi kasing nagpupunta sa bahay para dalhin 'yung mga manggang binibigay ni Don Arturo. Kaaalis niya lang ng dumating ka kaya baka nakita mo siya," pagpapaliwanag ko. Ayokong sabihin na ilang araw ng ginugulo ng lalaking 'yon ang buhay ko sa hacienda dahil paniguradong iba ang iisipin niya. "Ahh, oo nakita ko nga siya kanina. Nagulat nga ako at nandito siya sa San Carlos at nasa bakuran niyo. Ayos na ba ulit kayo?" ang tanong niya na nagpakunot ng noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Sino ba ang nakita mo kanina?" "Ha? Si Dazi, hindi ba't galing siya sa gawi mo kaninang umaga? Siya lang naman ang nakita kong lumabas sa hacienda nang dumating ako, may iba ka pa bang tinutukoy?" ang tila ay nalilito rin niyang sabi habang tuluyan naman ako ng natigilan. Tama ba ako ng pagkakarinig ng pangalang binanggit niya? "Dazi? Si Dazi ang nakita niyo? Sigurado ba kayo?" pagkumpirma ko para masiguradong hindi ako namali ng pagkakarinig habang umaasa ako sa loob loob ko na sana nga ay mali lang ako ng narinig na binanggit niyang pangalan. "Oo, si Dazi nga, hindi pa naman malabo ang mata ko para hindi s'ya makilala. Siya lang din naman ang gwapo at makisig na binata rito sa San Carlos," ang natatawa niya pang biro pero mukhang napansin niya ang reaksyon ko. "Bakit? 'wag mong sabihin na hanggang ngayon ay mortal pa rin kayong magkaaway? Aba't malalaki na kayo ah." Hindi 'to pwede... "Sigurado ka ba talagang si Dazi ang nakita mo, Ninang? Si Dark Zion Buenavista, apo ni Don Arturo Buenavista?" pag-uulit ko sa kaniya dahil ayaw kong tanggapin ang pagkumpirma niya sa akin kahit na mukhang malinaw naman na mukhang ang lalaking 'yon nga ang nakita niya. "Oo nga. Si Dark Zion Buenavista, apo ni Don Arturo Buenavista! Ano bang meron at parang hindi mapinta ang mukha mo r'yan?" tanong niya pa na ikinatahimik ko na lang. Oh god please! Don't tell me, I've been interacting with that guy again nang hindi man lang siya nakikilala? Ang frustrated na sambit ko sa isipan bago mariin na mapapikit. Now, I know bakit ayaw ipaalam sa 'kin nila Manang ang pangalan niya at ayaw niyang magpakilala. That jerk! Nang matapos kami sa check-up ay dumaretso kami sa isang kainan na malapit at halos lahat ng makasalubong sa amin ay binabati si Ninang na parang siya ang Mayor ng San Carlos. May ilan din akong naririnig na bulungan at pagtawag sa pangalan ko, maging sa apelyido namin na hindi na lang namin pinapansin. Matapos kumain ay pinasyal muna ako ni Ninang kahit na hindi ko naman nakikita ang paligid pero dahil sa mga paliwanag niya ay navivisualised ko ang paligid namin. "Base sa mga pagpapaliwanag mo sa paligid, Ninang, parang halos walang pinagbago ang San Carlos." "Hmm... Hindi ko masasabing wala talaga. Kung sa istraktura, medyo iba na ang San Carlos lalo na sa bungad ng bayan, marami na kasi ang nabentang lupain pero mabuti na hanggang doon lang marami at least masarap pa rin ang hangin dito at walang gaanong pusyon," aniya. "Sa mga tao naman, halos umalis na rin ang iba lalo na ang mga may kaya, katulad ng hacienda niyo na wala na ring tumatao pero karamihan ng lokal na nandito pa rin dahil nandito ang bukid nila at hanap buhay. Tama ka, wala masyadong nagbago pero pakiramdam ko mas masaya at masigla noon ang bayan na 'to kaysa ngayon." Saglit akong hindi nakakibo. Sa alaala ko rin ay isang masigla at masayang bayan ang San Carlos, ang pag-uwi rito ang inaabangan ko tuwing bakasyon. Isa pa ay nag-aral din ako rito ng isang taon bago kami tuluyang nanirahan sa mansyon. Bahagya akong mapait na ngumiti, "Gusto kong masilayan ulit ang kagandahan ng San Carlos." Naramdaman ko ang paghawak ni Ninang Serina sa kamay ko habang nakatayo kami sa kung saan. "You will. Hindi one hundred percent ang kasiguraduhan ng operasyon pero malaki naman ang tyansa na maibalik pa ang paningin mo kaya we should think positive and look forward to it hmm?" ang marahan niyang sambit na tila ay pinapagaan ang kalooban ko. Marahan akong tumango habang bahagyang nakangiti. I should think positive... yeah, everything will be alright soon, Eloise, just be positive. Ilang beses pa akong bumisita sa clinic ni Ninang para sa ilang paghahanda para sa operasyon, mas healthy na rin ang kinakain ko kahit na hindi ko gusto ang gulay but I have to para mas mapatibay ang katawan at resistasya ko. I also walk around the hacienda kasama si Manang bilang exercise ko na rin tuwing umaga, and every time na may ibang tao sa loob ay kumakalabog ang dibdib ko dahil ang unang taong pumapasok sa isipan ko ay si Dazi. Ngayong alam ko na, na siya pala ang nakauusap ko nitong nakaraan ay hindi ko na alam kung paano siyang haharapin. But, gladly mukhang sineryoso naman 'ata niya ang sinabi ko nakaraan na 'wag na siyang bumalik ulit dahil hindi na ulit ako nakarinig sa kaniya. At mukhang wala na rin naman 'ata siya sa San Carlos dahil iba na ang naghahatid ng mga mangga galing kay Don Arturo na Lolo niya. Inisip ko na lang na umalis na nga talaga siya para hindi na matuliro pa kung bigla ko na lang siyang makakausap lalo na at hindi ko alam kung handa na ba ulit akong makausap siya gayong alam ko siya na ang kausap ko. Naging abala na ako sa pagdaan ng araw lalo na ng araw ng operasyon ko, kabado ako pero nandoon naman si Manang Isay at Ninang Serina para pakalmahin at patatagin ang loob ko. Isa pa, iniisip ko rin sila Mommy at Daddy, kailangan kong sumugal para makuha ang hustisyang dapat ay maibigay sa kanila. Halos hindi ko naramdaman ang operasyon dahil sa wala akong malay habang ginagawa iyon. Nang magkaroon ako ng malay ay tapos na ang operasyon. Ng mga panahon na 'yon ay hindi ko na talaga nagawa pang makalabas-labas ng hacienda para maglakad. Halos sa loob lang ako ng bahay lalo na at may benda ang palibot ng ulo ko para sa mata ko. Si Manang Isay ang tanging kasama ko at nag-aasikaso ng mga panahong 'yon habang nagpapagaling ako. Bumalik na kasi si Manong Leo sa mansyon lalo na at hindi namin gustong may makaalam na iba tungkol sa operasyon ko. Si Manabg lang din ang nag-e-entertain sa akin para hindi ako ma-bored at hindi lang magkulong sa kuwarto. Halos palagi na ngang may tugtog sa loob ng bahay para mabuhay ang paligid. Sa ilang linggo kong pagpapagaling ay wala na rin akong naging balita pa kay Dazi, mukhang umalis na nga siya sa San Carlos at ayoko na rin namang isipin pa siya lalo na at bawal akong ma-stress. Kahit na nagtatalo pa rin ang isip ko sa magiging resulta ng operasyon lalo na ng araw na tanggalin na ang benda sa mga mata ko. Malakas ang kabog ng dibdib ko habang marahang idinidilat ang mga mata ko. Hinahanda ko na rin ang sarili ko kung sakali mang walang maging pagbabago sa paningin ko. "Liwanag... may nakikita na ako... Ninang, May nakikita na ako!" ang hindi makapaniwala kong sambit ng makaaninag na ako ng liwanag. Rinig na rinig ko ang malakas na kabog ng dibdib ko. "Malabo... pero ayos lang dahil nakakaaninag na ako ng liwanag at mga kulay!" Masayang hinaplos ang buhok ko at maging ang braso ko. "Malabo lang ngayon pero mag-a-adjust din agad ang paningin mo maya-maya lang kaya relax ka lang, okay?" Masaya akong tumango sa kaniya. "Salamat nang marami, Ninang Serina! Hindi ko alam kung paano ka pa mapapasalamatan." "'Yan ka na naman," aniya bago ako bahagyang yakapin mula sa gilid ko. "Just live, Eloise, live. It's all that I need." Hindi masidlan ang kasiyahang nararamdaman ko ng mga sandaling 'yon lalo na ng tuluyan ng luminaw ang paningin ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko na noon ko na lang ulit naramdaman. Kahit ang mga damo ay sabik na sabik kong pinagmasdan ng makauwi kami sa hacienda. I never knew that I would love to see even the dead leaves under the tree. Tuwang-tuwa rin si Manang ng tuluyan ko na siyang makita at malamang successful ang operasyon. Tingin ko ay mas masaya pa siya sa akin na hindi niya maiwasang maluha sa tuwing titignan niya ako. Sa kabila ng kasiyahan na nararamdaman namin ay kailangan ko pa rin na mas maging maingat at alagaan ang mata ko dahil baka magkaroon ng kumplikasyon kung sakali. Kaya kahit na gusto kong maglabas-labas para malibot ang San Carlos ay hindi ko magawa lalo na at sa pagkakaalam ng lahat ay hindi pa rin ako nakakakita. "Tumawag pala si Miss Serina kanina, naliligo ka pa kaya ako na ang sumagot," si Manang habang kumakain kami ng tanghalian. "Ano pong sabi? May check-up ba ulit ako?" Umiling siya. "Pinaalala lang niya ang mga gamot mo pati ang pagdating ng kinuha niyang bodyguard sa 'yo." Napatigil naman ako sa pagnguya dahil doon bago maalala ang sinabi niyang kinuhaan na niya ako ng bodyguard para sa pagbalik ko sa mansyon. Halos makalimutan ko na ang tungkol doon. "Papuntahin mo na lang siya diretso sa opisina mamaya, Manang. Doon din muna ako dahil gagamiti ko muna ang computer na nandoon." "Nakaraang araw ka pa gumagamit ng computer, alam mong hindi magandang mababad agad ang mata mo sa mga gan'yan," agad niyang suway sa akin. "Hindi naman ako nagbababad, may mga importanteng bagay lang akong tinitignan," sagot ko bago magpatuloy sa pagkain. Ang totoo niyan ay tinitignan ko ang lagay ng kumpanya o ano na ang mga update doon, nagtitingin-tingin din ako ng mga posible kong magamit laban kay Uncle Gilbert lalo na pagbalik ko sa mansyon. Katulad ng plano ko, sa pagbalik namin ay mananatili akong magpapanggap na hindi pa rin nakakakita habang palihim na inaalam ang mga baho ng mga nasa paligid ko. Hindi ko pa alam kung paano ko gagawin ang lahat ng mag-isa pero sisiguraduhin kong hindi ako titigil hanggat wala akong natutuklasan. "Sino 'yan?" ang tanong ko at agad na pinatay ang computer na ginagamit ko bago ako dali-daling bumalik ng upo sa sofa. Nasa opisina na ako at katulad ng ginagawa ko nakaraan ay tumitingin-tingin pa rin ako sa mga documents ng kumpanya. Pero, mukhang dumating na ang bodyguard na kinuha sa akin ni Ninang. "Eloise, andito na ang bodyguard na tinutukoy ng Ninang Serina mo," boses ni Manang sa labas. "Papasukin mo, Manang," ang sambit ko ng maayos ko na ang sarili at mailagay ang walking stick sa tabi ko. Nanatiling daretso sa harapan ko ang tingin ko hanggang sa marinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto at ang mabigat na yabag ng papalapit. Hindi ko pa nakita ang background information ng bodyguard na kinuha ni Ninang dahil nawala na sa isip ko, kaya wala akong ideya kung anong pangalan o kung lalaki ba siya o babae. Nang huminto siya sa katapat kong sofa ay bahagya muna siyang yumuko bago tuluyang umupo kung saan ko siya tuluyang nakita ng magtama ang tingin naming dalawa. Kumalabog ang dibdib ko. "Good afternoon, miss Del Fuente. I am agent Z," ang mababa ang boses na pagpapakilala nito. No way! Paanong... Anong ginagawa niya rito!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD