Chapter 2

2152 Words
02. "Tulungan ko na po kayo, Miss Eloise—" "Sinabing bitawan mo ako!" ang sigaw ko kasabay ng paghawi ko sa kamay ng kasambahay na sinubukan akong alalayan sa muling pagsasalin ko ng alak sa baso ko. Umalingaw-ngaw ang pagkabasag ng basong kasabay kong naihagis dahil sa paghawi sa kaniya. "Kailangan ko bang ipaulit-ulit sa inyo na hindi ko kailangan ng tulong! Kaya ko ang sarili ko kaya hayaan niyo na akong mag-isa!" ang muli kong singhal habang nakaharap sa kung saan ko narinig ang impit na paghiyaw kanina ng kasambahay. "All of you! Leave! Leave before I kick you out of this mansion!" Sunod-sunod kong narinig ang mga nagmamadaling mga yabag papalayo hanggang sa tuluyan ng balutin ng katahimikan ang buong kusina kung nasaan ako. Mabibigat ang paghinang mahigpit kong hinawakan ang bote ng alak sa kamay ko bago iyon laklakin ng tuloy-tuloy. Hindi ko tinigilan ang alak hanggat hindi ko iyon nauubos at ng tuluyan kong masimot ang laman nito ay iyon naman ang padarag kong hinagis sa kung saan bago ako tuluyang nag-breakdown at dumausdos pababa sa lapag. "Arghhhhh!" ang umiiyak na hiyaw ko habang walang tigil sa pagdaloy ang mga luha kong hindi na 'ata naubos dahil sa araw-araw kong pag-iyak. "I should have died! Kinuha niyo na lang din sana ako kung paparusahan niyo lang din ako ng gan'to!" I cried my heart out para maibsan ang sakit na nararamdaman sa dibdib ko pero mukhang hindi na iyon matatanggal kahit na anong gawin kong pag-iyak araw-araw. Halos mag-iisang taon na simula ng mangyari ang aksidente pero bawat araw ay sariwa pa rin sa akin lahat lalo na at sa bawat gising ko ay purong kadiliman lang ang bumubungad sa akin. Ang kadiliman na 'yon ang palaging nagpapaalala sa akin ng madilim kong reyalidad, na ang kapalit ng buhay ko ay ang pagkawala ng paningin at mga magulang ko. And my heart always ache in the fact na hindi ko man lang sila nagawang ihatid ng ilibing sila o kahit man lang nasilayan ang mga mukha nila. Dahil ng magising ako pagkatapos ng aksidente ay isang araw na ang nakalilipas ng ilibing silang dalawa. Walang araw ang lumipas na hindi bumabalik sa akin ang mga nangyayari, ang tunog ng mga baril, ang mga boses ng magulang ko, ang malakas na tunog ng pagbangga ng kung ano sa kotseng sinasakyan namin. Everything was still clear for me, like as if it all happened yesterday. "Diyos ko po! Anong nangyari— Eloise! Eloise, ayos ka lang ba?" boses iyon ni Manang Isay na mukhang kapapasok lang ng kusina. Nanatili naman akong nakasalampak sa sahig bago punasan ang mga luha sa pisngi ko. Mabibigat pa rin ang bawat paghinga ko hanggang sa maramdaman ko siya sa tabi ko, agad niya akong hinawakan para tignan kung may sugat ba ako. "May masakit ba sa 'yo? Huh? Sabihin mo sa 'kin," ang puno ng pag-alala niyang tanong. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya kahit na hindi ko naman siya nakikita bago ko paulit-ulit na pinaghahampas ang dibdib ko. "Dito! Ang sakit sakit dito, Manang, bawat oras, bawat minuto! Ang sakit sakit!" Agad naman niyang pinigilan ang kamay ko sa paghampas sa dibdib ko at agad akong niyakap para aluin. Hinayaan ko naman siyang yakapin ako at aluin ako habang hinihimas ang likuran ko. Sa bawat araw na nagbe-breakdown at nawawala ako sa sarili ay si Manang Isay ang palaging nasa tabi ko. Siya ang yumayakap at nagpapakalma sa akin kahit na alam kong nahihirapan na siya sa paulit-ulit kong pagbabasag sa mansyon. Siya lang ang hinahayaan kong tumulong sa akin at wala ng iba. Hindi ko na alam kung kailan ako huling nakalabas ng mansyon ng ako lang dahil hindi ko na namamalayan ang bawat paglipas ng araw na kung hindi ako naglalasing ay nagkukulong naman ako sa kuwarto. Kung minsanay dinadalaw ako ng mga kaibigan ko at iginagala ako sa labas, doon lang ako sapilitang lumalabas sa mansyon. Pero, sa mga normal na araw ay nanatili lang ako sa kuwarto ko maghapon, nakatulala at nakakulong lang doon. Kung minsan ay nilalabas naman ako ni Manang sa garden para maglakad-lakad at sanayin ko ang sarili ko sa pagkapa at pagtanda sa paligid gamit ang walking stick ko, at para na rin makalanghap ako ng hangin kahit na papaano. "Oh? Himala 'ata at nasa labas ka ngayon? Hi my dear cousin!" ang pamilyar na boses na isa sa pinaka ayokong marinig sa lahat. Nanatili naman ako sa kinatatayuan ko habang hawak ang stick ko. Nakatayo ako sa garden ng mansyon dahil pinilit ako ni Manang na maglakad-lakad, kanina ay kasama ko siya pero saglit siyang tinawag sa loon kaya nagpaiwan mun ako rito. "What's bring you here? Hindi pa ba sapat na naghahari-harian kayo ngayon sa kumpanya namin at andito ka ngayon?" ang sabat kong agad bago marinig ang tunog ng takong niyang papalapit. "Oh my goodness! Why are you talking like that?!" ang nakakairitang tanong ni Leslie ang pinsan kong anak ni Aunt Lorna na katulad niya ay nakakairita rin ang tono ng boses at ang buong pagkatao. Naramdaman ko ang paghinto niya sa gilid ko. "You're so ungrateful! Nagmagandang loob na nga akong bisitahin ka gan'yan mo pa ako iwe-welcome?" "And who the hell said that you're welcome here?" ang matalim kong pambabarag sa kaniya. "Tss. Bakit ba hindi na lang boses mo ang nawala?" ang bulong niya na ikinabaling ko sa kaniya. "What did you just say?" "Nothing! Well, mukhang ayos ka naman na at humihinga pa rin kaya aalis na ako. Pumunta lang naman ako dahil inutusan ako ni Uncle Gilbert na kumustahin ka, and I'm done checking on you so bye!" ang maarteng anito. Hindi makapaniwalang napangisi naman ako. "Hindi ba kayo makapaghintay na tapusin ko ang sarili ko? Well, sadly kahit na ilang beses ko ng tangkain wala pa ring nagbabago. Maybe, because I still have a purpose?" "What are you saying?" "I am just saying that you can't have all of our money and properties, especially the company. Hindi, hanggat nabubuhay pa ako," ang sambit ko sa kaniya bago igalaw ang walking stick ko para kapain ang daan at talikuran na sana siya. "Huh! You're still full of yourself!" aniya bago ko maramdaman ang paglapit niya na hindi maganda ang pakiramdam ko kaya bago pa man siya makapalapit ay iniharang ko na ang walking stick ko sa gawi kung saan ko naririnig ang kalatak ng takong niya. Ngunit, mukhang natisod siya no'n kaya bago pa man siya makalapit ay narinig ko na ang pagbagsak niya kasabay ng malakas niyang paghiyaw. "Ahhh!!" daing niya. "How dare you do this to me! Sinadya mo 'to!" Nagtaas ako ng tingin sa kaniya kahit na hindi ako sigurado kung saan ang eksaktong pinagbagsakan niya. "I am blind, Leslie. Hindi ako ang may gawa niyan. Baka karma na dahil sa kasamaan ng ugali mo o sadyang tanga ka lang?" ang litanya ko na inis niyang ikinamura. "Nako po! Miss Leslie? Ano pong nangyari sa inyo?" ang boses ni Manang Isay na mukhang papalapit na sa amin. Inayos ko naman ang stick ko at inilagay sa gilid ko. Sinundan ko ang gawi mung saan ko narinig ang yabag ng mga palapit. "Tulungan niyo si Miss Leslie!" utos pa ni Manang bago ko siya maramdaman sa tabi ko. "Ayos ka lang ba? May ginawa ba siya sa 'yo?" ang mahina nitong bulong na agad kong ikinailing. "Arggg! My dress is ruined! Alam mo ba kung gaano kamahal 'to?" si Leslie na mukhang nakatayo na sa tulong ng mga bodyguard. "Hindi, at hindi ako interesadong alamin." Tinalikuran ko na siya habang nakaalalay sa akin si Manang. "Get her out. Sinabi ko na sa inyong 'wag magpapapasok ng kung sino-sino lang." "Excuse me!?" pag-angal niya pa. Hindi ko na siya nilingon at nagpatuloy na lang sa paglalakad habang nasa tabi ko si Manang Isay na maya-maya ay bumulong sa akin. "May bisita ka sa loob," aniya. Kumunot ang noo ko. "Sila Cheska na naman ba? Kalalabas lang namin nakaraan." "Hindi, hindi ang mga kaibigan mo pero sigurado akong ikatutuwa mo kung sino," ang masiglang aniya na lalonko lanh ikinalito. Bukod sa mga kaibigan ko ay wala namang dumadalaw sa akin dito sa mansyon, bukod sa wala naman na akong kaibigan ay puro tauhan na ni Uncle Gilbert ang nandito sa loob kaya kahit sa amin ang mansyon ay pakiramdam ko, ay hindi ako ligtas sa mga taong nasa paligid ko. Sila na rin kasi ang namamahala ngayon sa kumpanya ng Del Fuente lalo na at nasa ganito pa rin akong kalagayan. Alam kong gusto lang nila akong tulungan na hindi malugi ang kumpanya habang wala ako, pero alam ko rin na ginagawa nila lahat ng 'to dahil may balak sila sa kumpanya. Hindi iyon haka-haka lang dahil matagal ko na iyong nararamdaman na tila ay planadong-planado ang biglaang paghawak nila sa kumpanya. Hinintay lang nila akong magising para makuha ang apruba ko kahit na wala pa ako sa tamang wisyo ng mga panahong 'yon. I'm just letting them for now, pero hindi ko hahayaan na angkinin nila ang pinaghirapan ng pamilya ko. "Nandito na tayo," bulong ni Manang ng makapasok na kami sa salas ng mansyon. "Eloise? Eloise!" ang pamilyar na boses na ngayon ko na lang muling narinig. Nangunot ang noo ko. "Ninang Serina?" Narinig ko ang pagtunog ng suot niyang heals papalapit sa puwesto namin bago ko maramdaman ang pagyakap niya sa akin ng mahigpit. "I'm so glad to see you again! Ang akala ko hindi na kita makikita ulit," aniya matapos kumawala sa pagkakayakap sa akin. Lito ko naman siyang tinignan kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya. "Ninang? Bakit... teka, nabibigla ako. Paanong nandito kayo ngayon? Nang huli kong balita kay Uncle Gilbert, nasa ibang bansa ka na kaya hindi ka na nakakadalaw?" Saglit silang natahimik ni Manang. "Did he said that?" Marahan akong tumango bilang sagot. "That bastard!" "Nako, mabuti pa siguro ay maupo na muna kayo," ang suhestyon ni Manang. "Hindi ba't may sasabihin ka kay Eloise, Ma'am Serina? Pag-usapan niyo na lang habang nakaupo, at ikukuha ko kayo ng tsaa." Katulad ng sinabi ni Manang ay naupo na muna kami sa sofa ni Ninang Serina na hindi na binitawan ang kamay ko habang pinapagalitan ako dahil sa pagbaba raw ng timbang ko.Nabanggit niya rin na hindi totoo na umalis siya ng bansa kaya hindi na siya nakakabisita sa akin, dahil ang totoo raw ay pinagbawalan siya ni Uncle Gilbert na bisitahin ako simula noong araw na gumising ako sa ospital. Ang pagpunta niya ngayon ay planado nila ni Manang Isay at hindi alam ni uncle Gilbert. Hindi ko maintindihan nang una ang sinasabi niya dahil taliwas ang mga iyon sa mga nalaman ko, at ngayon ay lalo lang bumigat ang pakiramdam ko dahil alam kong hindi magsisinungaling sa akin si Ninang Serina. Mas kilala ko siya kaysa kay Uncle Gilbert kaya alam kong nagsasabi siya ng totoo. Pero, hindi ko makuha kung bakit 'yon ginawa ni Tito. Saglit naman kaming iniwan ni Manang Isay para ikuha kami ng tsaa at makakakain. Naiwan kaming dalawa ni Ninang Serina na lalong naging seryoso sa usapan namin, ng maitanong ko kung ano ba talaga ang pakay niya sa pagpunta ngayon. "Nandito ako ngayon para sabihin sa 'yong itatakas kita," ang mahina ngunit mariin niyang sambit. Naguguluhang nagsalubong ang mga kilay ko. "Itatakas? Anong ibig niyong sabihin, Ninang?" Huminga siya ng malalim at mas lumapit pa sa akin. "Makinig ka, Eloise, sa tingin ko ay may madilim na binabalak 'yang si Gilbert kaya hinahayaan ka niyang hindi na magpa-check-up sa mata mo." "Dahil hindi na rin naman kailangan—" "Kailangan!" agad niyang pagputol sa akin. "Alam mo ang trabaho ko, Eloise, at isang tingin ko lang alam ko na agad kung may pag-asa o wala na ang pasyente ko." Doon lang sumagi muli sa akin na isa nga pala siyang Ophthalmologist at ekperto siya sa mga ganitong kaso sa mata katulad ko. Agad na kumabog ang dibdib ko. "Daretsuhin mo na ako, Ninang." Huminga ito ng malalim. "Wala akong tiwala sa doktor na nagsabi sa 'yo kaya tinignan ko mismo ang mga medical records mo sa ospital at iba ang nalaman ko sa sinabi ng doktor mo," panimula niya. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko. "Puwede pang maibalik ang paningin mo, Eloise, sigurado ako ro'n." Lalong lumakas ang t***k ng puso ko. "T-Totoo ba 'yang sinasabi mo, Ninang? May pag-asa pang makakita ako?!" "Oo, Eloise. Kailangan mo lang operahan at handa akong gawin 'yon para tulungan ka." "Salamat! Salamat po, Ninang!" "Pero, gagawin ko lang iyon kung papayag ka sa kundisyon ko," ang seryoso pa ring sambit nito. "Kundisyon? Ano namang kundisyon?" Saglit siyang natahimik bago bumulong sa akin. "Kailangan nating itago ang lahat ng ito sa kahit na kanino, lalo na sa uncle Gilbert mo. Gagawin natin ang operasyon ng palihim kaya itatakas ka namin ni Manang Isay dito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD