Chapter 11

1604 Words
“HOW are you Sapphire?” Tanong sa akin ni Tito Mon nang sabay sabay kaming nag almusal kinaumagahan. Ayaw ko sanang sumabay sa mga ito ngunit wala na akong nagawa nang maabutan ko silang kumakain. Late kasi akong nagising kaya heto. Kasalanan to ni Radzkier! Hindi niya ako pinatulog kakaisip ko sa ilang beses na ginawaran ako ng halik nito sa labi kahapon at hindi lang basta basta dampi! “M-maayos naman po.” Sagot ko rito at tumango tango naman ito. Nakatingin lamang sa akin si Mama na katabi ngayon ni Riva. Mukhang nagiging close na sila. Bigla tuloy akong nakaramdam ng selos dito pero pinagwalang bahala ko nalang ito. Ito naman ang gusto ko diba? Kahit hindi na nila ako pakisamahan ng maayos basta maayos lang nilang pakitunguhan si Mama ay ok na ako. Masaya na ako. ‘Masaya nga ba ako?’ Tanong ko sa isip. Lihim nalang akong napabuntong hininga. Hindi rin naman nakatakas sa mga mata ko ang pagngisi ni Radzkier na napansin din ni Rayver na nasa tabi ko. Nasa gitna kasi ako ni Renz at Rayver. “Looks like, you’re in a good mood, Radzkier.” Sabi ni Rayver dito at pati sila Tito Mon ay napatingin din dito. “I am?” Inosenteng tanong nito at nagkibit balikat lang ito. “Share mo naman ang dahilan ng pagiging good mood mo para magawa ko rin.” Nakangiting sabi ni Rayver dito at tiningnan naman siya ni Radzkier. “Sorry bro, but, I don’t share.” Makahulugang sabi nito at pasimple pang tumingin sa akin kaya napainom ako ng tubig nang wala sa oras. “Anyway, Dad, may meeting sa school bukas at kailangan umattend ng parents.” Pag-iiba ni Riva sa usapan kaya nakahinga ako ng maluwag. Tila nagisip naman si Tito Mon at napatingin dito. “Sorry Princess, may meeting kasi ang company bukas. So, I can’t come.” Malungkot na sabi ni Tito Mon. “But, nandyan naman ang Tita Sania mo, pwede naman na siya nalang ang pumunta.” Dagdag nito at nakita kong nagliwanag ang mukha ni Riva sa sinabi ng ama. Simula kasi nang lumipat kami ng bahay ay hindi na rin pinagtrabaho ni Tito Mon si Mama at dinig ko rin na si Radzkier na ang magtetake over ng company sa lalong madaling panahon kaya pabaka bakasyon na si Tito Mon at Mama. “Really Tita Mommy? Pupunta ka?” Masiglang tanong ni Riva kay Mama at nakangiting tumango naman si Mama. Napayakap pa si Riva dito kaya natawa si Tito Mon. Mapapa ‘SANA ALL’ ka nalang talaga dahil ni minsan hindi umattend si Mama ng mga meeting sa school namin. Nakaramdam ako ng kirot sa puso sa nakikita ko ngayon at pakiramdam ko’y hindi ko na malunok ang kinakain ko kaya uminom na ako ng tubig at tumayo na. “Oh tapos ka na?” Tanong ni Tito Mon sa akin pati sila Rayver at Renz ay napaangat din ng tingin sa akin. “Opo. Kailangan ko na pong umalis. May gagawin pa po kasi ako sa school.” Sabi ko nalang dito. “Wait for me. Papasok na rin ako. Sabay na tayo.” Sabi ni Renz at dali dali din nitong ininom ang tubig. Mabilis akong umakyat ng kwarto at mabilis na nagayos at kinuha ang mga gamit ko saka bumaba. Saktong nasa sala na rin si Renz at hinihintay ako. “Oh? Diba ihahatid kayo ni Mang Jaime? Hindi pa tapos si Riva a.” Sabi ko dito at nginitian naman ako nito ng nakakaloko saka tinaas ang susi ng kotse. “May kotse ka?” Tanong ko dito at tumango naman ito. “Tinamad lang akong magdrive lately, halika na sabay na tayo, idadaan na kita sa school niyo.” Sabi nito saka maharot na kumapit sa braso ko at natawa kami pareho. “Wait me here.” Sabi ni Renz at mabilis itong pumunta sa garahe saka kinuha ang kanyang mamahaling sasakyan. Nakatayo ako ngayon at hinihintay ito nang biglang tumabi sa akin si Radzkier. Nagulat ako sa presensiya nito kaya pasimple akong lumayo dito. Maya-maya pa ay pumarada na si Renz sa tapat namin at binaba pa nito ang bintana ng sasakyan. Nakashades pa ito at kung hindi ko lang alam na bakla ito ay mapapanganga ka rin sa kagwapuhan nito. Ito talaga ang literal na sayang! “Hop in, Sapphire.” Sabi nito at bahagya pang lumingon sa amin. “Diba iba ang daan ng work mo sa school niya?” Tanong ni Radzkier kay Renz. “Yes kuya, Maaga pa naman kaya idadaan ko na siya sa school nila. 9 am pa ang pasok ko and 7:30 palang.” Nakangiting sabi nito kaya hindi na nakaimik si Radzkier. Tiningnan ko naman si Radzkier na nakakunot na ngayon ang noo at nginisihan ko ito saka mabilis na pumasok sa kotse ni Renz. Parang mas gusto ko pang hindi ako iniimikan nito at sinusungitan lagi kaysa ngayon na halos lahat ng lakad o pupuntahan ko ay lagi itong nakabantay! Weird. ***** “Haaaaay! Sa wakas! Natapos din!” Sabi ko sa mga kasamahan ko at nag-inat pa ako ng katawan nang mapunasan ko ang huling table na inalisan ng huling customer. Saktong alas otso na ng gabi kaya wala nang tao. “Tapos na ang trabaho pero yang mukha mo parang hindi nagtrabaho!” Biro ni Cathy ang cashier ng restaurant. “Grabe ka naman.” Sabi ko dito at ngumuso pa ako. Nagtawanan naman ang ibang crew ng restaurant at kung anu anong compliment pa ang sinabi sa akin kaya hindi ko maiwasang pamulahanan ng mukha. Kukunin ko na sana ang mop para linisin ang sahig nang biglang tumunog ang pinto na senyales na may pumasok. Lahat kami ay napalingon dito at isa isang pumasok ang mga pamilyar na mukha sa akin. Napamaang ang labi ko at bagsak naman ang balikat ng mga kasama ko. Mabilis akong tumalikod at tumingin kay Cathy. “Where’s your boss?” Rinig kong tanong ni Fritz kay Cathy nang lumapit ito sa kinaroroonan namin. Hindi ko ito linilingon at pilit kong iniiwas ang mukha ko. “N-nasa loob po.” Sagot naman ni Cathy dito. “Can you please tell him that his handsome friends is here?.” Sabi ni Fritz dito. Teka lang! Magkakakilala sila Sir Bryle at Fritz? Pati kasi si Cairo at ang ibang kaibigan nila ay nandito rin. Tanging si Rayver at Radzkier lang yata ang wala. Tiningnan naman ako ni Cathy at nakikiusap ang mga mata nito na ako na ang tumawag kay Sir Bryle. Tumango naman ako at umalis sa tabi ni Fritz. Napatingin pa ako sa kinaroroonan ng mga magkakaibigan at nakita kong nakatingin din sila sa gawi namin kaya mabilis akong yumuko lalo na nang makita kong nakatingin sa akin si Cairo. Mabilis akong naglakad at pinuntahan si Sir Bryle sa opisina nito sa loob ng restaurant. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ay kumatok ako agad at sinabi dito ang pinapasabi ni Fritz. Nakita ko kung paano hilutin ni Sir Bryle ang sentido niya at lumabas naman ito agad. Nang makita siya ng grupo nila Fritz ay halos mapuno ng hiyawan ang buong restaurant at nilapitan nila agad si Sir Bryle. Para silang mga bata. Nang matapos silang mag asaran ay umupo na uli ang mga ito sa mahabang mesa at dumako ang tingin ni Sir Bryle sa akin na nakamasid lang sa gilid kasama ang iba pang crew na ngayon ay pawang mga kinikilig. Bigla niya akong tinawag kaya napaayos ako ng tayo at lumapit sa kanila. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Fritz pero nang makabawi ay ngumiti ito ng pagkatamis sa akin. Pilit na ngiti ang binigay ko sa kanila at napaiwas agad ako ng tingin nang makita kong titig na titig sa akin si Cairo. ‘Siguro iniisip na nito na ako yung babaeng nagkalat noong party niya.’ “Umorder kayo ng gusto niyo, pero syempre hindi yan libre!” Sabi ni Sir Bryle sa mga ito. “Minsan ka na nga lang namin makita at makasama hindi ka pa manlibre!” Sabi naman ni Fritz dito na sinang ayunan pa ng iba. “Kailangan kong kumayod! At isa pa wala nang libre ngayon!” Sagot naman ni Sir Bryle. “Sa dami ng branch ng restaurant mo Gomez hindi mo na kailangang kumayod!” Sabi naman ng isa nilang kasamahan. “Ano? Oorder ba kayo o hindi?! Pasara na dapat kami ngayon!” Inis na sabi ni Sir Bryle sa mga ito. “Eto na oorder na. Ano ba ang masarap dito Miss?” Tanong ng isa nilang kasama at sinabi ko naman dito ang mga best seller ng restaurant. Nang magsimula na silang umorder ay kinuha ko na rin ang ballpen at note ko sa loob ng suot kong Apron saka nanginginig na sinulat ang mga order nila. “Radzkier is on his way.” Bigla ay sabi ni Fritz kaya napatigil ako sa pagsusulat at biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang pangalan ni Radzkier. Nang matapos kong kunin ang mga order nila ay binigay ko na ito sa Cashier saka niya pinasa sa aming cook. Naririnig ko naman ang bulungan ng mga kasama ko sa gilid na pinaguusapan ang grupo ng mga kalalakihan na nandito ngayon. Hindi ko sila masisisi. Gwapo naman kasi talaga ang mga ito at ang kikisig pa. Mukhang alaga ang katawan ng mga ito parang si Radzkier. ‘Radzkier?!’ Bakit ko ba sinasali yung halimaw na yon?! If I know pupunta lang yon dito dahil nandito si Cairo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD