PAGKATAPOS ng ilang oras na biyahe ay tumigil ang sasakyan sa isang malaking gate na napapalibutan ng matataas na pader kaya hindi kita ang loob.
“Nasaan tayo?” Tanong ko rito habang nililibot ko ang paningin ko nang biglang bumukas ang gate at pinasok nito ang sasakyan niya. Nginitian niya lamang ako at hindi sumagot kaya nagkibit balikat nalang ako.
“We’re here.” Pagkasabi nito ay mabilis itong lumabas ng sasakyan at umikot sa gawi ko saka niya ako pinagbuksan ng pinto.
“Thanks” Nasabi ko nalang dito.
Nang ilibot ko ang paningin ko ay labis akong namangha sa nakikita ko. Berdeng berde ang buong paligid dahil sa mga bentgrass at mga puno sa paligid.
Hindi ko namalayan na nakanganga pala ako habang nililibot ko ang paningin ko. Hindi ko alam ang lugar na ito at ni minsan hindi pa ako nakapunta dito.
Naramdaman ko ang kamay ni Cairo na umakbay sa akin. Gusto ko itong tanggalin ngunit nahihiya ako. Hinayaan ko nalang itong akayin ako, habang naglalakad kami ay may mangilan ngilan akong mga taong nakikita sa paligid.
“Sila ang nagmemaintain sa lugar na ito. We own this place. Ito ang madalas naming puntahan ni Radzkier at mga kaibigan ko.” Sabi nito at tumango tango nalang ako.
“Ang ganda. Para akong nasa ibang bansa.” Sabi ko rito at tiningnan ko ito saka ngumiti.
“If you have been to Switzerland, yun talaga ang ginaya namin nagustuhan kasi naming magkakaibigan ang bakasyon namin sa Switzerland kaya naisipan naming bumili ng lupa at gawing ganito.” Natatawang sabi nito.
Maya-maya pa ay nakarating kami sa isang malawak na patad at may nakita akong chopper na alam kong pag-aari nito.
“Sayo yan?” Tanong ko rito.
“Yup. Pero hati kami ni Radzkier dyan. Marunong din kasi si Radzkier magpalipad ng helicopter at para magkaroon naman ng ibang activities dito napagisipan naming bumili ng chopper.” Sabi nito. Grabe, iba talaga ang mayaman. Kung makapagsabi ito ay parang murang laruan lang itong binili nilang chopper. Nang marinig ko na naman ang pangalan ni Radzkier ay bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Ewan ko ba pero may isang parte ng isip ko na sana siya nalang ang kasama ko rito ngayon. Naipilig ko nalang ang ulo ko sa naisip ko.
‘My God! Sapphire, may girlfriend na yung tao. Tanggapin mo nalang na namiss lang niya ang girlfriend niya kaya ka niya hinalikan at naging sweet ng gabing iyon!’
Nang tumigil kami sa gilid ng chopper ay nagulat ako nang biglang lumitaw ang mga naggagwapuhang lalaki kasama na dito si Fritz! Napayuko ako dahil kilala ko ang mga ito sa mukha.
Mga kaibigan din sila ni Radzkier.
“Nandito pala kayo.” Sabi ni Cairo sa mga ito pero ang tingin nila ay nasa akin.
“The oh so hot step sister of the Lopezes is here!” Sabi ni Fritz saka ngiting ngiting lumapit sa amin. “Good morning!” Sabi nito saka hinawakan ang pisngi ko at nagulat ako dahil akala ko ay hahalikan na ako nito sa labi.
Nang isang pulgada nalang ito ay bigla itong tinulak ni Cairo.
“Back off Fritz!” Sigaw ni Cairo at tiningnan pa ito ni Cairo ng masama. Natawa naman ang iba nilang kaibigan at pati si Fritz ay natatawang tinaas pa nito ang dalawang kamay.
“Kilala mo na siguro ang mga gagong to?” Tanong ni Cairo sa akin at nagulat ako ng isa isang lumapit sa akin ang mga ito.
“Ipapakilala na namin ang sarili namin tutal ilang beses ka na naming nakikita pero hindi ka pinapakilala sa amin ni Radzkier. I’m Austin.” Sabi nito at inilahad nito ang kanyang kamay na akin namang tinanggap.
“I’m Vaughnn” Sabi pa nung isa at isa isa na silang nagsilapitan.
“I’m Christoper or you can call me babe.” Sabi naman ng isa at natawa ako dito.
“And I’m Benedict.” Sabi naman ng huli.
“Nice to meet you.” Sabi ko sa kanilang lahat saka ngumiti.
“Let’s go.” Sabi ni Cairo at nagtataka naman ako nang buksan nito ang pinto ng chopper.
“Sasakay tayo dito?” Gulat na tanong ko rito at tumango ito.
“Ayaw mo?” Nagaalalang tanong nito pero mabilis akong ngumiti.
“Gusto! Tara!” Sabi ko rito at ako na ang unang sumampa sa loob ng chopper na binuksan niya. Mabilis naman niya akong inalalayan sa pagakyat ko sa chopper dahil may kataasan ito. Narinig ko itong tumawa at ngiting ngiti ako habang nililibot ko ang paningin ko sa loob nang makaupo ako.
First time kong sumakay ng ganito at sa tabi pa mismo ng piloto kaya hindi ko mapigilan ang excitement ko.
Nang makapasok na rin si Cairo sa loob ay inayos niya muna ang seatbelt ko pati na rin ang headphone yata ito, ah basta! Parang ganon yon.
Habang inaayos nito ang headphone sa ulo ko ay hindi ko maiwasang mailang dahil sobrang lapit nito at pasulyap sulyap din ito sa akin kaya nagtatama ang mga mata naming dalawa.
Kung mas nauna ko lang siguro itong nakilala ay baka mas nagkagusto pa ako rito kesa kay Radzkier.
There! I said it! May gusto ako kay Radzkier.
Bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko sa inamin ng utak ko.
Gwapo, Mayaman at isang piloto si Cairo. Dagdag mo pa ang kakisigan nito kaya maglalaway talaga ang mga babaeng makakakita rito. Pero hindi naman papatalo si Radzkier.
Hayst! Eto na naman ako kinukumpara ko na naman si Radzkier!
Nang maayos na rin niya ang sarili niya ay may kung anu anong pinagpipindot siya at may sinasabi pa ito.
Nakatingin lamang ako dito dahil sobrang namamangha talaga ako. Hanggang sa unti unti nang tumataas ang sinasakyan naming chopper at ngiting ngiti parin akong nakatingin dito. Bigla naman itong tumingin sakin saka ngumiti.
Nang nasa taas na talaga kami ay kitang kita ko na ang buong kapaligiran ng lugar. Halos kulay berde lahat at napakasarap tingnan.
“Wow! Ang ganda Cairo!” Sabi ko rito habang humahagikgik pa akong nakatingin sa baba.
“Yeah, so beautiful..” sagot naman nito kaya naptingin ako dito pero hindi ito nakatingin sa baba kundi sa akin mismo. “I know it’s your favorite color, so I brought you here.”
Nagulat ako sinabi nito dahil alalang alala pa pala niya ang mga pinagsasabi ko noon.
“Naalala mo pa pala?” Tanong ko rito.
“Of course. I really remember every detail of what you told me before.” Sagot nito at namamanghang tumingin ako rito. “You know, if I like someone. Inaalam ko talaga ang mga paborito nito.”
Natahimik ako at naiilang naman akong nagbawi ng tingin saka inenjoy ko nalang ang sarili ko na tumingin sa baba. Binalewala ko nalang sng sinabi nito baka mamaya ay sabihin nitong assumera ako.
Nang magsawa kaming dalawa sa himpapawid ay maya-maya pa ay may sinabi na naman si Cairo na senyales na bababa na kami at rinig ko rin ang boses ni Austin na sinasabi nitong clear ang runway at may kung anu-ano pa silang sinasabi tulad kanina.
Tahimik lang akong nakikinig sa kanila hanggang makalapag ang chopper na sinasakyan namin.
Nagulat pa ako nang mabuksan ang pinto ng chopper ay nakita kong nakaabang si Fritz habang patuloy paring umiikot ang blade ng helicopter at bigla ako nitong binuhat na parang bata at binaba saka inakay sa lilim kung nasaan ang iba nilang kaibigan habang hawak parin nito ang tuktok ng ulo ko.
Nang makarating kami sa lilim ng isang malaking puno hindi kalayuan sa nilapagan ng chopper ay nagulat ako sa dami ng pagkain na nakahain sa isang mahabang picnic table.
“Let’s eat!” Biglang sabi ni Cairo na hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala at hinila pa ako nito palapit sa table.
“Andami. Mauubos ba nating lahat ito?” Tanong ko sa kanila at narining kong tumawa si Fritz.
“Mauubos natin yan. Susulitin din namin ang oras na ito na manlibre si Cairo dahil minsan lang mangyari ito! Palibhasa nagpapakitang gilas.” Sabi ni Vaughnn na sinang ayunan naman ng lahat.
“Shut up fuckers! Kumain na tayo kanina pa gutom si Sapphire e.” Sabi ni Cairo kaya napatingin ako dito.
“Kanina ko pa naririnig yang tiyan mo. I think you didn’t eat breakfast.” Dagdag nito habang nakangiti. Sumimangot naman ako saka umupo na sa table. Nakita ko ang mga pagkain at halos lahat ay mukhang masarap at literal na paborito ko ang mga ito.
Nakagat ko na lamang ang labi ko sa effort ni Cairo ngayong araw.
Isa-isang nagsikuha ng plato ang mga kaibigan nito at binigyan din ako ni Cairo ng plato.
Sabay-sabay naming nilantakan ang mga masasarap na pagkaing nakahain ngayon habang hindi rin maiwasan ang asaran at biruan ng magkakaibigan kaya hindi talaga ako naboring na kasama ang mga ito.