01.
Yllona Eloise Del Fuente's POV
"Are you sure wala ka ng naiwan sa kuwarto mo?" ang tanong ni Mommy matapos kong sumakay sa likurang bahagi ng sasakyan namin.
"100% sure!" ang masigla kong sagot na ikinalawak ng ngiti niya.
"Wear your seatbelt then," aniya pagkatapos inguso ang seatbelt kong hindi nakakabit. Mahina naman akong bumulong ng "sorry" sa kaniya bago 'yon ikabit.
"Are you excited, Ely? Balita ko nakaraang araw pa kayo nag-impake ni Manang," ang pang-aasar naman ni Daddy matapos i-start ang makina ng sasakyan.
Napairap naman ako sa hangin habang nakangiti. "Palagi na lang talaga akong binubuko ni Manang."
Kapwa naman silang bahagyang natawa. "Well, hindi mo rin naman masisisi si Ely, ngayon na lang ulit kasi tayo makakapagbakasyon."
"Totoo! Nagtatampo na nga ako dahil palagi na lang kayong nasa kumpanya, tayo tayo na nga lang ang nasa mansyon hindi pa tayo madalas magkita," nakangusong sambit ko.
Umasim naman ang mukha ni Mommy dahil sa sinabi ko. "Asus, sa 'yo pa talaga nanggaling 'yan eh ikaw nga ang halos wala sa bahay dahil sa kaka-party mo tuwing gabi. Kami nga ang dapat na magtampo sa 'yo ng daddy mo."
Bahagya naman akong napangiwi dahil guilty ako sa bagay na 'yon. Madalas talaga akong mag clubbing ngayon kasama sila Cheska at Miya pagkatapos ng trabaho dahil sa sobrang stress.
"Sorry na, Mommy, 'yun lang kasi ang stress reliever ko bukod sa inyo," palusot ko sabay kindat sa kaniya.
"Aysus talagang batang 'to."
"Babawi na lang ako ngayon, at siyempre bumawi rin kayo sa 'kin. Deal?" ang taas-baba pang kilay na tanong ko na ikinangiti lang nilang dalawa
"Deal na Deal!"
Marahang natawa naman si Daddy habang nagmamaneho. "Mag-Ina nga kayong dalawa."
Napuno ng tawanan at kwentuhan ang byahe naming tatlo papunta sa airport dahil sa dami naming naipong kuwento sa isa't isa. Sa sobrang sarap ng kuwentuhan at tawanan namin ay halos hindi na namin alintana ang layo ng byahe o kahit na ang posibleng abirya namin sa daan.
That day was a beautiful one, it was even almost perfect. Maaga kaming nakaalis sa bahay, parehong kumpleto ang mga tulog namin at talagang handa at excited kami sa bakasyong matagal na naming pinaplano.
Everything was going smooth. We're so focused on catching up with each other and feeling that moment na hindi na namin napansin ang ilang sasakyang itim na matagal na palang nakasunod sa amin. At ng makakuha ng tyempo ay agad kaming pinalibutan.
"Honey... what's happening?" ang kabado ng tanong ni Mommy habang pagbaling-baling na sa mga sasakyang nakapalibot sa amin. "Marcelo!"
"I don't know either! Just stay in your seat tatawagan ko ang security," ang seryosong sagot ni Daddy bago contact-in ang security team ng pamilya. "Hello, can you send us a back-up right now. May mga itim na sasakyang nakapalibot ngayon sa 'min."
Inilibot ko naman ang tingin ko sa mga nakapalibot sa aming kotse, wala rin akong ideya ng mga oras na 'yon sa kung sino at anong balak ng mga iyon at pinalilibutan kami. Ngunit, nagsimula na ring dagain ang dibdib ko ng bumukas ang isa sa mga binatana ng nasa kanang bahagi namin at mula roon ay inilabas ng lalaki sa front seat ang braso niyang may hawak ng baril bago iyon sunod-sunod na papatukin sa sasakyan namin.
"May baril sila—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kasabay na no'n ang malalakas na putok ng baril at pagtama ng mga bala sa iba't ibang bahagi ng kotse namin. Kapwa kami na pa hiyaw ni Mommy na halos lamunin na rin ng tunog ng sunod-sunod na putok ng baril, hanggang sa isang malakas na pwersa ang nagpatalsik sa sinasakyan naming kotse—may bumangga sa amin mula sa kung saan at lahat ay naging blanko na para sa akin.
*****
Napasinghap ako ng hangin ng magising sa bangungot na iyon. Rinig na rinig ko pa rin ang malakas na t***k ng puso ko at pamamawis ng mga kamay ko dahil sa takot at kabang nararamdaman.
Mabuti na lang at panaginip lang—
"Eloise? Eloise, gising ka na! Tumawag kayo ng doktor!" boses iyon ng Ninang Serina niya na agad niyang binalingan. Ramdam niya ang kamay nitong mahigpit na nakakapit sa kamay niyang basa pa rin dahil aa pamamawis niya. "Kumusta ka? Anong nararamdaman mo?"
"Ninang..."
"Oo, ako nga ito. Anong nararamdaman mo ngayon? May masakit ba—"
"Nasaan ka, Ninang? Hindi kita... hindi kita makita," ang bigkas ko habang sinusubukang kapain kung nasaan siya.
Sinubukan kong idilat muli ang mga mata ko ngunit nakadilat na ang mga iyon pero purong kadiliman lang ang sumasalubong sa akin. Sinubukan kong hawakan ang mukha ko kung may nakatabing bang kung ano roon at bakit wala akong makita pero wala ring kahit na anong nakataklob sa mukha ko. Agad na gumapang ang takot sa buo kong pagkatao, at nagsimula ng dagain ang dibdib ko.
"N-Ninang... Ninang, wala akong makita. A-Anong nangyayari? Bakit gan'to?" ang taranta kong tanong sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa 'kin.
"Teka, Eloise! Kumalma ka muna, okay? Tinawag na ang doktor mo," aniya sa akin kahit na ramdam ko rin ang kaba mula sa tinig niya. "Wala pa ba ang doktor!?"
Rinig na rinig ko ang tila ay nagkakagulo ng mga tao sa silid kung nasaan ako na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ngunit, ng sumagi sa isipan ko ang pangyayari bago ako mapunta rito ay para akong binuhusan ng malamig na tubig, at dahan-dahang napabitaw mula sa pagkakakapit kay Ninang Serina.
"Hindi... hindi! Hindi!" ang hiyaw ko bago mapahawak sa ulo ng magsimula iyong sumakit kasabay ng pagbaha ng alaala sa isipan ko.
"Eloise? Bakit? Anong nangyayari?" boses muli ni Ninang ngunit hindi ko siya magawang sagutin.
May sinasabi pa siya ngunit tila ay nalulunod na ako at hindi na iyon maintindihan ng maayos hanggang sa kasabay ng pagbaha ng mga alaala ko ay ang mga boses nila Mommy at Daddy habang nasa sasakyan kami. Ang mga hiyaw nila, maging ang walang tigil na tunog ng pagtama ng bala sa sasakyan namin, at isang... isang malakas na tunog ng pagbangga mula sa harapan ng kotseng sinasakyan namin.
Napahiyaw ako habang hawak hawak pa rin ang magkabilang tainga ko para takpan iyon. Ramdam ko na ang pamamasa ng pisngi ko dahil sa mga luhang tuloy-tuloy rin sa pagkawala sa mga mata ko.
"Eloise, anak, kumalma ka andito ako sa tabi mo!"
"Hindi... hindi... si Mommy? Si Daddy?" muli kong tarantang kinapa kung nasaan si Ninang Serina na agad naman akong hinawakang muli. "Ninang, nasaan si Mommy at Daddy? Kasama ko sila! Nasa sasakyan kami tapos... tapos..."
"Eloise, pakiusap, ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat pero ngayon kailangan mo munang huminga, kailangan mong kumalma," ang boses nito na halata ang pag-iyak.
"Ninang, kailangan kong puntahan si Mommy at Daddy! Nasaan sila? Kasama ko lang sila sa kotse..."
Hindi ko na nagawang tapusin ang sasabihin ko ng maramdaman ko na ang mahigpit niyang pagyakap habang patuloy na umiiyak. Wala siyang sinasabi ngunit sa paraan ng pagyakap at pag-iyak niya habang akap-akap ako ay para ng pinipiga ang puso ko.
"Ninang..."
"Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat pakiusap pero sa ngayon kailangan mo munang kumalma, hmm?" ang muli niyang sambit na tila ay pinapatapang ang boses.
"Anong... anong ibig sabihin niyo sa ipapaliwanag niyo sa akin ang lahat? Ano pa ang dapat kong malaman, Ninang?" ang mahina kong tanong na hindi na niya nagawang sagutin.
Nanatiling siyang nakayakap sa akin habang umiiyak hanggang sa marinig kong dumating na ang doktor at nurses na agad akong chineck. Tahimik na ang silid habang chini-check ako ng mga doktor at ng sabihin nito ang kagayan ko at ng mga mata ko ay muli na namang binalot ng mga hikbi ang kuwarto habang ako ay tuliro at hindi pa rin maproseso ang lahat sa isipan ko.
Ayon sa doktor ay nagkaroon ng kumplikasyon sa mga mata ko dahil sa aksidente at maaaring tuluyan na akong mabulag habang buhay. Narinig ko pa ang pakikipagtalo ni Ninang Serina pagkatapos sabihin 'yon ng doktor pero para na akong nabingi at hindi na sila naintindihan. Ngunit, ramdam ko ang muling pagdausdos ng mga luha sa pisngi ko.
Hindi na ako makakakita kahit kailan...
Nang araw na 'yon ay para na akong manhid habang paulit-ulit na inaalala ang nangyari sa 'min nila Mommy. Walang nagsasalita sa loob ng silid tungkol sa aksidenteng kinasangkutan namin, at hindi ko rin alam kung sino-sino ba ang nasa silid.
Nakatulala lang ako, nakadilat ang mga mata ngunit purong itim lang ang nakikita ko. Hindi pa rin maproseso ng utak ko ang inanunsyo ng doktor tungkol sa pagkawala ng paningin ko, at mukhang hindi ko iyon mapoproseso kahit na kailan.
Nang mga sumunod na oras ay tanging si Manang Isay na lang ang naririnig kong boses sa tuwing tatangkain niyang pakainin ako o magtatanong siya kung anong gusto ko o anong nararamdaman ko. Hindi ko na narinig ang boses ni Ninang Serina na ayon kay Manang ay saglit lang lumabas ngunit nakaidlip na ako at lahat pero hindi ko na muling narinig ang boses niya.
"Magandang gabi. Kumusta na siya Manang?"
"Kayo pala, sir Gilbert, ma'am Lorna. Ano hong ginagawa niyo rito?"
Kilala ko ang mga boses na iyon at mukhang sa pagbanggit ni Manang sa mga pangalan nito ay pinaparating niya sa akin na andito ang mga Tito at Tita kong sa pagkakaalala ko ay matagal na kaming hindi kinilalang pamilya.
"Ano ba namang tanong 'yan, Manang? Of course bisitahin namin ang pamangkin namin. Nakarating sa 'min na gising na siya at..." ang bitin na boses ni Aunt Lorna na kapatid ni Uncle Gilbert na kapwa naman pinsan ni Papa sa side ni Lolo.
"Gising ba siya?" si Uncle Gilbert
"Kapapahinga lang niya, mabuti pa siguro ay bumalik na lang kayo bukas," ang halatang pagtataboy ni Manang sa dalawa.
Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa kama ko at ang boses ni Manang na tila ay pinipigilan ang mga ito.
Nanatili namang nakapikit ang mga kong hindi ko pa rin matanggap na nawala na ang kakayahang makakita. Nanatili akong hindi gumagalaw sa higaan na tila ay nagpapanggap na patay na hindi humihinga.
"Aww, our poor Eloise, siguradong durog na durog ang puso niya ng malaman niyang hindi na siya makakakita kahit kailan," si Aunt Lorna na hindi ko alam kung nanadya bang mang-inis o talagang nakakainis na noon pa man ang tono niya.
Narinig ko naman ang isa pang yabag na tingin ko ay galing kay Manang. " Masyado ng mabigat ang dinadala niya dahil sa balita tungkol sa paningin niya. Mabuti siguro kung —"
"Alam na ba niya ang tungkol sa magulang niya?" ang boses naman ni Uncle Gilbert na siyang nakaagaw ng atensyon ko.
Saglit na katahimikan naman ang bumalot sa silid ng hindi sumagot si Manang Isay. Nabuhay naman ang kaba at kuryosidad sa dibdib ko.
"Oh my gosh! Don't tell me, she doesn't know that her parents are... gone," si Aunt Lorna.
Malakas na kumabog ang dibdib ko.
Anong ... anong ibig niyang sabihin.
Gusto kong magsalita para magtanong sa mga ito ngunit tila ay nawalan ako ng lakas habang patuloy pa rin na pinuproseso ang narinig.
Imposible... hindi naman siguro ibig sabihin na... na...
Narinig kong muli ang mga yabag na tila ay palayo na sa kama ko. "We will be back. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa kumpanya ni Lolo. Ngayong wala na si Marcelo, at may kumplikasyon sa mata si Eloise, paniguradong wala ng hahawak doon. Let's go, Lorna!"
"That fast? Hindi pa nga tayo nakakaupo!"
Nanatiling tahimik si Manang Isay hanggang sa makalayo ang mga yabag at marinig ko ang pagsara ng pintuan ng silid kung nasaan ako. Doon lang ako napadilat at ng marinig ang yabag na paniguradong si Manang ay bahagya na akong bumangon sa pagkakahiga. Narinig ko agad ang paglapit niya.
"Ay, jusko ko! Kanina ka pa ba gising? May nararamdaman ka —"
"Tell me, Manang..." ang mahina kong bulalas. Wala pa man ay ramdam ko na ang pagkirot ng puso ko. "Please, tell me the truth. Nasaan sina Mommy at Daddy?"
Sinikap kong hindi mabarag ang boses ko ngunit agad ng dumausdos muli ang mga luhang akala ko ay ubos na.
"Manang..."
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak niya sa kamay ko bago ko sunod na maramdaman ang pagyakap niya. Nang una ay tahimik lang siya hanggang sa maramdaman ko ang panginginig ng balikat niya.
"Eloise... hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo, lalo na pagkatapos mong malaman ang tungkol sa mga mata mo," ang nanginginig ang boses na panimula nito pero wala pa man ay para ng pinipiga ang puso ko. "Pero alam kong dapat mo 'tong malaman, bilang anak nila..."
"K-Kung gano'n... ang sinabi ni Aunt Lorna kanina..." bitin kong sambit na lalong ikinaiyak niya at ikinabuhos ng mga luha ko.
"Totoo ang sinabi ng Tita mo," ang nahihirapan niyang pagsagot sa 'kin. "Wala na sina Marcelo at Felicia, wala na ang Mommy at Daddy mo, Eloise!"
Nang mga oras na iyon ay tuluyan ng tumigil sa pag-ikot ang mundo ko, at tuluyan na ring namatay ang kagustuhan kong magpatuloy sa pangalawang buhay na natanggap ko.
Ang akala ko ay may sasakit pa sa pagkawala ng mga paningin ko, ang akala ko iyon na ang bagay na kahit kailan ay hindi ko matatanggap at habang buhay na hindi mapoproseso. Ngunit hindi, dahil walang kapantay ang sakit na dulot ng binalitang iyon sa akin ni Manang Isay. Pakiramdam ko ay tuluyan na rin akong tinakasan ng buhay kasabay ng sunod-sunod na pagtakas ng luha sa mga mata kong nawalan na rin ng kulay.