CHAPTER 2: His Worries

2023 Words
-=Joross Point of View=- Kahit medyo late na ng nakatulog ako ay maaga pa din akong nagising kinabukasan at dahil rest day naman ay naisipan ko na lang manood ng TV, bago buksan ang TV ay sandali muna akong lumabas ng bahay para bumili ng softdrinks at junkfoods sa tindahan ni Ate Lyda, inabot ko na din ang bayad ko sa kanya sa mga nautang ko sa credit card gayon din ang bayad ko sa nakuha kong pera. Sanay na sa akin si Ate Lydia at gaya ng dati ay ako na ang kumuha ng mga bibilhin ko, labas pasok lang kasi ako sa tindahan nito, dahil malaki naman ang tiwala nito sa akin. Matapos makuha ang mga binili ko ay agad na akong bumalik papasok ng bahay, sakto naman ng mapansin ako ni Mommy na mukhang kakababa lang mula sa kuwarto nila ni Daddy. "Ano ba naman yan Jorss, ang aga aga namang softdrinks at junkfoods niyan." narinig kong paninita ni Mommy nang makapasok na ako sa bahay, hindi na din naman bago dito na makitang may dala lagi akong softdrinks, sanay na din naman kasi  ito na ginagawa kong kape ang softdrinks sa umaga. Ilang beses na ako nitong pinipigilan magsoftdrinks, pero kahit anong panenermon nito ay patuloy lang ako sa hilig kong ito. Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero kung sa iba ay alak ang iniinom kapag stress o may problema sila, iba naman ang way ko para matanggal ang stress na nararamdaman ko, at iyon nga ay ang pag-inom ng softdrinks. Umiinom ako ng softdrinks sa tuwing stress ako o kaya naman ay nalulungkot ako. "Bukas po titigil na ako." nakangiting pangako ko naman dito, pero alam kong hindi na ito naniniwala sa akin, ilang beses ko na bang pinangako dito na titigil na ako, pero hindi nangyayari. Binalak ko din naman tumigil lalo na kapag naiisip kong magdiet, pero mas nanaig ang kagustuhan kong umiyak, hindi ko alam kung addicted na ba ako sa inuming iyon. Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa ito at dali dali akong umakyat at bumalik sa kuwarto ko. Nang makapasok ay agad kong binuksan ang TV. Wala naman akong nakitang magandang palabas ng buksan ko ang TV, kaya naman sandali muna akong nagpalipat lipat ng channels, hanggang sa majkita ko ang movie ni Jim Carrey na "The Trueman Show" Makailang beses ko na din naman napanood ang movie na ito ni Jim Carrey, pero kahit ganoon ay hindi ko pa din itong pinagsasawaang panoodin. Kuwento ito ng isang lalaki na nagngangalang Trueman, buong akala niya ay totoo ang lahat ng nakapalibot sa kanya, ang hindi niya lang alam ay staged lang pala ang lahat ng mga bagay at pangyayari sa buhay niya. Mula ng pinanganak siya, hanggang sa magbinata at nang magkaasawa siya. Lahat ng iyon ay scripted at ang mga nakakasalamuha niya pawang mga artista. Hindi niya alam na ang buhay niya ay isang malaking palabas. Sa tuwing napapanood ko ang movie na ito, ay hindi ko maiwasang hindi isipin at asamin na sana ang buhay ko ay isang malaking TV show na kagaya ng kay Trueman. Iyong tipong may magandang twist na mangyayari na matapos ang sunod sunod na trials at disappointment ay may maganda na ding mangyayari sa buhay ko. Minsan nga naiisip kong baka nga part ako ng isang show, at malalaman ko na lang na hindi naman pala talaga akong mahirap, kung hindi isang mayaman, sobrang yaman na tao. Naiisip ko din na baka katulad sa mga movies at TV series ay may magkakagusto at magmamahal sa akin ng buong buo kahit ganito ang itsura ko. Kung puwede nga lang ako ang maging writer ng sarili kong buhay ai siguradong puro magaganda ang isusulat ko para sa itatakbo ng buhay ko. Nanatiling naglalaro sa isip ko ang mga bagay na gusto ko sanang mangyari sa buhay ko hanggang sa matapos na ang naturang palabas. Hindi ko alam kung kailan nagsimula at kung bakit nga ba ako dumating sa ganitong punto ng buhay ko. Mas gugustuhin ko pang mabuhay sa isang ilusyon, kaysa mabuhay sa totoong buhay kung saan masasaktan lang ako. Madalas nga ay napapaisip akong mabuti na siguro kung basta na lang akong mawawala, pakiramdam ko kasi ay wala na namang magandang mangyayari pa sa buhay ko at ang naghihintay na lang sa akin ay tanging kalungkutan hanggang sa mamatay ako. Tinaningan ko na din ang sarili ko. Gusto ko kapag tumuntong na ako sa edad na kuwarenta anyos ay patay na ako. Mas ok na iyon, kung kuwarenta anyos ako ay at least hindi ako magiging pabigat sa mga kapatid ko kumpara kapag tumanda na ako at wala na akong pakinabang. Kapag nga sinasabi ko sa iba ang tungkol doon ay tinatawanan lang nila ako, ang buong akala kasi nila ay nagbibiro lang ako, pero ang hindi nila alam ay seryoso ako ng gusto ko nang mamatay kapag fourty years old na ako. Natatakot kasi ako... natatakot akong tumandang mag-isa, tumanda na wala man lang magmamahal sa akin. Natatakot ako na mawala ang mga mahal ko sa buhay na maiiwan akong mag-isa. Natatakot akong maunang mamatay ang mga magulang ko at ako ang maghahatid sa kanila sa hukay. Makasarili nga siguro ako dahil sa kagustuhan kong mauna akong mamatay para ako ang ihatid nila sa hukay. Mabuti na siguro ito, at least kapag ako ang naunang mamatay ay may mga magulang akong magdadalamhati sa pagkawala ko, at kung sakaling sila naman ang mawala ay nandiyan pa naman ang iba ko pang mga kapatid. Ayokong dumating ako sa punto ng buhay ko na habang nabubuhay ako ay patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa mga nangyaring paghihirap sa buhay ko. Ayokong mamuhay na punong puno ng what ifs na tumatakbo sa isip ko. Minsan nga napapaisip ako kung meron kayang malulungkot at iiyak kung sakaling mamatay ako, meron kayang makakaalala pa sa akin pag lumipas na ang maraming taon simula nang mawala ako. Dahil sa pag-iisip kong iyon ay hindi ko namalayan nang malaya na palang dumaloy ang mga luha sa magkabila kong mga mata. Pinapakita ko sa ibang tao na ok lang ako, na balewala lang sa akin ang lahat, na hindi ako nasasaktan, na hindi ako natatakot, pero ang totoo ay punong puno ng takot at lungkot ang puso ko na pilit kong sinasarili. Ayoko kasing isipin nila na mahina akong tao, kaya naman kahit mahirap ay pilit ko iyon tinatago at nagpapanggap ako na maayos lang ako. Kung ang iba ay hindi na makapaghintay sa future nila ay iba naman ang nararamdaman ko, kinakatakutan ko ang magiging kinabukasan ko. Tuluyan lang akong natauhan ng marinig ko ang sunod sunod na pagtawag ni Mommy sa baba, tinatawag na pala ako nito para sabay na kaming magtanghalian nila Daddy. Dali dali akong bumaba, sakto naman dahil nasa hapag kainan na din ang mga magulang ko, walang pasok si Daddy ngayon dahil nga sa weekend ngayon. Ako na lang ang natitirang walang asawa sa aming magkakapatid, lima kaming magkakapatid at pangalawa ako sa bunso. Ako na lang din ang kasama ng mga magulang ko sa bahay. Nang magpakasal na nga ang bunso namin ay inaasahan ko na din ang sunod sunod na tanong ng mga kakilala ko kung kailan ba ako magpapakasal dahil nga sa naunahan na ako ng nakakabata kong kapatid. Nagising lang ako sa pag-iisip kong iyon nang marinig ko ang utos ni Mommy na magsandok na ako ng kanin ko, agad naman akong sumunod dito para makapagsimula na kami sa pagkain. Tahimik lang ako habang kumakain, sa totoo lang ay naiilang talaga ako kapag kasabay ko ang mga magulang ko sa pagkain, lalong lalo na si Daddy. Ilang sandali lang namayani ang katahimikan sa amin, nang marinig kong magsalita si Daddy. "Oo nga pala, magpapakasal na si Robert." narining kong sinabi nito, mabuti na lang at nakatingin ito kay Mommy habang sinasabi ang bagay na iyon. Natigilan naman ako sa sinabing iyon ni Daddy.  Si Robert ay pinsang buo ko sa father side, panganay na anak ito ni Tito Arnel na kapatid ni Daddy. Mas bata ito sa akin ng sampung taon. Kung ako ay twenty nine na ito naman ay nasa nineteen years old naman. "Naku! Bakit naman ang bata pa ng pamangkin mong iyon ah?" tanong naman ni Mommy. "Ganoon talaga, wala eh nabuntis ang girlfriend niya, kaya naman nagdecide sila Arnel at ang magulang ng babae na ipakasal ang dalawa, bago pa man lumaki ang tiyan ng babae." paliwanag ni Daddy. Palihim naman akong nagdasal na huwag na sana akong isali ni Daddy sa usapan, kaya nga mas gustong mag-isa na lang para maiwasan ang ganitong usapin. Muli ay nagpatuloy sa pagkain ang mga magulang, sa wakas ay natapos na din kami. Aalis na sana akong ng tawagin naman ako ni Daddy. "Ikaw ba Joross wala ka pa bang balak na mag-asawa? Wala ka pa ngang pinapakilalang girlfriend sa amin ng Mommy mo. Maghanap ka na ng girlfriend  para naman may makasama ka sa buhay.'" narinig kong sinabi nito, mukhang hindi dininig sa Taas ang naging panalangin ko. "Sige po, baka bukas na lang." natatawa ko namang biro dito.  Matapos noon ay agad na akong nagpaalam, sandali kong nilagay ang pinagkainan ko sa lababo at matapos nga noon ay agad na akong dumiretso na ako sa kuwarto ko. Agad namang nawala ang ngiti sa mukha ko nang tuluyan na akong mapag-isa sa kuwarto. Sa totoo lang ay gustong gusto ko nang ipagtapat sa kanila ang totoo kanina, na huwag na silang umasa na mag-aasawa pa ako dahil hinding hindi mangyayari iyon, dahil bakla ako. Bakla ang pinakamamahal nilang anak. "Isa kang malaking duwag!" inis na inis kong insulto sa sarili ko, isang mapait na ngiti ang gumuhit sa mga labi ko sa naisip kong iyon. Ito talaga ang pinakaiiwasan ko sa tuwing makakasabay ko sa pagkain ang mga magulang ko, actually pati na din kapag may family gathering o kaya naman ay reunion ng mga kamag-anak ko namin. Natatakot akong matanong ng mga bagay na alam ko naman na hindi ko masasagot ng makatotohanan. Ayoko na at pagod na din akong magsinungaling, pero anong magagawa ko? Hindi ko naman magawang ipagtapat sa kanila ang totoo kong pagkatao. They say being gay is a matter of choice, pero hindi totoo ang sinabi nilang iyon, dahil kung totoo iyon ay matagal ko na sanang pinili na maging tunay na lalaki. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ng isang tulad ko. Sino bang tao ang pipiliin na maging kakaiba siya sa ibang tao? Sinong pipili na maging bakla na alam naman niya na hindi tanggap ng lahat at magiging sanhi lang ng labis na sakit at paghihirap? Nanatili lang ako sa loob ng kuwarto ko, ganito talaga ako kapag rest day ko mas gusto ko pang magkulong sa kuwarto ko, at least kapag mag-isa ako sa kuwarto ay hindi ko na kailangan magpanggap, hindi ko na kailangan matakot na matanong sa mga bagay patungkol sa pagkatao ko at sa mga plano ko sa buhay. Sa kinabukasan ko na ang sigurado lang ay punong puno ng pagsisisi at labis na kalungkutan. Paano mo nga naman haharapin ang hinaharap mo gayong alam mo naman sa sarili mo na mag-isa kang tatanda kapag dumating ang panahon na iyon. Ganito talaga ang madalas kong naiisip sa tuwing pag-uusapan ang future ko, hindi ko alam kung masyado lang talaga ako negative na tao or realistic lang ako sa tuwing maiisip iyon. Matagal na kong nawalan ng pag-asa na baka naman... na baka naman merong magmahal sa isang tulad ko na mamahalin ko ng buong puso ko. Isang tao na makakasama ko sa pagbuo ng mga pangarap namin, na makakasama ko hanggang sa pagtanda, na mamahalin namit ang isa't isa hanggang sa huli naming hininga.  Masaya ako para sa mga katulad ko na nahanap ang mga taong magmamahal at makakasama nila sa buhay, pero ganoon talaga siguro, hindi lahat ay natatagpuan nila at nakakamtam nila ang buhay na ninanais nila, at siguro... siguro isa ako sa mga baklang, hinding hindi na mahahanap ang taong iyon. Hindi ko na pinigilan ang mga luhang nag-uunahan sa mga mata ko, ang akala ng iba ay ok lang ako, na wala akong problema dahil wala naman silang naririnig o nakikitang problema ko, pero ang totoo ay naghuhumiyaw ang puso ko sa sakit, sumisigaw ito ng tulong dahil pakiramdam ko ay tuluiyan na akong malulunos ng labis na kalungkutan, pero kahit anong lakas ng sigaw ng puso ko ay walang kahit na sino ang makarinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD