Chapter 3

1903 Words
03. Dark Zion Buenavista's POV "Welcome back, bro!" salubong sa 'kin ni Tristan ng makarating na ako sa bar na pagmamay-ari niya. "Sheesh! Si Dazi na ba 'yan? Pare, long time no see!" si Lance na sinalubong din ako. "Si Dazi?" si Clark. "Damn! Buhay ka pa pala!" si Jigs. Naiiling na sinalubong ko naman ang buong barkada na present 'ata ngayon o palagi naman 'ata silang present bukod sa akin. "Gano'n niyo ba ako na-miss para mag-set ng party ngayon?" ang ngising pang-aasar ko na agad ikinalukot ng mga mukha nila bago kami dumaretso sa table nila. "Akala ko pa naman mababago ka na ng kaka-out-of-the-country mo pero wala na 'atang tatalo sa kahanginan mo," komento ni Lance na naiiling pa sa 'kin. Agad naman akong inabutan ng isang bote ng beer ni Tristan. "Dahil late ka, iisang tungga mo 'yan." "'Yun oh!" "Sisiw lang 'yan, si Dazi pa ang hinamon niyo eh tubig niyan alak," si Jigs na ikinailing ko lang bago inisang tungga nga ang hawak kong bote. Naghiyawan ang mga loko habang chinicheer ako. Agad ko namang naubos ang laman ng bote at muling ipinatong 'yon sa ibabaw ng lamesa bago magpunas ng labi. Lalo silang nag-ingay bago ako sikuhin ni Clark at inguso ang kabilang table na agad kong ikinatingin doon. "Iba ka rin talaga, Dazi, kararating mo lang pero nakakuha ka agad ng chicks," bulong ni Clark habang tinatanaw ang kabilang table na may tatlong babae. Agad na nagtama ang tingin namin ng babaeng nasa gitna at nakatitig na sa akin. Sumilay ang ngisi sa labi ko bago ng ngumiti siya at itinaas ang hawak na babasaging baso na may lamang alak. "Oww! Kita ko 'yon ah! Lakas mo pa rin talaga!" si Tristan na nasa kabilang gilid ko na at salitan na kaming tinitignan ng babae sa kabilang table. "Grabe ka na, kauuwi mo pa lang ng Pinas may nabinggit ka na agad. Nagpapahinga ka pa ba?" pang-aasar naman ni Lance na sinundan pa ng pagpito ni Jigs. Nailing ako bago kumuha muli ng alak. "Mga siraulo. Gan'yan ba talaga kapag mga nakatali na?" "Anong nakatali? Ginawa mo naman kaming aso," si Jigs na naglagay muli ng yelo sa baso niya. "Tss, tss, hayaan niyo na 'yang si Dazi hindi pa kasi 'yan nakaka-move-on sa ex niya nung college," si Clark na ikinatawa ng mga loko. Mataman ko siyang tinignan bago makipagbungguan ng basong hawak at daretsong uminom. "Ayan ka na naman sa mga kuwento mo. Wala na bang bago." "Pa'no magkakaroon ng bago kung hanggang ngayon hinahanap mo pa rin si.. sino nga ulit 'yon?" ang tanong ni Lance. "Eloise! Eloise Del Fuente! Takte, tanda ko pa rin 'yon hanggang ngayon," si Jigs na akala mo nanalo sa lotto. "Eh, pa'no ba naman do'n lang halos nabaliw 'tong si Dazi hanggang pag-graduate!" si Clark habang tumatawa pa rin. Muli naman akong napasalin ng inumin bago 'yon daretsong inumin. Napansin naman agad ni Tristan na tila wala na ako sa mood kaya humarang na siya sa mga ito sa tabi ko. "Tama na 'yan! Mga lumang tao talaga kayo pati mga nakatago na sa baul inuungkat niyo. Tara sa dance floor!" ang pag-aya niya na masigla namang sinang-ayunan ng tatlo bago ako hatakin kahit na tumanggi ako. Wala naman akong nagawa kundi ang sumama sa kanila sa dance floor kung saan nagwala silang apat na ang akala mo ay naiwan na ang kahihiyan at ngayon na lang muli nakapag-bar. Pero, sabagay paniguradong ngayon lang sila nagiging malaya dahil mga under ng girlfriend at asawa nila ang mga 'to. Nanatili naman akong tumatawa habang pinapanood silang magkalat sa gitna hanggang sa tabihan ako bigla ni Tristan. "Dazi, naaalala ko lang bigla," panimula niya na halos sigawan na ako para lang marinig siya. "Ha? Ang alin?" "'Yung balita sa mga Del Fuente!" sigaw niya muli na hindi ko agad narinig ng mabuti kaya hinila niya ako para bulungan na sa tainga. "Nabalitaan mo na ba 'yung nangyari sa mga Del Fuente at kay Eloise?!" Dahan-dahang nawala ang ngisi sa labi ko at lito siyang binalingan. Nabasa naman niya agad sa reaksyon ko ang sagot. "Gusto mo bang malaman?" Wala pang isang linggo simula ng bumalik ako ng bansa galing sa Canada at halos isang taon na rin akong wala sa bansa dahil sa pagsusulit ko ng one year leave ko sa trabaho. Kung saan saan na ako nakarating na bansa at talagang hindi ako nakibalita sa mga kung anong nangyayari rito. Kaya ng marinig ko kanina ang sinabi ni Tristan tungkol sa mga Del Fuente ay hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Wala naman akong koneksyon sa pamilya nila, bukod sa dati kaming magkakilala ng nag-iisang anak at apo ng mga Del Fuente. Kaya hindi ko malaman sa sarili kung bakit iba ang nararamdaman ko ng mabalitaan ko ang tungkol kay Eloise, ang pangalan na matagal ko ng hindi naririnig. "Namatay ang mga magulang niya sa isang aksidente at... nawalan na siya ng paningin. Wala ng balita ulit sa kaniya pagkatapos no'n." Muli kong tinungga ang panibago kong bukas na bote ng alak habang inaalala pa rin ang sinabing 'yon ni Tristan. Kung gano'n... 'yon na pala ang nangyari sa kaniya pagkatapos ng ilang taong wala akong balitang kahit na ano tungkol sa kaniya. "Drinking alone? Mukhang malalim 'ata ang iniisip mo?" Napaangat ako ng tingin dahil sa paglapit ng boses na 'yon sa tabi ko at agad na sumalubong sa akin ang babaeng nakatinginan ko sa kabilang table kanina. Sumilay ang mapang-akit na ngiti sa labi niya. "Hi! Would you mind sharing this table with me?" Ngumiti rin ako sa kaniya pabalik bago umusod at makipag-toast sa kaniya. "Mag-isa ka na lang 'ata?" ang tanong niyang muli bago ako titigan, tinitigan ko naman siya pabalik. "Do you want me to accompany you?" Agad na sumilay ang malaking ngisi sa labi ko at ang sumunod na eksena ay nasa loob na kami ng isa sa mga VIP room ng bar ni Tristan na nakita pa kaming pumasok sa loob. "Hmm..." ang mahinang ungol ng babaeng kahalikan ko kahit na hindi ko pa alam ang pangalan niya. Sinasabayan niya ang bawat hayok kong halik sa kaniya habang iniisa-isang tiantanggal ang butones ng itim kong polo. Agad ko siyang tinulak paupo sa sofa bago alisin ng tuluyan ang suot kong pang itaas dahilan kay bumalandra sa harapan niya ang katawan ko. Saglit siyang napakagat ng labi bagohabang pinapasadahan ako ng tingin. Isinandal ko naman ang kamay ko sa ibabaw ng sofa at isinarado ang naka "You like the view?" "I love it and will also love your friend down there," ang maharot nitong sabi bago ako hatakin palapit at siilin ng halik. Nakangisi naman akong tumugon sa kaniyang halik habang naglalakbay ang mga kamay niya sa mga braso ko. Agad ko naman siyang ihiniga sa sofa bago pumaibabaw sa kaniya at marahang pinadausdos ang palad ko sa hita niya papasok sa kaniyang suot na fitted na dress na ngayon ay nakataas na. "Uhmmm... should we make it quick and put it in?" aniya bago pasadahan ang katawan ko pababa sa patalon ko. Naiiling na lumawak ang ngisi ko bago tuluyang hubarin ang panty na suot niya. "Why you're such in a rush?" "I'm just excited to see if you're also big down there-Ahhh!" hiyaw niya ng ibuka ko ang magkabilang hita niya. "Oh, you're wet already? We just kiss," ang ngising pang-aasar ko bago niya ikawit ang kaniyang mga braso batok ko para halikan muli ako. "Can't help it. You're so fvcking hot and sexy," aniya sa pagitan ng halik ngunit agad akong tumigil. "Thanks for stating the obvious. But, isn't it better to know each other's name first?" ang taas baba pang kilay na sambit ko habang nilalamas ang kaniyang malusog na dibdib na agad niyang ikinaungol. "Uhmmm... I'm Ellie, how about you? hmmm?" Agad akong napatigil sa ginagawa at nagsalubong ang kilay. "Pardon? You're Ellie?" "Yes. Why? May problema ba—teka saan ka pupunta? ang agad niyang tanong ng tuluyan na akong umalis sa ibabaw niya at tumayo. Napaayos din siya ng upo bago isara ang mga hita at lito akong sinundan ng tingin. "I'm sorry, honey, but I have this one rule when fvcking strangers," sabat ko bago damputin ang polk ko at isuot iyon. Nilingon ko siya at ngumisi. "I don't fvck women with the name starts with the letter E," dugtong ko sabay kindat at talikod sa kaniya para lisanin ang silid. "What the! Are you serious! Hey!" Hindi ko na siya nilingon pa at nagdare-daretso na paalis sa silid. Pagbalik ay agad kong nakasalubong ang tropa na kababalik lang sa table namin at nagtatawanan ng makita nila ako. "Oh? That was quick! Kapapasok niyo lang ah?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Jigs na ikinailing ko. Agad akong kumuha ng isang bote ng beer na agad kong tinungga. Nagsususpetsa naman akong tinignan ni Tristan na kabisadong-kabisado na ako. "Your rule again? Ano namang pangalan niya ngayon na nagsisimula sa letter E at mukhang pinagbagsakan ka ng lupa?" Tinapos ko muna ang iniinom ko bago siya sagutin. "Ellie." Naitikom naman nito ang bibig bago ako tapik-tapikin sa balikat na tila ay inaalo ako na agad kong inalis bago maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone ko sa bulsa na agad mo namang kinuha. Napangiwi ako ng makita ang pangalan ng caller bago magpaalam na lalabas muna. "What is it, Coreen?" ang agad kong tanong matapos sagutin ang tawag ng makalabas na sa bar. "Puwede mo ba akong samahan kumain?" ang malungkot na tonong tanong nito na agad kong ipinagtaka. "I thought you had a date?" Natahimik siya sa kabilang linya bago ko marinig ang sunod-sunod niyang paghikbi na ikinabuntong hininga ko. "Send me your location. I'm on my way." Pagkababa ng tawag ay agad akong dumaretso sa sasakyan ko para puntahan ang address ng restaurant na ibinigay niya. Nag-message na lang din ako kay Tristan na may emergency akong pinuntahan. Hindi naman kalayuan ang resto sa bar kaya hindi rin ako inabot ng siyam siyam sa pagpunta. Pagpasok ay agad ko siyang nakita dahil agad niya akong kinawayan habang sumisinghot-singhot pa at namamaga ang mata dahil sa pag-iyak. "Aish. Bakit ba palagi na lang siyang umiiyak sa lalaki," ang bulong ko sa sarili bago maglakad palapit sa table niya habang nakangiting bahagyang kumaway sa kaniya. Pero agad akong napahinto sa paglalakad ng marinig ang isang pamilyar na pangalan na buong gabi ko na 'atang naririnig. Hindi ko alam kung nagkataon lang o talagang pinaglaruan ako ng tadhana. "Eloise? You have a nice name! I'm Ethan." "Why are you talking to me?" "I'm just getting to know our customers." "Your customers?" "Yes. I don't want to brag but I'm the owner of this restaurant." Hindi ako pwedeng magkamali... isa lang ang kilala kong may-ari ng boses na 'yon. Marahan kong nilingon ang table sa kanang bahagi ko kung saan nakaupo ang isang lalaking nakasuot ng isang chef uniform at sa harap niya ay ang isang babaeng hinding-hindi ko makakalimutan. "Ely.." "I'm sorry but if you're done asking, I want to eat alone," ang sagot ni Eloise sa malamig na tono habang ang tingin ay daretso lang na tila ay walang mga buhay ang mga mata. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay tila saglit na huminto ang lahat sa akin ng matitigang muli ang mukha niya bago unti-unting sumilay ang ngisi sa labi ko. "I finally found you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD